{[Chapter 36--> KAMI NA!}}

73 8 1
                                    

Chapter 36- KAMI NA!

---

"Daniella Yam POV"

5:23 pm na, Pero bakit wala pa si Mark?

Usapan namin 5. Pero bakit WALA PA DIN SIYA?!

Naghihintay ako ngayon sa tapat ng bahay namin, Kainis! 23 minutes na siyang late

"Oh, Anak. Diba, may date kayo ni Mark?" Tanong ni Mama

"Opo, ma." Sabi ko at ngumiti

"Bakit ka pa nandidito?" -__- Gandang tanong. Pinapalayas niyo ba ako?!

"Hinihintay ko po kasi siya."

"Ah, ganun ba. Sige. Pasok na ako ha? Pasok ka na rin, mukha kasing uulan eh." Tumango lang ako at pumasok na si Mama sa bahay

Hay... Tumingala ako sa langit, Tama nga. Mukhang uulan

Beep.! Beep.! Beep.! *

Napatingin ako sa ingay na iyon at may isang sasakyan na kulay itim

May lumabas sa sasakyan na iyon at akala ko si mark.. Hindi pala, Isang babae

"Kayo ho ba si Ms. Morales?" Tanong niya sa akin at napatayo ako ng maayos

"Opo, ako nga po. Bakit po?" Tanong ko at lumapit siya sa akin at sabay abot ng isang card

"Pinapamigay po ni Mr. Padilla." Kinuha ko yung Card

"Nasan siya?" Tanong ko

"Hindi ko ho alam. Sige po, Mauna na ho kami." Sabi niya at ngumiti lang ako at pumasok na siya sa kotse at umalis na sila

Binuksan ko yung Card

To: My Queen Yam
From: Your King Mark

-I'm Sorry, Hindi ako makakapunta. Babawi na lang ako okay? :) May emergency lang kasi. Bye. I love you :*

Nagbuntong hininga na lang ako at pumasok na sa loob ng bahay.

Umuulan na kasi, kaya nagpalit na lang ako ng damit. Tss! Kainis. >___< Sayang yung dress ko.

Humiga na lang ako sa kama. Hanggang sa... Husby is Calling

Sinagot ko ito "Hello?"

"Lumabas ka dali." End call

Huh? Eh.. Malakas yung ulan ah.

Lumabas na ako ng kwarto ko at sumilip muna ako sa bintana, Shet! Ang lakas ng ulan

Kumuha ako ng payong at lumabas na ako ng bahay, Nakita ko si Mark na may hawak na gitara at may bouquet pang dala.

°o°

Naniniwala na ako sa forever
Magmula nung nakilala kita

Eh kaya nga 'di ako sumu-render
Ano man ang sinasabi nila

Pagkat sa 'yo natagpuan ang ipinagkait sa akin
At sa 'yo naramdaman ang hindi ko akalaing
Ipaglalaban ko

Na na na na na na
Na na na na na
Wala na kong paki basta, bahala na
Na na na na na na
Na na na na na
Alam ko lang kasi minamahal kita

At kahit pa sabihin na
Sa 'kin 'di ka itinadhana
Na na na na na na
Na na na na na
Mahal kita kasi kaya bahala na

I'm a Bitter Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon