Royal 4

1 0 0
                                    

Quinta's POV:

"Kayong dalawa, bakit kayo nag-aaway?" tanong ni sir Dom.

"Eh siya naman po ang nanguna sir eh! Kung hindi niya sana ako tinulak ay hindi ko din naman siya papatulan." sabi ko.

"Haharang-harang ka kaya sa daan. Kasalanan mo kung bakit ka naitulak. Gawin ba namang tambayan ang pinto. Antanga lang." sabi nito saken. Sumusobra na tong bakulaw nato ah!

"Hoy! Kung may tanga sa ating dalawa ay ikaw iyon dahil sa pagkakaalam ko ay hindi mahirap ang magsabi nang excuse!" sagot ko naman sa kanya.

"Tumigil na kayong dalawa. Pareho kayong may kasalanan pero mas malaki ang kasalanan mo Mr. Tremaine. Naturingan pa namang nasa top section kayo. Palalampasin ko muna itong nangyari pero sa susunod na mangyari ito ay paparusahan ko na kayo. You may now leave." sabi ni sir Dom.

"Yes sir."
sabay naming sabi at lumabas na nang room ni sir.

------- classroom-------

"Oh anong sabi ni sir sa inyo? Naparusahan ba kayo?"- tanong sakin ni Liss.

"Pinagalitan lang kami nang konte pero hindi naman kami naparusahan. Pero nang dahil sa lalakeng yun ay wala sana akong record. Mapapagalitan na naman ako ng mga kapatid ko neto. Nakakairita talaga siya!" sabi ko naman.

"Hayaan mo nalang siya te. Ganyan talaga yan kahit nung high school pa kami. Hindi naman siya homophobic pero ayaw niya lang talagang masapawan sa lahat nang bagay kaya ganun sayo yun." sabi naman ni Arissa. "Arissa nga pala te but you can call me Rissa." dagdag neto.

"Quinta Ree pala te. Just call me sissy. Yan na call sign nating tatlo starting today "- sabi ko naman sa kanya.

"Oh sige na mga sissy, pasok na tayo sa susunod na subject natin." sabi naman ni Liss.

------ classroom ------

"Good morning 1-A. I'm Sigriel Fredericks, just call me sir Sig and I'll be your teacher in your magic combat class. Today, I want you to show me your type of magic by targeting those dummies there. There are a total of five dummies in there and if you can destroy all those dummies, you will be given a perfect score on this given test. The perfect score is fifty and the lowest score will be ten. We'll start with the one who topped the exams, Mr. Vontague." sabi ni sir.

"Can I use any kind of magic sir?" tanong ko naman.

"Sure" sagot ni sir.

"Book of pride! I summon thee!"

"Ano ang need mo sakin te?" tanong sakin ni pride "at ano ang nakain mo at tinawag moko? Alam mo galit nako sayo kasi minsan mo lang ako gamitin na dapat ay palagi mo akong gamitin kasi nakapaloob sakin ang lahat nang malakas na uri nang mahika." dagdag naman niya.

"Eh kaya kita hindi madalas na tinatawag dahil hindi naman kailangan nang malalakas na uri nang mahika ang kinakailangan sa mga pinaggagawa ko. Mga pepechugi lang. Kaya wag ka nang magatampo. Pwede mo ba akong tulungan ngayon?" palusot ko naman.

"Yun naman pala. Ano bang kailangan mong uri nang spell?" tanong naman nito saken. Mabuti na lang kinagat niya yung dahilan ko.

"May spell kaba diyan na long range na kayang makatumba nang limang dummy sa isang tirahan lang?" tanong ko naman.

"Of course dear! Eto yung spell."- at naglabas siya nang mga runes at magic circle. Sinunod ko yung mga nilabas niya na mga runes at spell. "After that sabihin mo 'release!' and wait for the result."

"Release!" at lumabas mula sa magic circle ang limang light balls na color purple at inatake ang limang dummy at sabay na sumabog.

"Thank you pride. You may now return." at nadisintegrate na ito.

Royal Biblia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon