Chapter 41- Friendship
---
"Zyline Athena POV"
February 06, Friday
Balik ulit sa dati, Naka-jacket ako. Nakayuko ako habang papasok ng school, pero lahat sa akin nakatitig.
Hindi pa pala tapos to..
"Grabe siya noh?!"
"Napaniwala nila tayo!"
"Oo nga, Akala mo sila na eh."
"Kawawa si Gwen."
"Oo nga. Kailangan pa bang gumamit ng isa?"
"Hahahaha."
Napailing na lang ako sa narinig ko, Dumeretsyo ako sa canteen para bumili ng peach mango pie.
Pumila na ako at nakabili, Hanggang sa may humawak ng braso ko. Lumingon ako
"Okay ka lang?" Tanong ni Yam
"K-Kailangan ata natin mag-usap?" -Sofia
Umiwas ako ng tingin "M-Mukhang hindi na... H-Hinihintay na kayo ng boyfriends niyo.." Sabi ko at tumalikod na sa kanila
"Eh, Bakit ikaw?! Nakipag-relasyon ka kay Chase at alam mo naman na hindi ka naman niya sasaluhin." Sabi ni sofia
Nang dahil sa sinabi niya, Napatigil ako. Humarap ako sa kanila
"Deal lang ang lahat. Alam niyo yan, Pero sa inyo. Totoo." Sabi ko
"Pero ikaw ang nauna." Sabi ni Yam
"Pinag-tutulungan niyo ba ako?"
"Hindi ka namin pinag-tutulungan, Zyline. Ang point namin dito, IKAW. PWEDE KA MAKIPAG-RELASYON. Pero kami, Bawal?!" -Sofia
"Ang unfair." -Yam
Lumapit ako sa kanila
"K-Kaya ako nakikipag-relasyon, Dahil alam niyo naman na may sakit ako! G-Gusto ko maranasan yung umibig. Kahit bawal!" At dun na ako napaiyak
"H-Hindi niyo pa pala ako kilala." Sabi ko habang pinupunasan ko yung luha ko
Hindi sila naka-sagot sa sinabi ko "G-Gusto kong maranasan ang lahat-lahat. Gusto kong pumunta sa ganito, sa ganyan! G-Gusto ko umibig... Kahit bawal"
Lumapit sila akin at hahawakan sana ako ng lumayo ako
"Oh my god!"
"May sakit pala si Zyline."
"Nag-aaway ata sila."
"Tangek! Nag-aaway na nga sila eh."
"Kawawang friendship."
Tumingin ako kala Sofia at Yam
"The Friendship is... Over" Sabi ko at lumabas na ng canteen
--*--*--*--
"Zyline!" Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko na papalapit sa akin si Xerdes
"H-Hatid na kita?" Tanong niya ng naka-lapit siya
"H-Huwag na. M-May susundo sa akin."
"Sino?"
"Papa ko. Ayun na nga siya eh." Sabi ko
Tumingin ako kay Xerdes "Sige. Mauna na ako, Bye!" Sabi ko at tumakbo papunta sa kotse
"Athena, Alam mo naman na-" Hindi ko na pinatapos mag-salita si Papa
"Yeah." Sabi ko at sumakay na sa likod
Habang nag-dra-drive si Daddy, Kwento siya ng kwento. -____-
"Nga pala, Kagabi pumunta si Christian sa atin. Ayaw niyang umalis sa tapat ng bahay natin, Pinapaalis na nga siya eh."
Hindi ko na lang siya pinansin "Break na po kami." Simple kong sabi habang naka-dungaw sa bintana ng sasakyan
"A-Ano? Sayang naman. Bagay pa mo kayo." Hindi ko na lang pinansin si daddy, Sinuot ko na lang yung earphone ko
--Zyline's House--
Pag-baba ko ng sasakyan, agad ako sinalubungan ni daddy
"A-Ako na yung mag-bubuhat ng bag mo." Sabi ni papa, Kaya hinagis ko sa kanya yung bag ko
Pumasok ako sa bahay at nadatnan ko si mama, Nag-yakapan sila
Nag-cross arm ko "Wow. Kayo na pala." Nakangiti kong sabi
Umakyat ako sa hagdanan "Tsk! Mag-hihiwalay din kayo." Sabi ko at umakyat patungo sa kwarto ko
"Kainis." Bulong ko sa saliri ko at padabog na umupo sa kama ko
----*------*-----
![](https://img.wattpad.com/cover/35051575-288-k139141.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm a Bitter Girl
Teen FictionShe's Athena; Zyline Athena Mercedez Garcia. Isang babae na taga-hula ng mga couples na nakikita niya, Isang BITTER girl, Isang babae na hindi makakabuo ng sentence na walang mura, at higit sa lahat walang kinikilalang ama. Pero what if? What if kun...