CHAPTER 2: LOVE AT FIRST SIGHT

151 2 3
                                    

"Uy, Shiela!" tawag ng isa kong kaibigan.

Lumapit naman ako, "Oh, nasan sila Fidel?".  

"Naku, alam mo naman 'yun!  Baka hinintay pa si Cyrill! Lage naman silang late 'di ba?".

"Kunsabagay!" 

Wala ng bago sa sistema naming mga magkakaibigan.  May maaga pumasok, may late, may ayaw pumasok, may best in attendance.   Kung anu't anupaman, iyon na kame e.  Magkakaibang personalidad na pinagtagpo sa iisang trip... ANG MANG-TRIP.

"Teka, magpapatawag daw ng meeting 'yung Commandant ng C.A.T. para sa mga senior students".

Kinabahan ako ng marinig ko ang mga salitang; "MAGPAPATAWAG", "MEETING", at "COMMANDANT ng C.A.T."  Kilala ng lahat si Mrs. Mahukom sa pagiging patas ngunit mapangahas na "paghuhukom" sa mga pasaway na estudyante.  Laging nakataas ang kilay, at parang ang pag-ngiti ay wala sa bokabularyo n'ya.  

"HUH? BAKET DAW?"  agad kong tanong.

"Kulang daw ang mga naging officers ng C.A.T. ngayong taon at bubuksan ang pagpasok ng mga gusto pang maging officers."

"Ay, naku!  Eh, kung hindi na lang ako sumipot sa meeting?  Tutal, hindi naman ako interesadong maging officer nu'n e!"

Nag-ring ang bell ng eskwelahan.  Hudyat na magsisimula na ang unang flag ceremony ng taon.

Hinatak ako ni Renalyn papuntang field habang nagsasalita.  "Naku, 'wag mo ng subukan!  Halika, na nga, baka ma-late tayo sa flag ceremony at pakantahin tayo mag-isa dun!"

Sumunod naman ako.  Hindi ko binigyan ng pansin ang mga sinabi ng kaibigan ko.  Dumiretso kame sa field pagkatapos magpulbo at magpabango na naging parte na ng aming daily routine.  

Nang marating namin ang field ay hinanap namin ang pila kung saan kami nabibilang.  Napansin namin na naroon na pala ang iba pa naming kaklase at kaibigan na hinahanap.  

"Kanina pa kame nandito.  Saan ba kayo galing?" wika ni Fidel na noon ay hindi namin akalain na sadyang, RAMOS din ang apelyido.  Tama!  Kapangalan n'ya ang isang dating presidente ng Pilipinas, ngunit... s'ya ay may pagka-PUSONG BABAE.

Napakamot na lang kame ng ulo dahil sa pagkakamaling ginawa namen sa paghusga na hindi na talaga magbabago ang mga ito.  Nagsimula na ang flag ceremony at kami'y sumabay na sa pagkanta ng pambansang awit.  Naputol ang seremonya ng umakyat si Mrs. Mahukom.  Nakapameywang ito na hudyat na siya'y may pangit na gising.

"SA LAHAT NG FOURTH YEAR STUDENTS!!!"  nagulat kame sa malakas nitong pagsigaw.  Dinaig pa ang naka-mikropono sa lakas.  

May narinig nga akong isang malokong kaklase na bumulong, "Galet?  Galet?". Napatawa na ko ng maalala kung saan ko unang narinig 'yun...sa isang baklang komedyante sa telebisyon.  Nakuha ulet ng Komandanteng Mahukom ang aking atensyon sa muling pagsigaw.  

"MAMAYA, PAGKATAPOS NITONG FLAG CEREMONY AY MAIWAN KAYONG LAHAT DITO SA FIELD AT MAY IMPORTANTE TAYONG PAG-UUSAPAN!!!"  lahad ng Komandante.

Muli kong narinig ang malokong tinig, "kailangan, may pag-iyak?" Naisip ko noo'y kung marinig kaya s'ya ni Mrs. Mahukom, anu' kayang kaparusahan ang matatanggap n'ya.  Nakakatawang isipin pero ipinagdasal kong mahuli s'ya para masagot ko ang tanong sa aking isipan.  HA HA HA HA.

Nagpatuloy ang programa ng seremonya, at nang ito'y matapos ay nagpaiwan ang lahat ng senior students sa field para bigyang pansin ang nag-aamok na komandante.  Nagsimula na s'yang magsalita at ipakilala ang sarili para sa ilang transferees ng school namen.  Ooops, Oo nga pala, may mga transferees akong napansin kanina.  Dahilan, para lumingon lingon ako sa mga kasama ko sa field na bago sa aking paningin.  Nakahalo halo lahat ng sections kaya nahihirapan akong makita kung nasaan ang iba kong kaibigan para makasenyasan.

"Hoy!  Shiela!  Kanina ka pa linga ng linga!  WALANG PUNO DITO NG LINGA!" sambit ng Komandante na animo'y gusto pang maging KOMEDYANTE.  WOW!  Medyo bago 'yun a.  Kung may tinatawag na CEBU DANCING INMATES...SINGING MENTAL ILLED PATIENTS...DANCING TRAFFIC ENFORCERS..Ang school namen, merong KOMEDYANTENG KOMANDANTE.

Narinig ko na naman ang malokong tinig, "LAST NA 'YAN, MA'AM, A!".  Wala talagang takot ang isang 'yun na hindi ko malaman kung sino.  Hindi yata s'ya natawa sa PUNO NG LINGA JOKE ni Mrs.  Mahukom.  Napatawa tuloy ako ng maisip ko ulit ang kaparusahang nasa isip ko.

"Uy, baket ka tawa ng tawa?" wika ng malokong tinig.

Hindi ako nagbaling ng atensyon dahil may pinapasulat ang Komandante, pero, sumagot ako, "Nakakatawa ka kase, hina-hard mo si Ma'am!"

"Hala!  Hindi 'no!  Hindi ko nga alam bakit ko 'yun nasasabe ee.  Siguro, ang lakas lang talagang makahawa nu'ng komedyante sa TV." Dinugtungan pa n'ya ng pakling mga tawa.  "Teka, anu'ng pangalan mo, classmate?"

Hinarap ko ang nagtanong na malokong tinig nang makita ko ang isang lalaki.  Manipis at straight na buhok na kahit magulo ay alam mong may mabangong amoy, matangos na ilong, mapulang labi at napaka-BLANKONG MGA MATA.  Hindi ako nakapagsalita.  Animo'y nabati ng isang masamang elemento.  

"Uy, classmate, sabi ko, anu'ng pangalan mo?" nakangiti nitong tanong.

Napansin ko din ang pantay at mapuputi n'yang ngipin bago ko sinagot ang tanong n'ya, "Ah, Eh..." at dinugtungan n'ya ito ng mga kasunod na katinig habang malokong nakangiti.  "Shiela!  Shiela ang pangalan ko."

"Wow, ang ganda naman ng pangalan mo...parang ikaw!" Bumaling ako sa aking sinusulat at baka mahuli ako ng Komandante.  "Hindi mo ba itatanong ang pangalan ko, classmate? Ah, este, Shiela?"

"Ah, mamaya na lang tayo mag-usap kasi, baka mahuli tayo ni Mrs. Mahukom!"

Hindi ko na narinig na nagsalita ulit ang malokong tinig na nasa tabi ko.  Marahil, natakot din s'yang mahuli ng Komandante.  Natapos na ang session ng pagpapaliwanag, pagpapasulat, paninigaw at pagsasaway ng Komandanteng Mahukom.  Nang nakita namin ang schedule para sa taon,  nang mga oras na 'yun dapat ay RECESS na namin.  Agad naman kaming nagkita-kita ng mga kaibigan ko at sabay sabay pumunta ng cafeteria.  Nang makapasok na kami, narinig ko ang kanina pang malokong boses na gustong kumausap sa'ken.

"CLASSMATE!  SHIELA!  CLASSMATE!" tawag nito.  Agad ko namang hinanap kung saan galing ang boses para matukoy ko kung s'ya nga ang tumatawag.  Nakaupo s'ya sa isang pang-apatang mesa, kumakaway at nakangiti.  Gumanti din naman ako ng kaway at ngiti, nang mapansin ko ang kakaibang tingin sa akin ng mga kaibigan ko.  Una, dahil, hindi ko gawain ang mangbati at kumaway sa isang bagong kakilala at pangalawa, dahil, malakas talaga ang dating ng lalaking may malokong tinig at gusto nilang ipakilala ko sila dito.

------>  ITUTULOY....

Ano nga ba ang mangyayari kay Shiela at lalaking may malokong tinig?  Sino nga ba ang lalaking ito?  Ano ang magiging parte n'ya sa unang pagkabigo?  DADATING BA ULIT SI PARENG MOVE ON?  

MOVE ON:  TANGA NA LANG PARATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon