Haruko Akagi POV:
Hi. Ako nga pala si Haruko Akagi, 2nd year high school na ako at dito ako nag-aaral sa Sannoh.
Ewan ko ba kay Mommy at Daddy at dito nila ako napiling itapon 😂😂. Joke, ayaw kasi nila na magkasama kami ng kuya ko sa isang school. Baka daw mastress sila lalo sakin HAHAHAHA. Ahhh nga pala si Takenori Akagi ang kuya ko, siya lang naman ang pinakamatibay na Centro ng Shohoku Basketball Team.Dito ko nalang napiling mag-aral sa Sannoh, dahil andito ang bestfriend ko slash kababata ko Hehehe.
"Ohh ano Haruko, tulaley ka na naman. Tara na baka malate na tayo sa school", anas nung lalaki.
"Oo heto na".
Lumabas na kami ng bahay ko. Oo mag-isa lang akong nakatira dito. Mas okay, kasi tahimik. Ayoko kasi sa maiingay tulad nitong kasama ko.
"Grabeee, ang gwapo ko talaga! Kita mo yun Haruko, nakatingin yung mga babae sakin hahaha. Halatang kinikilig sila"
"Tumigil ka nga jan, Eiji. Kaya sila ganyan dahil akala nila nababaliw kana. Ngiti-ngiti ka jan. Hays".
Oo si Eiji Sawakita lang naman ang tinutukoy kong bestfriend at kababata ko. Si Eiji na kilalang Ace Player ng Sannoh. Oo na gwapo siya at malakas ang dating, pero MAYABANG. Ewan ko paano ko nakakatagal na kasama ito. Puro hangin ang utak. Hayssss
"Ohhhh, Haruko. Simangot ka jaan. Niyayabangan ka na naman ba nitong si Eiji" singit ni Mikio habang naglalakad kami.
"Oyyy, Mikio hahaha. Gwapo naman talaga at magaling. Kahit hindi ako magyabang hahaha" tawang sabi ni Eiji.
"Haysss, Ewan ko ba jaan Kuya Mikio. Anlakas ng hangin sa utak" natatawang sagot ko.
"Hahaha, buti hindi nakakatangay ng hangin" sabi ni Kuya Mikio sakin.
"Ewan ko sainyong dalawa, pinagtulungan niyo na naman ako", nagdaddramang sagot ni Eiji.
Maya-maya lang nakadating na kami sa school. At heto na naman ang mga sigawan sa tuwing dadating kami. Gusto ko nalang mag-reklamo sa principal at sabihing nakakarindi na sila. Grabeee talaga, araw-araw nalang.
"Hahaha, wag kayong magtulukan, ako lang ito. Okay?", pagyayabang naman ni Eiji.
Kahit kelan talaga ang yabang niya, yan nalang nasa isip namin pareho ni Kuya Mikio.
"Hi Haruko"
"Hello Haruko"
"Good morning Haruko"
"Haruko, ako na magadadala ng gamit mo"
"Haruko, para sa iyo. Kumain ka huh"
Hayss! Pati ba naman sila. Isang ngiti nalang ang sinagot ko sa kanila at nagpatuloy na kami maglakad ni Kuya Mikio, iniwan na namin si Eiji dun. Busyng busy na nakikipag-kwentuhan sa mga fans niya.
"Grabe Haruko, tinalo mo yung mga fans ni Eiji sa dami uhhh" natatawang sabi ni Kuya Mikio.
"Hayy nakoo, alam naman natin kung bakit sila ganyan" sagot ko nalang.
"Sabagay, sino ba naman hindi hahanga sa isang Haruko Akagi.
Face at Role model ng school.
Manager at Muse ng Team namin
Students President
At higit sa lahat Ace Player ng Sannoh Womens basketball team.
Woahhh, grabeeeee. Ikaw na Haruko" , hinihingal na kwento ni kuya Mikio.Ewan ko kung paano ako ng Naging muka ng paaralan, hindi ko naman kamuka. At oo kasali ako sa Basketball team at itinilagang Ace Player lang naman. Haysss.
"Matanong lang Haruko, paano ka pa nabubuhay ng hindi na sstress? Hahahaha", natatawang tanong ni Kuya Mikio Sakin.
"Kuya naman" tanging sagot ko na lamang.
Malapit na kami sa building namin. Mag-kaklase lang naman kami ni Kuya Mikio, pero Kuya ang tawag ko sa kanya dahil sobrang tangkad niya mas matangkad pa siya sa Kuya ko. At naging malapit na din kami dahil kay Eiji.
"Nga pala Haruko, hindi mo ba namimiss ang kuya mo?", tanong ni Kuya Mikio sa akin.
"Kuya Mikio talaga, araw-araw kaya yung tumatawag sakin. Siya kaya ang alarm clock ko tuwing umaga at nagsasabing matulog na ako sa gabi. Ngayon Kuya, mamimiss mo ba yun. Pero sabagay 1 beses laang sa linggo kung bisitahin niya ako dito" sagot ko nalamang.
"Normal lang na maging ganun ang kuya mo, bunso ka at babae ka pa. Protective lang yun sayo" ngiting sabi ni Kuya Mikio.
Saktong pasok namin sa Room namin ng tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Wala namang bago sa umagang iyun. Nagbigay lang ng quiz ang teacher namin. At parang minuto lang na mabilis na natapos ang klase namin ng umaga.
"Grabe, buti nagaral ako kagabi hehehe May pa surprise quiz itong si Maam. Hindi ka ba nahirapan Haruko?", tanong ni Kuya Mikio na nasa likod ko.
"Ayos lang", tanging tugon ko.
"Anong ayos lang?" Takang tanong nito.
"Ayos lang hindi naman mahirap, surprise quiz ba yun. Parang hindi naman" sagot ko kay Kuya Mikio na medyo may pagtatakang muka.
Sa totoo niyan kahit busy na tao ako, kasama pa din ako sa Top Students sa Section namin. Kelangan ko mag-aral ng mabuti dahil baka ipatapon ako ni Mommy sa America Hahaha.
Lunchbreak
"Tara na Haruko" pag-aaya ni Kuya Mikio sakin.
Tango na lang ang tanging sagot ko sa kanya. Sabagay sanay naman si Kuya Mikio na puro tango lamang ang sagot ko. Mabait kasi ito at higit sa lahat hindi mayabang kahit kilala siya bilang Mahusay na Centro sa larangan ng Basketball.
Nagtungo na kami sa canteen at nadatnan namin si Fukatsu at Ashley na kakain pa lamang.Si Fukatsu, kasali din siya sa Basketball team at isang mahusay na Point Guard at Captain ng team. At si Ashley naman ang Power forward ng team namin at bestfriend ko din.
"Oyyy, dito na kayo. Sakto hinihintay namin kayo ehhh" pag-aaya ni Ashley samin.
"Hindi niyo yata kasama si Eiji? Asan na naman yun?" Tanong ni Fukatsu sa amin.
"Ewan ko don" tanging sagot ko.
Umorder na si Kuya Mikio ng kakainin namin. At saktong dating naman ni Eiji. Saan na naman kaya galing itong lalaking ito.
"Kanina pa kayo? Galing kasi ako kay Ate, may binigay hehehe" sabi ni Eiji.
"Binigay o hiningi mo?" Sabay na tanong namin ni Fukatsu.
"Hehehe, kayo talaga? Oo na humingi ako ng pangkain ko" sabi nito habang nagkakamot ng ulo.
Umalis muna ito para omorder ng pagkain niya. Sabay silang dumating Kuya Mikio. Magsisimula na sana kaming kumain ng....
"Haruko, para saiyo nga pala"
"Haruko, para sayo"
"Haruko, ito ohhh"
Haysss, araw-araw nalang. Tinanggap ko nalang ang mga binibigay nila sakin. Nakakahiya naman kung hindi, isa pa role model ako ng school namin. Halos mapuno na ang lamesa namin sa sobrang daming pagkain at kung ano-ano pa na binigay nila para sa akin. Halos wala ng mapatungan ang mga bag namin sa sobrang dami.
"Grabe ka Haruko girl, ikaw na!" Natatawang sabi nito sakin.
"Hayss busog na naman tayo nito" sabi ni Fukatsu.
"Dating gawi, dalhin niyo nalang sa Team yan" tanging sagot ko.
"Sabagay hehehe, hindi mo naman ito kailangan ehh madami ka namang ganito sa bahay niyo" natatawang sabi naman ni Eiji.
Hindi ko alam bakit andaming humahanga sa akin. Grabeee sila. Pero dahil mabait ako tinatanggap ko ang mgq binibigay nila, wala naman sigurong lason iyon. Kadalasan, pinamimigay namin iyon sa mga nadadaanan ko mga bata sa kalsada kapag pauwi na ako.
Habang kumakain kami, pansin namin ang sweetness sa pagitan ni Ashley at Fukatsu. Siguro nagliligawan na ang dalawang ito. Sabagay bagay naman silang dalawa, kaya walang problema. Natapos na kaming kumain.
"Nabalitaan mo na ba Haruko pasok na ang Shohoko sa Finals, pag nanalo sila makakaharap namin sila sa Interhigh" sabi ni Fukatsu.
[Kathang isip ko lamang po ang storyang ito]