Chapter 3: New Girl

43 5 1
                                    

Anri's POV

Nung tinignan ko yung bago namin classmate parang may naramdaman akong kung ano. Pakiramdaman ko nakita ko na siya dati pero hindi ko lang alam kung saan at kailan. Inaalala ko kung saan ko ba siya nakita nang magsalita si Mr. Go.

"Now class, siya ang bago niyong kaklase.", sabi niya sa amin. "Puede ka nang magpakilala, iha.", sabi naman niya kay new girl.

Tumango siya bago nagsalita. "Hi! Ako pala si Hikari Amaterasu, seventeen years old. Nice to meet you all.", pagpapakilala niya tapos ay yumuko.

Tumango si Mr. Go sa kanya at humarap sa amin. "Class, maging mabait kayo kay Ms. Amaterasu. At since first day pa lang naman nang klase ngayon, iiwan ko muna kayo para mas magkakilanlan pa kayo. I'll be back before our time ends.", asabi niya saka lumabas na siya nang room.

Si new girl ay umupo na sa pwesto niya sa may pangalawang upuan siya sa first column. Tabi siya nang bintana. Ako naman ay nasa pang-apat na upuan sa may second column. Isang upuan lang ang pagitan namin.

Pinalibutan siya nang mga babae kong kaklase at tinanong na siya habang kaming mga lalake ay nakikinig lang sa mga upuan namin.

"Saan ka nakatira, Hikari?", tanong ng isa sa kanila.

"Sa Mt. Kukuroo kami nakatira. Pamilya ko kasi yung may-ari nu'n eh.", humble na sagot niya.

"Pamilya niyo yung may-ari nang Mt. Kukuroo?! Ang laking lupain nu'n! Halos kalahati ng Nazo ang sakop niya 'di ba?", biglang sigaw ng kaklase kong lalake. "Sa tingin ko mas mayaman yung pamilya niyo sa amin." Biglang nagbulungan yung mga kaklase ko at mukhang nag-agree sila sa sinabi niya.

"Hindi, hindi. Yung mga ninuno ko kasi dating nagsisilbi sa totoong may-ari nu'n dati. Wala silang napamanahan na kamag-anak kaya sa pamilya ko nila binigay dahil loyal yung pamilya ko sa kanila.", humble na sabi niya.

Hindi siya pinansin nang mga babae kong kaklase at muling nagtanong. "Paano mo nakakayanang makapasok nang maaga? Medyo malayo kayo dito sa school eh."

"Well, gumising ako kaninang alas-kwatro at umalis naman ako nang bahay ng ala-sais kanina. 'Yon yung plano kong gawin lagi."

"Grabe ka naman! Natutulog pa ako nang mahimbig nu'n at naglalaway pa.", biglang singit ni Yusuke. Dahil du'n natawa kaming lahat sa kanya at natawa din naman siya sa sinabi niya. [Yusuke's pic attached]

Nang humupa na ang mga tawanan namin ay muling nagtanong yung isa kong kaklaseng babae. "Gaano kayo kadami sa pamilya?"

"Anim lang kami sa pamilya kasama ako pero more or less fifty kami sa bahay.", sagot ni new girl.

"Fifty?! Gaano kalaki ba yung bahay niyo?", tanong naman ng kaklase kong lalake.

"Hindi naman ganu'n kalaki yung bahay namin. Saka yung fifty na tao naman na sinabi ko eh padalaw-dalaw lang parang uhm... malayong kamag-anak?"

Pakiramdam ko na hindi siya sigurado sa sagot niya. Naghihinala na ako sa kanya. Parang may kakaiba sa kanya. Hindi ko lang alam kung ano.

"May boyfriend ka na ba, Hikari?", biglang tanong ni Yusuke at halatang nagulat si new girl sa tanong niya. Anong problema nito ni Yusuke? Biglang nagtatanong ng kung ano. Binatukan tuloy siya ni Omi.

"Aray! Para saan naman 'yon, Omi?!", reklamo ni Yusuke habang hinihilot yung batok niya.

"Hindi ka dapat nagtatanong ng ganu'n. Stupid ka talaga." Humarap naman si Omi kay new girl. "Sorry sa tinanong niya, Ms. Amaterasu. Alam kong out-of-the-line na yung tinanong niya.", paumanhin niya saka yumuko.

Bound ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon