Chapter 12: A Made Decision

15 14 0
                                    

Third Person's POV

Yvaine, Kyril, and Satashi, the three of them are inside the cafeteria. Ang cafeteria ay malawak, maingay, at puno ng simoy ng ibat-ibang pagkain. May mga naglalakihang ilaw sa taas na nagbibigay liwanag, araw man o gabi sapagkat hindi ito nadadamay sa liwanag na binibigay ng araw.

Nakarating ang tatlo sa isang parte ng table. Magkatabi ang magpinsan ngunit sa harapan nila umupo si Satashi. As much us possible, Satashi didn't get herself too close to anyone. She didn't grow for it.

“Uggh-wa~” ungot ni Kyril na tila ay dismayado. “I was really excited the moment I open my eyes. Inaasahan kong makakakain ako ng niluto ni Yvee. Ayaw ko talaga ng pagkaing pang-cafeteria. Para silang nagpapakain ng sanggol o ng batang kulang sa timbang. Halos wala ng lasa.” Wika pa nito habang nilalaro ang ulam sa plato niya.

“Hindi naman maiiwasan, 'di ba? Nag-aaral ka sa paaralan kung saan itinuturo ang mahika at pakikipaglaban. Natural lang na may sangkap na enhancing potion ang mga putaheng niluto nila. Paraan ito para matulungan tayong mga istudyante na mas tumagal sa klase dahil nakaka-ubos ng istamina ang halos lahat ng asignatura.” paliwanag ni Yvaine habang naka-cross ang mga hita at maging ang kaniyang mga braso.

“Isa pa, nagrereklamo ka ngunit, napakadami mo namang pagkain na kinuha. Pasalamat ka at hindi natin binabayaran yan.” dagdag pa nito habang nakatingin sa tatlong malalaking plato na puno ng ibat-ibang pagkain sa harap ni Kyril.

“Grabe ka, Yvee. Kumakain ako ng madami kasi mabilis akong maubusan ng stamina dahil sa mga pinapagawa sa'tin dito. Isa pa, binabayaran kaya natin ito. Ikaw ba naman ang ilagay sa alanganin ang sarili mong buhay para lang protektahan at paglingkudan ang lupain ng Lalchandra, sinong matinong tao ang hindi magsasabing sobra-sobra pa ang bayad na ibinibigay natin. Ang buhay ay hindi matutumbasan ng kahit gaano pang kalaking pera.” pag-aanalogo nito pabalik.

“Yes, yes, ma'am. Kumain ka na nga lamang.” kinuha ni Yvaine ang burger na nasa plato niya at ipinakain ito sa kaniyang pinsan.

“He he he. Thanks!” pasalamat naman nito sa pagkaing ibinigay at hindi na nagreklamo pa.

Samantala ay tahimik namang kumakain ng prutas na cherry si Satashi. She is fond into red fruits and makes it her daily food. Kumakain naman siya noong bata pa siya ng ibang pagkain at mahilig lamang sa mga pulang prutas. Ngunit nagbago din naman yun matapos ng ika-puto niyang kaarawan.

“Sya nga pala, Satashi.” pagtawag pansin ni Yvaine kaya marahang tumingin dito si Satashi. “Ako lang ba o sadyang. . . may kakaiba sayo ngayon. Aren't your bandages lessen a bit?” wika nito.

“Hm-hm!” pagsang-ayon ni Kyril bago lunukin ang pagkain niya. “Nawala yung nasa leeg at magkabila mong braso. Hindi masyadong halata dahil sa maputi mong kutis. Nag zonrox ka b—”

“Shh! Tch!” suway kaagad ni Yvaine kaya napatahimik ito at nagpatuloy sa pagkain habang nakikinig pa rin.

“Ibig sabihin lang nun ay magaling na yung mga sugat mo sa parteng leeg at mga braso. Bakit ka nga ba nagkasugat ulit?” nang-uusisang tanong ni Yvaine.

“Fire.” tanging malamig ngunit malambot na tinig niyang wika. Tila napatahimik naman ang dalawang ngunit may ekspresyon silang nagsasabi kung ano ang iniisip nila, ‘Yun pala ang dahilan. Pero ano kayang nangyari?’.

RED TAINT (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon