Chapter 7.1: Anri's 'Job'

62 2 0
                                    

Anri's POV

Finally, I'm home. Isip ko sabay bumuntong-hininga. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na 'to. Una, si new girl tapos nagkaroon ako ng biglaang fan girls. Nakakapagod. Bumuntong-hininga ulit ako. Buti na lang at maaga akong naka-uwi ngayon at mas mahaba akong makakapaghanda.

Nilapag ko lang ako bag ko kung saan tapos dumiretso sa basement ng bahay. Duon, naabutan ko si tanda na nakatutok sa computer. [Rei Kagaya's pic attached]

"Bata! Kumusta ang araw mo sa school?", bati niya sa akin pero hindi niya inalis ang tingin niya sa monitor.

"Okay lang, tanda.", matipid na sagot ko.

"Tapos?", pag-uusisa niya pa. Sabihin ko kaya sa kanya ang tungkol kay new girl? Pag-iisip ko. Sige na nga. Wala namang mawawala eh.

Bumuntong-hininga muna aako bago nagsalita. "There's this new girl in my class. At sobrang weird ng kinikilos niya. Sa tingin ko may tinatago siyang kung ano."

Tinignan niya ako at ngumiti nang nakaka-asar. "Ohhh! I think someone's inlove.", pang-aasar niya sa akin saka siya tumawa.

Naka-kunot-noo ko siyang tinignan. "Seryoso ako, tanda!", sigaw ko sa kanya.

Tinawanan niya ako at nagsabing, "Okay, okay, bata. Hindi mo naman kailangang maging defensive." Tapos tumawa ulit siya. Napabuntong-hininga ulit ako sa kinilos niya. Minsan naiisip ko na ako ang tatay at siya naman ang anak ko dahil may pagka-isip bata pa rin siya.

"Bawat tao may kanya-kanyang sikreto. Walang exempted dito.", seryoso niyang sabi habang naka-ngiti bago siya humarap muli sa computer at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Tama siya. Kahit ako may sikreto.

Lumapit ako kay tanda at tinignan ang ginagawa niya. "Anong ginagawa mo, tanda?", tanong ko sa kanya.

"Nagde-design ako ng bagong weapon para sa pagha-hunt mo.", sagot niya.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. "Niloloko mo na naman ba ako, tanda? Ordinaryong metal ball lang 'yan. Para siyang metal ball na version ni Frankenstein." Mukha talaga siya ganu'n dahil parang puro scrap metal lang na pinagsama-sama. "Nahihirapan ka na bang makapag-isip ng mga bagong ideya dahil tumatanda ka na?", pang-aasar ko sa kanya habang inaangat-baba ko pa yung mga kilay ko. Tinawanan niya ako sa sinabi ko. Nababaliw na ata 'tong si tanda.

"May pagka-childish ka rin minsan, Anri.", natatawa niyang sagot. Gusto niya talaga akong asarin. Kinunutan ko lang siya ng kilay. "Bomba 'yan. Pero hindi siya gaya ng mga ordinaryong bomba. Naglalabas siya ng ultraviolet rays kapag sumabog ito at may radius ito na fifty meters. At higit sa lahat, harmless ito sa mga ordinaryong tao gaya natin. Basta 'wag lang tititigan ng matagal.", pagpapaliwanag niya habang naka-ngiti.

Saka lang ako na-impress sa kanya nung natapos na niyang ipaliwanag ito. "Magaling 'yan, tanda. Pangit sa paningin pero magaling.", naka-ngisi kong sabi.

Tumawa siya. "'Yan ang isa sa mga dahilan na dapat hindi mo husgahan ang isang bagay sa panlabas na itsura niya. Huwag kang mag-alala, pipinturahan ko pa 'yan at pakikinisin para hindi na siya magmukhang Frankenstein." In-emphasize pa niya talaga 'yun para inisin ako.

"Shut up.", mahina kong sabi habang nakasimangot, nahiya rin kasi ako sa sinabi ko. Tinawanan niya lang ako sa reaksyon ko. Nakitawa na lang din ako sa kanya. Masaya rin namang kasama si tanda kahit na lagi niya akong inaasar.

*bzzt-bzzt*

Natigil ang tawanan namin ni tanda at nagseryoso ang mga itsura namin. Isang incoming e-mail ang nag-pop out sa screen ng monitor ni tanda. Hindi namin kilala kung sino talaga siya pero may tiwala kami sa kanya dahil laging successful ang operasyon ko dahil sa kanya. Gumagamit lang siya ng e-mail address na vampire_watcher. Clinick 'yon ni tanda para buksan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bound ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon