Chapter 17: An Apology That Can't Be Accept

13 13 0
                                    

Umaga nuon at nagkakatuwaan sa kusina ang dalawang babae. Magkatulong sila sa pagluluto. Nahinto lamang sila sa kanilang ginagawa nang isang katok mula sa pinto ang umagaw sa kanilang pansin.

"Ako na ang titingin." Sabi ng isa sa dalawa. Nagtungo ito sa pinto ang pinagbuksan ang nasa labas. Maya-maya ay bumalik ito sa loob.

"Ano raw yun, Jae?" Tanong ng kaibigan nang makita itong bumalik.

"Si Xaica, hinahanap. Tatawagin ko lang sa kwarto nya ha? Nung isang araw pa yung ganun. Halos hindi na lumabas ng kwarto. Kagabi hindi na rin siya kumain." Wika naman ng tunawag na Jae. Napakamot pa ito sa sariling ulo.

"Masarap naman ang luto natin, 'di ba?" Napakagat labing sabi ng babae habang hawak ang sandok.

"Ano ka ba naman Civy. Tayo ata ang may pinaka-masarap na luto." Matapos sabihin ito ni Jae ay agad na siyang umalis duon at nagtungo sa kanilang kwarto.

Pagkarating duon ni Jae ay nakita niyang nakahiga sa sariling kama si Xaica. Nakaharap ito sa pader at nakabalot ng kumot hanggang noo nito. Natatabunan din ng buhok ang mukha. Nasa babang parte ito ng double deck na kama.

"Xaica, may naghahanap sayo sa labas." Paglapit niya dito at nakita niya ang tila ay pagkislot ng kaibigan na wari mo ay nabigla sa narinig.

"S-Sabihin mo, wala ako." Nanginginig na wika nito at tila ay mas bumaluktot sa higaan. Marahil ay niyakap ang sariling mga tuhod.

"Hindi naman maaari yun. Nasabi ko na nasa kwarto ka. At mukhang nag-aalala siya sayo." Paliwanag niya ngunit walang sagot siyang narinig mula dito. "Sabi rin niya ay nais kang makausap ng isang inspektor. May kinalaman ata ito sa nangyayari pagpatay. Xaica, hindi mas makakabuti kong lumapit ka sa kanila. Baka makatulong sila sayo sa kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon. I could feel you're afraid of something and it scares us." Dagdag niya ngunit katahimikan muli ang naging tugon sa kaniya ng isa.

Napabuntong hininga na lamang siya at tumalikod upang umalis nang maramdaman niya ang pagkilos ng kaibigan. Lumingon siyang muli at nakita niya na unti-unti na itong bumabangon.

"Pakisabi, sandali lamang." Anito sa kaniya at lumabas ng kwarto saka pumasok sa kabilang pinto na para sa banyo.

Ngumiti naman siya bago lumabas at magtungo muli sa pinto ng  kanilang dormitoryo. Naruon ang babae sa kabilang parte ng hallway na katapat nila katabi ng pinto ng isa pang dorm room ng tatlo pang babae.

"Kagigising lamang, pero susunod na raw. Gusto mo bang pumasok?" Aniya rito at binukasan pa ng mas malaki ang pinto.

"Pwede bang sa kwarto ko na lang siya maka-usap? Baka may makakita pa dito." Wika nito dahilan para mapakunot ang kaniyang noo. Subalit hinayaan na lamang niya at sinamahan ito.

Ang isa pa sa hindi niya maintindihan ay ang nagtatakang reaksyon ng kaibigan na si Xaica nang makita ang babaeng kasama. Nag-usap ang dalawa sa kwarto at wala na siyang alam sa kung ano ang meron duon.


SAMANTALA mabilis na naglalakad ang isang tauhan ni inspector Harris. Lumapit ito sa kaniya at may inaabot na isang hindi kalakihan na kahon. Binuksan ito ng inspektor at kinuha ruon ang ilang mga papel. Tumango siya sa tauhan bago sila nagsimulang kumilos.

"Mahuhuli ba natin sa paraan na ito ang pumapatay?" Tanong ng kasama niyang si detective Nevio.

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan. Isa pa, may kakampi tayo na mas higit na nakaka-alam sa nangyayari. We will succeed." Anito bago tuluyang lumabas sa gusali.

RED TAINT (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon