Chapter 44- 3 Love Story
---
"Christian Chase POV"
February 11, Wednesday
Lumapit ako kay Zyline, Nakahiga siya sa hospital bed. Tatlong araw siyang tulog. Walang makulit, Walang nag-mumura, Walang madaldal
Wala...
"Namimiss na kita.." Sabi ko
Hindi ko siya mahawakan, Hindi ko siya mahalikan. May plastic na naka-balot sa kanya, Ayun yung oxygen niya.
"Christian.." Lumingon ako sa tumawag sa akin, Si Tito Rommel
"S-Sayo lang sasaya ang anak ko...
Pinapaubaya ko na sayo si Athena." Nakangiting sabi ni Tito Rommel
Napangiti ako at nag-men hug kami "Thank you po, tito." Sabi ko
---*---*---*---
"Mionette Sofia POV"
"Ano ba Nico?! Mag-aaway na naman ba tayo? Tsk. Lagi na lang ganito!" Sabi ko kay Nico
Hindi ito sumagot, "SINO BA ANG GUMAWA NG COC NA YAN?! PAPATAYIN KO."
"Kung kaya mo." Bored niyang sabi
Nandidito kami sa sala ng bahay namin, Naka-upo kami sa sofa at siya? Hawak niya cellphone niya habang naglalaro ng COC
"Sino ba girlfriend mo?! COC ba yung pangalan ng girlfriend mo?!" Galit na sabi ko
"Oo."
Shet! Sana na lang hindi niya ko linigawan, Busit kasi yang COC na yan eh.
"Tanungin mo kaya yung problema natin diyan sa Erick mo?!" Sabi niya at tumingin sa akin pero umiwas din siya agad
"Ano ba, Nico?! Pati ba naman si Erick napapasama dito?!"
"Ano?! Pinag-tatanggol mo pa ah." Galit na sabi niya
"KAIBIGAN KO SIYA."
"Kaibigan huh?! Baka KAI-BIGAN."
"Tss... Umayos ka nga!" Sabi ko
Hindi niya ako pinansin "Nag-aaway ba kayo?" Napatingin kami sa nag-salita at nakita ko si Mama
"H-Hindi po tita....U-Uuwi na po ako." Sabi ni nico at tumayo na
"Hahatid ko po si Nico sa labas." Sabi ko at tumayo na rin ako at lumabas na kami
Nasa labas na kami ng bahay, Walang gustong magsalita kaya ako na yung nauna "COC mo o ako?" Nakayuko kong tanong
Nakita ko na lumapit si Nico sa akin at hinawakan ang kamay ko "S-Syempre.... Ikaw" Hinawakan niya baba ko at inangat, Nag-tinginan kami
"Ayoko sa lahat pinag-seselos ako.." Seryosong sabi ni Nico
"H-hindi naman kita pinag-seselos eh." Sabi ko at nag-pout
"Fine. Iwasan mo na lang yan si Erick, Okay?" Tumango ako at ngumiti
"I love you." Sabi ko
"I love you too, my wife." Sabi niya at hinalikan niya noo ko at niyakap ako
"Dapat may time ka sa akin at sa COC mo." Sabi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/35051575-288-k139141.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm a Bitter Girl
Teen FictionShe's Athena; Zyline Athena Mercedez Garcia. Isang babae na taga-hula ng mga couples na nakikita niya, Isang BITTER girl, Isang babae na hindi makakabuo ng sentence na walang mura, at higit sa lahat walang kinikilalang ama. Pero what if? What if kun...