Anri's POV
Nagising ako nang pawis na pawis at hinahabol ang hininga ko. Napapaaginipan ko ULIT 'yon. Ang bangungot na dala-dala ko sa loob ng sampung taon. Ang bangungot na nag-udyok sa akin para ubusin ang lahi NILA.
Ako si Anri Shiraishi, seventeen years old at malapit nang mag-eighteen. Nakatira ako sa Nazo, isang maliit na siyudad sa Pilipinas. Gaya nga ng ibig sabihin ng pangalan ng lugar namin, punung-puno ito nang mga misteryo. Akala ko noon hindi totoo ang mga bampira. Akala ko ay panakot lang ito ng mga matatanda para sa mga makukulit na bata pero HINDI dahil nakita ko mismo sila nang dalawang mata ko. [Anri's pic attached]
Hindi na maalala kung paano ako nakaligtas noon mula sa kanila. Hindi na malinaw sa ala-ala ko yung pangyayaring 'yun. Swerte siguro ako noong araw na 'yon pero hindi eh, ayokong ituring ang sarili kong maswerte dahil noong araw ding 'yun nawala ang mga magulang ko at dala-dala ko ang ala-ala na 'yun na parang kahapon lang nangyari.
Nilingon ko ang alarm clock ko na nakapatong sa bedside table ko. Shit! Eight thirty na! Bakit hindi 'to tumunog?! Male-late na ako sa school. Biglaan ang ginawa kong pagtayo kaya nandilim ang paningin ko at nahilo kaya bumagsak ako. "Ang gandang panimula nang araw na 'to.", bulong ko habang tumatayo ulit, sinigurado ko na maayos ang pagkaka-apak ko sa sahig. Naligo ako nang mabilisan, nag-toothbrush at nagbihis sa loob ng sampung minuto. "Ang bilis nu'n ah.", bilib na sabi ko sa sarili ko.
Lumabas na ako nang kwarto ko at dumiretso sa dining room. Naabutan ko ang tatay ko doon na si Rei Kagaya na umiinom ng kape habang nagbabasa nang dyaryo. Hindi ko siya totoong tatay dahil patay na nga ang mga magulang ko. Siya ang umampon at nag-alaga sa akin simula nang mawalan ako nang mga magulang.
Nakita niya ako kaya binaba niya ang binabasa niya. "G'morning, bata.", bati niya sa akin nang nakangiting malapad.
"Morning, tanda.", bati ko pabalik na medyo naiinis. Alam niyang ayaw kong tinatawag na 'bata' pero patuloy pa rin ang pagtawag niya sa akin nu'n.
"Grabe ka naman kay tanda.", kunwaring nasasaktan niyang sagot sabay tawa. Kung ako naiinis kapag tinatawag niya aakong bata, siya naman ay natutuwa lang kapag tinatawag ko siyang tanda. "'Eto oh, hinanda ko na yung toasted na tinapay mo at ang lunch mo. Bilisan mo na kung hindi male-late ka na sa unang araw ng klase mo."
"Male-late na talaga ako. Hindi kasi tumunog yung nakakainis na alarm clock ko.", sagot ko habang sinusuot ang sapatos ko.
"Ang lakas nga nang tunog nu'n, muntikan ko nang matapon 'tong kape ko. Baka hindi mo lang narinig." Biglang naseryoso ang itsura niya. "Napapanaginipan m--", panimula niya pero pinutol ko agad siya.
"Oo.", mahina kong sinabi. Ang tanging nasabi niya lang ay "Ah."
Natapos na akong mag-sapatos kaya tumayo na ako at lumapit sa lamesa. Kumuha ako nang dalawang piraso ng tinapay sa pinggan. "Papasok na ako.", pagpapaalam ko habang pinapasok sa bag ko ang baon ko.
"Bye, bata. Mag-ingat ka!"
"Oo naman! Bye, tanda.", paalam ko sa kanya habang nakangiti.
Malalaking hakbang ginawa kong paglalakad habang kinakain yung tinapay na kinuha ko. Nagtitingin-tingin ako sa lugar namin habang naglalakad.
Maliit lang na bayan dati ang Nazo pero ngayon ay industrialized na siyudad na ito. May mga bagong kumpanya at commercial buildings ang tinatayo dito paminsan-minsan. Meron ding train station na itinayo dito tatlong taon na ang nakalipas. Dito rin naka-base ang isang sikat na TV at radio station ng bansa. Sa halos bawat sulok dito may makikita kang clubs, videoke bars, game corners, restaurants, malls at department stores. Mas makikita ang buhay rito tuwing gabi. 'Night life' gaya nang tawag ng mga socialites.
BINABASA MO ANG
Bound Forever
VampireSi Anri Shiraishi ay naging isang vampire hunter simula nang mamatay ang kanyang mga magulang. Ipinangako niya sa sarili niya na uubusin niya ang buong lahi ng mga bampira. Ngunit magagawa niya pa ba ito kung mahulog ang kanyang loob sa isang bampir...