Prologue

31 18 30
                                    

Help me. . .”

“Dammit!”

Napamura ang costumer nang mabitiwan ni Satashi ang glass of wine na kaniyang hawak. Umalingaw-ngaw ang ingay ng pagkabasag nito sa sahig na gawa sa acacia. Natalsikan nito ang suot na pants ng ginoong pinagsisilbihan ng dalaga bilang isang waitress.

Nabitiwan niya ito dahil sa boses na muli niyang narinig. Ganito na ito araw-araw ngunit hindi niya maiwasang mabigla. Hindi naman kasi ordinaryong boses lamang ito. Ang tinig na iyon. . .

“I'm sorry.” paghingi ng tawad ni Satashi rito.

Bahagya namang napapitlag ang ginoo dahil sa napakalamig at tila ay nanggagaling sa malalim na hukay ang boses ng dalaga. Ngayon lamang siya nakarinig ng ganito kalamig na boses.

Ngunit dahil sa kakaibang kilabot na dala ng boses na iyon ng dalaga ay napatahimik siya sandali. Umangat ang tingin ni Satashi sa kaniya at muli ay nahinto siya sa kakaibang mga mata nito.

It was red and bright as blood yet looks lonely and lifeless. The dark line below her eyes as an eye bags added tiredness in her face. Her appearance stands in mystery, as she has pale skin that mistaken her by people as a vampire, long black hair that reaches down to her knees, and bangs that covers her forehead and eye brows. Satashi was a slender girl without looking too unhealthy.

Though her face wasn't that exposed because of her a white triangular handkerchief that is tied around her face as a face mask. She has a little bit cold because of staying late at night outside just to walk around their small city.

Nagulat lamang ang ginoo sa hindi rin niya malamang dahilan. Ang itsura kasi ng dalaga ay may kakaibang hatid na hindi maipaliwanag. Kahit siguro sinong makakakita dito ay hindi maiiwasang mabulabog ang isipan.

“You should be careful, slave.” wika ng isang boses ng babae. Puno ito ng kaartehan at kayabangan.

Marahan namang tumingin dito si Satashi at bahagyang tumungo saglit na tila ay magalang na humihingi ng tawad at sumasang-ayon sa tinuran ng mayamang babae.

“Slaves really doesn't have any manners.” wika pa nito at ininum ang sariling wine na naunang ibinigay ni Satashi.

Imbis na pansinin ay nagpatuloy na lamang si Satashi sa pagliligpit ng kalat na nilikha niya. Pinunasan ang wine na nasa sahig at niligpit isa-isa ang mga bubog.

Tumigil lamang siya at marahang tiningnan ang sariling daliri. Nakita niya duon ang dugong umaagos mula sa maliit na hiwa dahil sa maling paghawak niya sa piraso ng bubog.

“May I ask what is our problem in here?” magalang na pag-sabad ng manager ng café.

Nabaling ang tingin ni Satashi sa malabong repleksyon ng kaniyang amo sa makintab na sahig. Matapos nun ay nagpatuloy na lamang ito sa kaniyang ginagawa.

“That slave, she doesn't even know how to work properly. Why did you even accept her in your café? She will put your business down someday.” wika naman ng babae mukhang elegante at puno ng mga dyamanteng palamuti sa katawan.

“I'm sorry if she accidentally broke your wine glass, Mr. and Mrs. Carson. But I'm sure Satashi would never be the cause if I ever losses my business. She's a hard worker and very admirable waitress in my café.” may ngiti at normal na singkit na mga matang turan ng manager.

“What did you—” hinampas ng babae ang lamesa at sinabi iyon ngunit ito ay hindi natuloy dahil hinawakan ng asawa ang kaniyang kamay.

“Stop it, Liliana. We don't have any business here anymore. Let's go home.” wika ng asawa nitong bago tumayo at harapin ang matandang manager ng café.

RED TAINT (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon