Quinta's POV:
Good morning world!
Ngayong araw na ang start nang klase and everyone around the school already knows about my existence here. I hate attention.
Gosh! 7:30 na pala! 8:30 yung klase. Shocks! I need to double my pace.
-------- after everything I need to do ----------
Shit! 8:00 na! Meron na lang akong thirty minutes at malayo pa ang classroom sa dorm ko. Hindi kasya ang trenta minutos kung maglalakad ako at paniguradong may air and land traffic ngayon kase first day of class.
Mukhang wala na akong ibang solusyon kung hindi ang magteleport.
"Book of avarice! I summon thee!"
"Oh?! Anong kailangan mo te?" tanong nito sakin.
"Meron kaba diyang mga portal spells?" tanong ko naman dito.
"Alam mo ba kung saan ka eksaktong lalabas?" sabi niya saken
"Hindi eh. Pero may mapa ako dito. Pwede ba to?" sagot ko naman.
"Pwede yan kaso malaking amount nang magic ang makakain nang pagsummon sa isang to" sabi niya
"Magmamagistrate form na lang ako upang mas mabilis ako makahigop nang magic essence" sagot ko naman.
"Sige. Magandang ideya. Si lust nalang ang gamitin mo." wika nito.
"Book of lust! I summon thee!"
"Oh may ipapaharvat ka na bang men sakin?" bungad agad nito
"Ke aga-aga lalake agad ang inaatupag." sagot ni avarice dito "kailangan niyang mag-magistrate form para maicast niya iyong portal spell. Kaya bilisan mo na dahil malelate na siya." dagdag pa neto.
"Okay po!" sagot ni lust "sige na ate girl ready nako."
"Ok. Book of lust's magistrate form!" sabi ko at kinain ako nang kulay pink na glow.
"Oh! Ayan! I-summon mo na." sabi sakin ni avarice "dapat tama ang mga runes ha! Walang mali-mali."
"Gates of portalkeepers! I summon thee! The great Garius!" wika ko at lumabas mula sa lila na magic circle ang isang matangkad, maskulado at gwapong lalake. Mayroon itong hawak na globo.
"Ano po ang aking maipaglilingkod sa inyo?" sabi nito sakin. Pakshet! Ang lalim nang boses. Ansarap sa tenga.
"Ibigay mo sa kanya ang mapa Quinta at huwag mo siyang tignan na parang huhubaran mo na siya. May kinse minutos ka na lang. Bilisan mo" pagputol ni avarice sa aking pagdeday-dream.
"Ah ito pala yung mapa at gusto kong makapunta sa Galatea's building dahil dun ang una kong klase." wika ko dito. Ang gwapo niya talaga.
"Madali lang to dahil mayroon kang mapa pero nakakahilo ang pagdaan dito dahil hindi kapa naman nakapunta sa lugar pero mawawala naman ito maya-maya." sabi nito habang tinitignan ang mapa na ibinigay ko sa kanya.
"Ok lang. Atleast hindi ako malelate. Gawin mo na." sagot ko dito.
"Ok." sabi nito at binuksan yung papel na hinahawakan niya at nagdrawing siya dito. Pagkatapos niyang magdrawing ay tinupi niya ito ulit at itinapon sa sahig.
Sa pinaghagisan niya nang papel ay nagkaroon nang kulay lila na warphole.
"Pumasok na po kayo diyan sa warphole at paglabas mo sa kabila ay andun ka na." sabi nito sakin. So wala nang atrasan to!
------Galatea building-----
"Maaari ka nang bumalik sa iyong realm avarice. Maraming salamat"
"Maaari ka na ring bumalik sa iyong realm lust. Maraming salamat" at sabay nang pagkadis-integrate niya ay sabay ding nacancel ang aking magistrate form at nakasout na ako ngayon nang pencil skirt at tshirt. Wala kaming official uniform pero mayroon kaming wizard's cape na may iba't-ibang kulay. Mayroong apat na kulay ang capes sa school at ito ay green for freshmen, yellow for sophomore, red for juniors at blue for seniors. At para malaman naman kung anong class ka ay sa pamamagitan naman nang crest na matatagpuan sa likod nang capes namin. At dahil may limang uri nang magic ay mayroon kaming limang crest maliban na lamang sa divine crest dahil ang principal lang namin dito ang may ganoong crest sa cape niya at ang mga professors at iba pang mga staff sa school ay naka black na cape. Ang crest naming casters ay libro, ang crest naman nang mga transfigurators ay gear, ang crest naman nang mga elemental benders or elementors ay ang kanilang mismong element pero kapag dual wielder ka naman ay dalawang elemento ang nasa crest mo, ang crest naman nang mga hybrids ay nakabukas na libro at may lumulutang na gear sa ibabaw neto na pinapalibutan nang lahat na elements at yung divine crest naman ay kulay ginto na korona.

BINABASA MO ANG
Royal Biblia Academy
RandomKabaklaan po eto. So kung ayaw mo sa ganun, lumayas ka dito.