Chapter 6: Soundproof

51 3 0
                                    

Anri's POV

Nang makabalik kaming tatlo sa room ay maraming oras para sa susunod naming klase. Kaming tatlo pa lang ang nandito.

"Buti na lang at nakatakas na tayo sa mga babaeng 'yun. Makakapagbasa na rin ako nang tahimik.", sabi ni Omi habang papaupo para magbasa ng libro.

"Hindi naman lahat sila eh magulo. Gaya nung tatlong babae kanina. Ang bait nga nila eh.", pagtatanggol ko habang nagsisimula nang kumain ng cake na ibinigay sa akin.

"Nasasabi mo lang 'yan.kasi binigyan ka nila nang cake.", sabi naman ni Yu habang naka-simangot.

Bitter pa rin siya dahil wala siyang natanggap na cake. May naisip naman akong kalokohan. Paglalawayin ko siya. Hahahaha! "Oo nga eh. Ang sarap nang bigay nilang cake." Sumandok ako ng sabay subo. "Sharap! Ang sharap tahlagah nitoh.", sabi ko habang puno pa yung bibig ko. Medyo nandidiri din ako sa inaasal ko. Haha!

Nababasa ko sa mukha niya na pinipigilan niya lang ang sarili niya na manghingi sa akin. Sumubo ulit ako at tinakam ko pa siya.

Nagpipigil ka pa, ha! Manghihingi na 'yan, in three, two, one. As if on cue, lumapit siya sa akin with his puppy-dog eyes. Para naman siya bakla. Haha! Medyo napa-ngiti ako dahil hindi talaga siya makatiis sa mga sweets. "Bakit?", patay-malisya kong tanong sabay subo ulit.

"A-ano, Anri. Puede bang pahingi? Sige na, please."

Nagtagumpay ang plano ko. Bwahaha! Nagbubunyi na ako sa isipan ko. Maasar pa nga siya nang konti. "Ayoko nga.", sagot ko sa kanya.

Humarap naman siya kay Omi at nagkunwaring umiiyak. "Omiiiii! Ang damot ni Anri!" Naka-pout siya at para siya cute na tuta na nagpapaawa. Parang bading talaga 'to.

Tinignan naman siya nito tapos ay sa akin. Sinarado niya yung binabasa niya at naglakad papalapit sa akin. Kumuha siya ng upuan at tumabi sa akin. Shit! Baka mabatukan ako nito. Loko-lokong Yusuke kasi 'to eh, sumbungero. Kinakabahan na ako sa mga puedeng mangyari.

Hinanda ko na ang sarili ko sa kung ano ang puede niyang gawin. Pero ang hindi ko inaasahan ay kinuha niya yung tinidor ko, humiwa ng piraso ng cake at saka kinain.

"Hmm... Ang sarap pala talaga nito.", sabi niya habang sumasandok na naman ng panibago para kainin. Duon ko lang na-realize kung ano ang ginagawa niya. May pilyong side ka pala, Omi. Napa-ngisi ako dahil dito.

Ginaya ko rin ang ginagawa niya at sumubo ulit. Napatingin ako kay Yu at mukhang siya rin ay nagulat dahil hindi siya tinulungan ni Omi.

"I hate you, Omi! I hate you, I hate you!" Parang nagwawalang bata na ngayon si Yusuke. Binato naman siya ng tinidor ni Omi na nasalo naman niya. Lumiwanag ang itsura niya dahil dito. Mabilis talagang umayon si Omi kapag si Yusuke ang usapan.

"Itapon mo 'yan.", sabi ni Omi na nagpa-iyak na naman kay Yu. Tinawanan namin siya sa inasal niya. "Binibiro lang kita.", pagpapatuloy niya.

"Ang sama niyo talaga!", pagmamaktol ni Yusuke sa amin habang naka-nguso. Tuminidor siya ng cake saka sinubo. "Ang sarap naman nito!", masayang sabi niya.

"Tapos na ako. Hindi talaga ako mahilig sa mga matatamis.", sabi ni Omi habang nililigpit ang kinainan niya.

"Oo nga pala 'no. Eh bakit kumain ka pa, Omi?", tanong sa kanya ni Yu.

"Gusto lang kasi kitang asarin.", natatawang sabi ni Omi tapos nagbasa ulit siya nung libro niya.

"Ang sama mo talaga, Omi.", naka-pout na sabi ni Yu.

Natawa ako sa kanilang dalawa. Kapag kasama ko talaga sila, never na magkakaroon ng dull moment dahil sa kanila. "Oh eto Yusuke, sayo na lahat. Busog na ako eh." Abot ko sa kanya ng natitira pang cake.

Bound ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon