Chapter 4: First Day

50 5 1
                                    

Hikari's POV

Ala-una na ng madaling araw. Pabalik na ako sa mansyon namin dahil tapos na akong manghuli ng pagkain ko. Medyo maaga pa 'to kumpara sa nakasanayan ko pero kailangan para may sapat na tulog ako.It's 1am.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Pinatay ko muna ito bago ko tinignan kung anong oras na. Alas-otso pa lang naman. Alas-nuebe naman yung klase ko. Matulog pa kaya ulit ako? 'Wag na. Tanong ko, sagot ko. Natawa ako sa sarili kong kabaliwan. Umupo ako at kinusot ang mga mata ko. Baka may morning glories. Mahirap na.

Umalis na ako sa kama ko. Huminga ako nang malalim at sa pag-exhale ko, inayos ko na yung kama ko, nagsuklay, naligo, nagsipilyo, nagsuklay ulit at nag-uniform na. Humarap ako sa salamin para tignan ang ayos ko. "Bagay pala sa akin 'tong uniform namin.", sabi ko sabay ikot sa saya.

Tinignan ko ulit yung alarm clock ko. Eight o'five na pala. Sa tingin ko medyo bumagal ako. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko dahil baka may makarinig sa akin. Patakbo na ako papuntang hagdan at malapit na ako sa main door nang may tumawag ng pangalan ko.

"Hikari, saan ka pupunta?" Alam ko na agad kung kaninong boses galing 'yun. Ayokong nakikipag-usap sa kanya. Umikot ako para harapin siya.

"Hi, dad.", bati ko nang nakangiti na pilit. "May pupuntahan ako at male-late na ako kaya, bye!", nagmamadali kong sabi. Tumakbo ako para matakasan siya pero nasa harapan ko na agad siya.

"Pupunta ka ng eskwelahan?" Mababa at mahinahon niyang tanong pero mababakas sa boses niya na galit siya. Sobrang galit.

"Paano mo nalaman?", naiirita kong tanong. Kahit pala 'wag niya nang sagutin. Alam ko na kung sino.

"It doesn't matter who told me! Dad mo ako at dapat alam kong lahat tungkol sayo!", galit na sigaw niya sa akin. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito?!"

Mas pinili kong tumahimik at huwag magsalita. Ayokong sabayan ko ang galit niya dahil magkakasagutan na naman kami. Breathe in. Breathe out. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.

"Umaga na at delikado sa labas. Baka kung anong mangyari sayo!", pagpapatuloy niyang paggalit sa akin. Kumalma na siya kaya akala ko ay tapos na siyang maglitanya pero meron pa pala. Ito ang sumira nang hangganan ng pasensiya ko. "Hindi ka papasok ng school. And that's FINAL.", punung-puno nang authority niyang sinabi.

"Two hundred seventeen years old na ako at alam ko na ang ginagawa ko! Huwag mong asahan na lahat nang gusto mo ay susundin ko! Can't I have my own life?! Hindi kita boss at gagawin ko ang lahat nang gusto ko!", sigaw ko sa kanya. Nakita ko na nagulat siya sa ginawa kong pagsagot sa kanya.

"Hika--.", tawag niya sa akin pero pinutol ko na agad yung sasabihin niya. Sinubukan niya akong hawakan pero tinabig ko ang kamay niya.

"I hate you! Ayoko na nang sumpang 'to! Sana si mom na lang ang nandito kaysa sayo!", sigaw ko ulit pabalik sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa mga sinabi ko pero binalewala ko lang 'yon at tumakbo na palabas ng mansyon. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon.

Tumakbo ako nang mabilis sa kakahuyan. Pakiramdam ko ito na ang pinakamabilis na itinakbo ko. Parang ginagawa ko ito para matakbuhan ang lahat ng masasamang ala-ala ko. Pero dahan-dahan akong bumabagal hanggang sa tuluyan na akong huminto. Kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Bakit ka ba umiiyak, Hikari?! Shit! Dapat hindi ka umiyak! Dapat magpakatatag ka!", dikta ko sa sarili ko habang pinupunasan ko yung mga luha ko.

Hindi ko na talaga napigilan yung galit ko kanina. Pagod na pagod na ako sa kakasunod sa mga idinidikta ng dad ko. Sa loob ng mahabang taon sinusunod ko lang lahat ng iutos niya at hindi ako nagreklamo kahit isang beses. Bakit hindi niya aako mapagbigyan sa gusto kong 'to?

Bound ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon