Royal 1

7 0 0
                                    

"Wow..."

Yan na lang nasabi ko habang nakatingala sa gate nang Royal Biblia Academy.

"Natupad na rin sa wakas ang aking pangarap na makapag-aral sa Royal Biblia Academy" sabi ko na lamang sa aking sarili.

When I was still a young kid, I've always dreamed of entering this institution. Cause who wouldn't want to study here? First of all, mahirap ang makapasok dito. Pangalawa ay mataas ang standards nila pagdating sa academics. Lahat nang estudyante sa aking dating eskwelahan ay pinapangarap na makapag-aral dito. Kaso mahirap ang makapasok dito at sobrang mapalad ako dahil makakapag-aral ako dito.

Pahirapan ang makapasok dito sa RBA (Royal Biblia Academy) dahil kailangan mo munang makapasa sa dalawang pagsubok at iyan ay ang Academic test at Magic test. Ang academic test ay isang pagsusulit kung saan ay titignan ang iyong grado at score sa pinatake na exam sa iyo. Ang magic test naman ay titignan kung anong uri nang mahika meron ka. Luckily, naipasa ko naman ang academic test at ang magic test kahit na napakacommon nang aking magic. Mayroong limang uri ang magic at ang pinakabasic na type ay ang casters or the common ones. Dito ako nabebelong dahil kami ay nakaasa lamang sa mga spellbook namin at kapag wala ang spellbook namin ay useless ang aming magic. Unless na lang kung magaling kang magmemorya nang mga spells. Ang ikalawa ay ang mga transfigurator. Ang mga transfigurator ay may kakayahang ibahin ang porma nang kahit na anong bagay at kaya sila number two dahil hindi nila kailangan na magbasa or magmemorya nang spells dahil ang mismong katawan nila ang kanilang sandata. For example ay ang gravity, pwede namin i-alter ang gravity pero kailangan muna naming mag sambit nang mga spells while ang mga gravity transfigurators ay konting kumpas lang nang kanilang kamay ay altered na ang gravity. So effortless para sa kanila ang 
gumagamit nang kanilang magic. Ang ikatlo ay ang mga elementals, sila ang nakadepende sa kapaligiran nila. For example, ang mga water benders ay dapat palaging malapit sa bodies of water para mas magamit nila ang kanilang magic to the full extent pero ang mga water benders ay weak kapag walang body of water sa kanilang paligid at umaasa lamang sila sa moisture sa paligid  kapag walang bodies of the water sa kanilang paligid. Ang ikaapat ay ang mga Hybrids. Sila ay may kakayahang makakontrol nang higit pa sa dalawang uri nang mahika pero hindi ka maituturing na hybrid kung dalawang uri nang elemento ang iyong makokontrol pero kapag tatlo na at sobra pa ay ituturing ka nang hybrid sapagkat sumobra nang isa ang iyong kapangyarihan ay dalawa lang dahil mamamana mo lamang ito sa iyong mga magulang. Usually ang hybrids ay lumalabas lamang kapag ang iyong mga magulang ay dual wielders, ang dual wielders ay mayroong dalawang uri nang mahika kaya nagiging hybrid ang kanilang anak. Ang kalima at ang mga pinakamataas na uri nang mahika ay ang divine magic. Walang kahit na anong naitala tungkol dito pero mayroon tatlong uri nang magic na macoconsider na divine magic at iyon ay ang time altering, space altering at ang copy magic. Ang divine magic ang pinakadelikado sa lahat sapagkat masyado itong malakas at maihahalintulad kana sa diyos. Maraming uri nang divine magic kaso tatlo lamang ang naitala at iyon na ay ang tatlong nabanggit.

Pero bago ang lahat ay nais ko munang magpakilala. I am Quinta Ree Vaughn Vontague. 18 years young and I will be studying here at RBA. To clear things here, I'm a transwoman po ah. Mukhang babae lang pero lalake ako na may feeling kepyas! Hahahaha

Naglakad na ako papasok sa RBA at ipinakita sa royal guard ang aking admission letter. Yes mga te! Royal guards talaga dahil royal din ang school. Iba din sila hano! Yaman-yaman.

So yun nga nung ibinigay ko ang aking letter ay binigyan niya naman ako nang mapa at pinapasok na sa gate.

At mga te! Napanganga talaga ako! Ang ganda at ang lawak! Parang ang boung population sa bayan namin ay kakasya dito! Ang laki nito ay parang isang nayon na. Nakakita naman ako ang mga shuttle service upang ihatid ang ibang mga estudyante at ang iba naman ay ginagamit ang kanilang magic. So tinignan ko muna yung mapa at napanganga ako dahil ang layo ko mula sa dorm ko. Hindi naman pwede magbukas ako nang portal dahil hindi ko naman kabisado ang lugar kaya ang gagawin ko na lang ay magsusummon ako nang air mount pero bago yun kailangan ko munang alamin kung anong libro ang gagamitin ko. Yes mga te! Pipili muna ako nang libro bago ako maghokus-pokus dito. May pitong libro ang mga caster pero kailangan mo munang pataasin ang iyong magic level para magkaroon ka nang access sa iba pang libro pero swerte mo na lang kung pagkapanganak pa lang sayo ay dalawa o tatlo na agad ang librong pwede mong maaccess. Pero mas maswerte ako dahil apat agad ang aking naaaccess. Mabuti na lamang at hindi na ako nahirapan sa pag-access sa tatlo. Hindi literal na library yung aking sinasabi ha! What I mean is para rin siyang book pero library yung tawag dahil lahat nang uri nang spells na kailangang matutunan nang isang caster ay nasa solomon's library. But before anything else kailangan ko nang magsummon nang air mount para makarelax na ang ate girl niyo! Kapagod kaya nang biyahe dhay!

Royal Biblia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon