Hikari's POV
Naupo na ako sa pwesto ko. Bigla akong pinalibutan ng mga babae kong kaklase. Anong meron? Ibu-bully ba nila ako? Subukan lang nila.
"Saan ka nakatira, Hikari?", tanong ng osa sa kanila. Ah. Tatanungin lang pala ako. OA din akong mag-isip minsan.
"Sa Mt. Kukuroo kami nakatira. Pamilya ko kasi yung may-ari nu'n eh.", humble na sagot ko.
"Pamilya niyo yung may-ari nang Mt. Kukuroo?! Ang laking lupain nu'n!", sigaw nung isang lalake kong kaklase na naka-upo sa bandang likuran. "Halos kalahati ng Nazo ang sakop niya, 'di ba? Sa tingin ko mas mayaman yung pamilya niyo sa amin." Nagbulungan yung buong klase at parang sumasang-ayon sa sinabi niya. Bakit ba nila ginagawang big deal ang yaman ng isang pamilya?
"Hindi, hindi. Yung mga ninuno ko kasi dating nagsisilbi sa totoong may-ari nu'n dati. Wala silang napamanahan na kamag-anak kaya sa pamilya ko nila binigay dahil loyal yung pamilya ko sa kanila.", pagsisinungaling ko. Ang totoo n'yan, pagmamay-ari talaga ng pamilya namin 'yun dahil nabubuhay na ang lahi namin bago pa dumating si Kristo.
Hindi pinakinggan nung mga babae yung sinabi ko. Ang rude naman nila! "Paano mo nakakayanang makapasok nang maaga? Medyo malayo kayo dito sa school eh.", pagtatanong muli ng isa sa kanila
"Well, gumising ako kaninang alas-kwatro at umalis naman ako nang bahay ng ala-sais kanina. 'Yon yung plano kong gawin lagi." Kasinungalingan! Natatawa kong iniisip.
Biglang sumingit yung isang lalake na parang laging masaya at naka-ngiti at sinabing, "Grabe ka naman! Natutulog pa ako nang mahimbig nu'n at naglalaway pa." Dahil sa sinabi niya ay natawa kaming lahat.
Nang humupa na ang tawanan namin may nagtanong na naman sa akin na isa kong kaklaseng babae. "Gaano kayo kadami sa pamilya?"
"Anim lang kami sa pamilya kasama ako pero more or less fifty kami sa bahay." Dahil pwera sa pamilya ko, may mga ibang bampira pa na pumaparoo't-parito sa amin.
'Fifty?! Gaano kalaki ba yung bahay niyo?", tanong naman ng kaklase kong lalake at mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
"Hindi naman ganu'n kalaki yung bahay namin." Syempre kasinungalingan lang ulit 'yun dahil mansyon talaga 'yun. "Saka yung fifty na tao naman na sinabi ko eh padalaw-dalaw lang parang uhm... malayong kamag-anak?" Nag-alinlangan ako sa word na 'kamag-anak'. Ghad! Mga utusan ng dad ko yung mga 'yun! Nakakatakot sila. Hindi dahil mas malakas sila sa akin kundi dahil sa ang pangit nang mga itsura nila. Kada iisipin ko 'yon ay kinikilabutan ako.
"May boyfriend ka na ba, Hikari?", tanong sa akin nung lalakeng parang laging masaya. Na-caught off guard ako du'n sa tanong niya. Kung umiinom lang ako ngayon, baka naibuga ko na sa kanya. Bigla naman siyang binatukan nung lalakeng naka-salamin.
"Aray!", sigaw niya habang hinihilot yung batok niya. "Para saan naman 'yon, Omi?!", sabi naman niya du'n sa lalakeng nakasalamin. So Omi pala ang pangalan niya. [Omi's pic attached]
"Hindi ka dapat nagtatanong ng ganu'n. Stupid ka talaga.", pagalit ni glasses guy na si Omi sa kanya. "Sorry sa tinanong niya, Ms. Amaterasu. Alam kong out-of-the-line na yung tinanong niya.", paumanhin naman niya sa akin habang nagba-bow. Wow. Napaka-gentleman naman niya.
"Hindi. Okay lang 'yun.", sagot ko nang nakangiti. "And please, Hikari na lang ang itawag mo sa akin. Hindi mo na kailangang maging formal...", pagbibitin ko ng sinasabi ko at tumingin sa kanya.
Naintindihan naman niya ito at sumagot. "Omi. Omi Kitazawa.", pagpapakilala niya sabay bow. "At yung stupid naman na 'yon ay si Yusuke Misato.", pagpapatuloy niya habang nakaturo du'n sa lalakeng laging naka-ngiti. Yusuke pala ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Bound Forever
VampirosSi Anri Shiraishi ay naging isang vampire hunter simula nang mamatay ang kanyang mga magulang. Ipinangako niya sa sarili niya na uubusin niya ang buong lahi ng mga bampira. Ngunit magagawa niya pa ba ito kung mahulog ang kanyang loob sa isang bampir...