Quinta's POV:
Bakit ganun? Bakit and weird ng mga panaginip ko lately? Baka sa kakaoverthink ko toh. Haysssst... Bahala na nga. Di ko na muna iisipin yun. Madadagdagan lang yung ngarag ko sa life.
Anyway, it's another boring day sa school. Andito ako ngayon sa garden. Nakaupo lang na parang Disney Princess na naghihintay ng Prince Charming ko na sasagip saken sa mga chaka na friends ko na maraming tanong.
"So ano ang ganap niyo ni Leo mare? Kailangan mo akong chikahan" sabi saken ni Riss.
"Hayaan mo nga siya Riss. Baka dinadigest niya pa yung nangyari at need niya pang namnamin yung sandali nilang dalawa. Kita mo nga oh. Anlalim ng iniisip. Baka naiisip yung milagro nila ni Leo. Ayiiiiieee" gatong naman ng gagang Liss.
Hay buhay... Kailan kaya matatahimik ang dalawang toh? Pakaen ko kaya sila sa lupa? Wag na. Iluluwa lang sila ulit ng lupa eh.
"Ay bakit nakangiti ang beshy ko? Anong meron? Naiisip mo ba yung nangyari or usapan niyo ni Leo? Ikaw beshy ha. May tinatago ka ding landi" pinagsasabi ng bruhang Riss na to? Ihampas ko kaya tong kamao ko sa mukha mo. Bahala kayo diyan. Gusto ko muna ng peace.
"Maybe. Or maybe iniimagine niya na yung future niya with Leo. Ikaw beshy ha. Ang advance mong mag isip" gatong na naman ni Liss na mukhang galis.
I've had enough of them. Nananahimik na nga ako dito.
"Alam niyo girls, uso ang tinatawag na silence in peace. Gusto niyo marest in peace kayong dalawa saken? Di ba pwedeng gusto ko lang maging tahimik at ieenjoy etong pag upo ko rito? Kailangan ba na may rason bakit ako tahimik? Tigil tigilan niyo yang kakahithit niyo nga kung ano-ano. Babastos ng utak niyo" litanya ko sa kanila. "Plus, Leo and I are just friends. Walang namamagitan samen. Yung nakita niyo is just an accident. Kayo lang tong mga malisyosa" dagdag ko pa.
"Ay bakit defensive?" sabi ni Riss.
"Oo nga" sabi naman ni Liss.
"Di ako defensive. Nag eexplain ako. Sobrang malicious kase ng mga utak niyo. Jusko kayong dalawa. Sarap niyo minsan sabunotan. Kung di ko lang kayo mga kaibigan" ito talagang mga kaibigan ko. Haysssttt... Konte nalang talaga at mabibingo na sila saken. "Sarap niyong kutusan na dalawa. Chismosa ba kayo sa past life niyo? O kaya usiserang mga palaka?"
"Ikaw naman beshy. Parang di ka mabiro. Eh sa bagay kase kayo ni Leo. Gwapo siya, ikaw naman mabait na disney princess. So match made in heaven kayo" sabi naman ni Liss.
"Agree ako diyan" aba at umagree din ang bruha na Riss.
"Di ko alam kung mga kaibigan ko ba talaga kayo? Ang babastos niyo din ano. Mabait talaga? Di man lang maganda? Sana okay pa kayo. Minsan ang sarap niyo iteleport papunta sa Avaverde." kung di ko lang to mga kaibigan, tineleport ko na tong mga to sa Avaverde eh.
"Chill lang sis. Wag naman dun sa Avaverde. Di bagay ang ganda namin dun. Anyway, bakit pala tayo nandito? Sa dami ng tatambayan naten, why here sa school garden? Gusto mo na ba maging halaman?" sabi naman ni Riss. Babaeng toh. Walang preno ang bibig makapangbuska lang eh.
"Gusto mo gawin kitang halaman? Gawin kaya kitang rafflesia. Yung malaki ka pero mabaho ka. Gusto mo ba yun? Tutal yang bunganga mo ayaw tumigil kakapangbuska" babala ko naman kay Riss.
"Parang di ka naman mabiro sis. Joke lang naman. Ahehe... Anyway, ano ba kase ginagawa natin dito? Alam ko maganda ang school garden and maaliwalas sa paningin pero ang boring dito" sabi naman ni Riss saken.
"Gusto ko sana muna ng katahimikan eh. Pano ako makakaexperience ng peace and tranquility kung yang bunganga mo ay ayaw patigil sa kakatalak. Like di na ba yan titigil sa kakangawa? Reporter ka siguro sa past life mo o kaya tsismosa" pambabara ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Royal Biblia Academy
SonstigesKabaklaan po eto. So kung ayaw mo sa ganun, lumayas ka dito.