Chapter VIII

153 25 2
                                        


Chapter VIII
Mga in love sila?

----------

"ZYLINE ATHENA pov"

"ANO?!!" Sigaw na sabi ko kay Chase

Pano ba naman, mag-papanggap na kami, NA KAMI. FAKE NA KAMI. E, ayokong ganun eh. Mga bregsssss~ HINDI PA AKO NAIINLABABO! NO BOYPREN SINCE BIRTH AKO! Kaya lang ang ganito, dahil sa tatay ko! Dapat diba, ginagantihan ko, yung mag-asawa? Pero hindi..
SA ISANG DALAWANG MAG-KASINTAHAN AKO GUMAGANTI, DAHIL AYOKO NA MATULAD SILA SA MGA MAGULANG KO. DAHIL MAGHIHIWALAY DIN SILA.

'WALA KAYANG FOREVER, DUHHHHHHHHH'

Tanga, sinunangaling, bulag, Ewan na lang mag-sasabi na may FOREVER!! Tsk. E sa totoo naman e! Sasapukin ko ng 9 inches kong heels kapag may nagsabi sakin na may forever. Sa una lang masaya yang lovestory niyong dalawa. Tandaan mo yan. Lahat ng bagay may katapusan. Tulad ng relasyon niyo *smirk*


"Nakikinig ka naman siguro no?" Sarcastic na sabi nito, "Kailangang ulit ulit?" dugtong pa nitong bakulaw na to.

"Tanga ka ba ha?! Bulag ka ba ha?! Ewan ka ba ha? Gago ka ba ha?! NO BOYPREN SINCE BIRTH AKO." Sabi ko at umirap sa kanya. Hindi niya ba naiintindihan yun? Mulala talaga. Kainis. -_________________-

"It's so very very very easyyyyyy." Bored na sabi ni Christian

Paano kaya magiging easy kung first time ko to gagawin?! Nakakabawas ng ganda ah. Ang sarap batukan ng bakulaw na to.

"Swerte mo nga e, kasi ako ang naging 1st Boyfriend mo at!" Huminto siya sa pagsasalita at napatingin sakin, "at naging boyfriend mo pa ako." proud niya pang sabi at sabay kindat

Aba! Tunguno lang?!! ANG LAKAS NG HANGIN! Asa siya. ASA! A-SA!! Kadiri siya! Hindi ba siya kinikilabutan sa sinasabi niya? Muntanga lang e! Lumapit ako sa kanya at tinulak siya ng malakas

"Tanga ka ba ha? Gago ka ba ha? Siguro nga gago ka talaga. PARTNER MO LANG AKO SA PROJECT NATIN. HINDI GIRLPREN!" Sigaw ko at sabay walkout, pero pinigilan niya ako. Ano baaaaaaaaaaaaa!

"Please? P-Para sa girlfriend ko lang... Mahal na mahal na mahal ko lang kasi siya, lahat gagawin ko, para sa kanya... She's my first love." Mag-mamakaawa na sabi ni Christian


Hinawakan ni Christian ang kamay ko at sabay sabing: "P–Please??"

Tinignan ko siya sa mata , seryoso siya at mahal na mahal niya ang EX niya, pero ang kinakatakutan ko... Yung mahulog ako sa kanya. BAKA LANG YUN AH! BAKA. Nakakatakot kasing magmahal at masaktan. Nakakapagod umiyak at magmukmok. At ang pinakamahirap, saan ako ulit magsisimulang sasaya kapag ako ay bigo na?

Nag buntong hininga ko "C-Christian, alam ko mahal na mahal mo siya, pero hindi pa ba sapat yung sinabi niya na hindi ka na niya mahal?" Sabi ko sa kanya at binitawan niya yung kamay ko

"Ayun na nga yun e! Kahit sinabi niya yun, mahuhulog at mahuhulog din siya sa akin, pero... Kailangan kita sa plano ko.. Please, zyline... Tulungan mo ako sa plano kong to.." Sabi niya at tumingin sa akin

Hindi ako nagdalawang isip sa sinabi ko sa kanya. Hindi kasi pwede.

"Ayoko... Huwag mo na kasi ipilit ang isang tao, dahil masasaktan ka lang! Kapag hindi kayo, Hindi kayo. Hindi mo ba naiintindihan yun?" naiinis kong tanong

"Hindi." Tipid niyang sabi

Huminga ako ng malalim. May choice paba ako? Sabihin niyo nga. Kainis. Ang kulit kulit. "Fine. Pumapayag na ako, pero pagkatapos na bumalik siya sayo. Wala ng pakielaman okay?" Sabi ko at nag-liwanag ang mukha niya

"TALAGA?!! OO NAMAN, ZYLINE. THANK YOU THANK YOU." Sabi niya at laking gulat ko na niyakap niya ako. Bakit niya pa ko kailangang yakapin? Abaaaaaaaa. Tsansing na tung bakulaw na to ah. Kung itulak ko kaya? Kaso wag na. Mukha namang masaya sa sinagot ko.

"A–Ah... Eh..."

O..kay, zyline. Mahal niya pa okay? MAHAL NIYA PA, itatak mo yan sa utak mo at sa puso mo. Hindi na siya pwede. Okay?

---

May klase na kami, kaya kasama ko siya... Ulit, tapos na kasi ang lunch, pero dito sa classroom, hindi ko siya kinakausap at ganun din siya. And never ever kaming nagtabi. NEVER. Pagkatapos ng usapan namin kanina, humiwalay kaagad ako sa kanya nun pagkatapos tumakbo papuntang Cafeteria. I need water kase.

"Oy, dalawa kong best friend na hindi ko malaman kung saan nanggaling." tawag ko sa kanilang dalawa, wala kasi ako makausap at bored na bored ako dahil nagpapalecture lang naman ang teacher namin. Nakakabored diba?

-________________-

Hindi nila pinansin ang aking sinabi. Ayba. Parang may himala, ni hindi man lang sila umangal o nagsungit sakin nung tinawag ko silang ganun. Napapano kaya tung mga to! Lumapit ako sa kanila at sabay ko silang ginulat. Kaya napatingin sila sa akin. Ay sa wakassssss!

"Ano ba?!" Galit na sabi ni Sofia

"Pakilemera ka na pala ngayon no?! Dun ka na nga!" Sabi ni yam

Ayan. Ayan ang mga bestfriend ko. Palagi akong sinusungitan. See? Ngayon lang ako nag-exsist sa harapan nila. *rolled eyes* sa ganda kong to

"Tsk! Sino sino ba yung nasa isip niyo ha?! Kung makapag-day dream kayo, kala niyo wala ng bukas!" Sabi ko at umupo sa harap nila

"Tsk. Basta ako... Masaya" Sabay nilang sabi na ikinagulat ko

T-Teka, may nahalata ako ah. In love ba tung dalawa? Inlove sila? NOOOOOOOOOOOOOO. HINDI PWEDE. Bawal sila mainlove!! ^________-


"INLOVE KAYO?!!" Sigaw na sabi ko at napatayo ako at lahat sila nag-tinginan, pati na rin si Christian. LAHAT NGA EH! Mga tsimosa/tsimoso.



Tinaasan ko naman sila kaagad ng kilay, "Tsk! Bumalik na nga kayo sa ginagawa niyo, porket sumigaw lang ako, tumingin na kayo sakin. Bakit? Bawal bang sumigaw? BUMALIK NA KAYO SA GINAGAWA NIYO." Mataray na sabi ko at lahat sila bumalik sa ginagawa nila. Mga aso lang pala to e kumbaga mga sisiw lang. Madali lang pasunurin. Tsk!

"Shh.. Huwag ka nga maingay diyan." Sabi ni yam

"Tss. So, ano na? Totoo ba?" Tanong ko


Hindi sila sumagot sa halip nag-tinginan silang dalawa, Psh. Wala akong alam dito ah. Wewoooooo. Paturo naman! TAGAL NG TEACHER NAMIN. MAG-PAPATURO AKO. Na-o op ako e. Hiyang hiya naman ako sa kanila oh.


"H-Hindi no.. Porket masaya lang ako? Inlove agad? Hindi muna may ATM na ako." Sabi ni Sofia habang nakangiti


"Oh, ikaw naman?" Tanong ko kay Yam

"H-Hindi uso sa akin ang mainlove no. May laptop na ako! At tsaka, iPhone. Whhaahhh!! Kenekeleg eke. Hehehe." Sabi ni Yam habang kinikilig

Hindi ko na lang sila sinagot, tumango lang ako at bumalik na sa upuan ko. Sa tingin ko, May tinatago tung dalawa. May something e. Malakas ang kutob ko. Pero magagawa ba nila sa akin na ibali ang promises namin sa isa't-isa? Haysssss. Sumasakit na naman ulo ko. Ano ba yan!

---

Notes:

Oops! Ano kaya yun? Bago yun, MAG-VOTE AND COMMENTS KAYO! Hehehe ^_^ Kamsahmida. :) Saranghaeyo. :* ‹3

Updated: April 16, 2015
End of story: _______

I'm a Bitter Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon