CHAPTER 3: Get To Know Each Other

93 1 0
                                    

"Bayad 'teh oh," at inabot ko ang bayad para sa mga nakuha kong pagkain at inumin.  Naramdaman kong hindi pa rin umaalis ang tingin sa'ken ng mga kaibigan ko.  Parang habang tumatagal, mas lumalagkit ang tingin nila sa'ken.  Pinilit kong hindi bumaling ng tingin sa kanila para hindi ako ma-interrogate.  Dinala ko ang tray at akmang magtutungo na ko sa mesang naging tambayan na naming magkakaibigan nang biglang ang lalaking pinanggagalingan ng malokong boses ay nasa harapan ko na.

"Ako na ang magbitbit," sabay kuha ng tray na hawak ko.  Ewan ko kung bakit napalingon ako sa mga kaibigan ko at hindi na ko nagkamali.  Pagtataka na may halong panunukso ang hatid ng kanilang mga titig.

Sinundan ko ang lalaking hindi ko pa natatanong ang pangalan.  Nagulat ako ng lumagpas sa mesang dapat na pinagdalhan ng pagkain ko.  "Tangek!  Malay n'ya ba sa mesa ng grupo!?  TRANSFEREE nga 'di ba?"  Napatawa na lang ako sa sarili ko nang maisip na dumadalas ang pangangausap ko sa sarili ko simula kanina pang umaga.

"Teka! teka lang!  Dito 'yung table namin e." sabay turo sa mesa na nalagpasan n'ya na.  Parang hindi n'ya ko narinig kaya nilakasan ko ng kaunti ang boses ko para marinig n'ya.  "Psst!  Dito 'yung mesa namin!"

Nagpatuloy pa din s'ya hanggang sa maabot n'ya ang mesa na kaninang kinauupuan n'ya.  Inilapag n'ya ang tray at nanatiling nakatayo sa harap ng mesa.  Wari'y hinihintay n'ya ang pagtugon ko sa isang unannounced invitation.  Tumingin ulit ako sa mga kaibigan ko kung anu'ng magiging reaksyon nila.  Sumenyas naman si Cyrill na tanggapin ko ang imbitasyon mula sa estranghero at sinundan naman ng nakakalokong ngiti mula sa iba pa.  Napailing na lang ako at mabilis na tinungo ang mesang sisimulan ng isang pagkakaibigan.

"Upo na tayo," paanyaya ko sa estranghero.  Nakaupo na ko nang marinig ko na naman ang maloko nitong tawa.  "Oh, Baket?  Nakakatawa bang umupo?"

Umiling lang ito at pinilit na itago ang ngiti para hindi na ko magtanong kahit pa halatang halata sa pagkabanat ng labi n'ya ang kasiyahan na s'ya lang ang nakakaalam.  Umupo na s'ya at inayos ang mga pagkain namin.

"Ano ba kasing ikinakaligalig mo?" tanong ko sa pag-alog ng mesa namin.  "Natatapon na 'yung mga softdrinks oh!"

Tatawa-tawa pa din s'ya ng sumagot.  "Wala. Wala." at sinundan pa ng malakas na hagalpak.  

Tumayo na ako para magpaalam dahil wala naman akong balak makipag-usap sa taong tumatawa ng walang dahilan nang biglang tumigil s'ya sa pagtawa.  "Uy, saglit lang!  Bakit ka aalis?" 

"Eh, akala ko naman kase, gusto mong makipagkwentuhan.  Malay ko ba na puro lang tawa ang aabutin ko dito.  Pinagtatawanan mo ba 'ko?  Hindi ako lumapit dito para lang mainsulto at..."

"Ssshh!" pagputol n'ya sa sinabi ko.  "Hindi ikaw 'yung tinatawanan ko, kundi 'yung sarili ko.  Kanina kasi nu'ng sinabi mong, 'upo na tayo' nagsalita na naman 'yung utak ko.  Gusto ko sanang sabihin na, 'hinde! tayo lang tayo! tayo!' kaya lang baka magalit ka kaya tinago ko na lang."  Sinundan na naman ito ng pakling mga tawa.  "Sorry a.  Ang kulit kasi ng utak ko e.  Sa totoo lang, masaya ako kasi may isa na kong kaibigan dito."

Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina para kumalma.  Natawa ako sa isang parte ng utak ko nang maalala ko ang nangyari kaninang umaga.  Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako habang paunti-unting kinakain ang binili ko kanina.

"E, bakit ka nangingiti?" tanong naman nito sa'ken.

"Wala naman. wala."  sagot ko.

"Hala!  Ang gara naman!  Sinabi ko na 'yung dahilan ng sa'ken a! Sige na!" pamimilit nito.

"Naalala ko kasi 'yung naisip kong parusa mo na pagsagot ng papilosopo kay Ma'am Mahukom kanina kung sakaling mahuli ka," mas lumaki pa ang ngiti ko. 

"At anu' naman 'yun?"  nagsalubong ang makapal n'yang kilay.

"Napanuod ko lang kasi 'yun sa isang koreanovela.  'Yung itinali yung leeg, kamay at mga paa mo tapos pinahila sa limang kabayo." Napalakas ulit ang tawa ko ng muling maalala ang nakita kong itsura n'ya.  Hindi naman ako brutal, pero, si Mrs. Mahukom... Oo.

Napabuga din s'ya ng malakas na tawa ng marinig 'yun.  "Grabe naman!  Ganu'n ba 'yun magparusa?"

Umiling ako at pinigil ang aking tawa.  "Hindi, pero, parang ganu'n na din!"

Napuno ng tawanan namin ang buong Cafeteria.  Hanggang sa dumating na ang pagdating ng aming oras para bumalik sa klase.  Magkasabay kaming pumasok ng silid-aralan habang nasa likod namin ang mga kaibigan ko na wari'y pinagtsi-tsismisan kami ng mga malisyosong bagay.

------>  ITUTULOY


Matapos mong makilala ang taong pipiliin mong mahalin, matatakot kang masaktan.  Hahayaan mo bang ang takot na ito ang maging dahilan para maging masaya ka kahit panandalian lang?

Sa susunod na kabanata, maitatanong na kaya ni Shiela ang pangalan ng estranghero?   



 

MOVE ON:  TANGA NA LANG PARATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon