CHAPTER 2

131 4 1
                                    

"Nabalitaan mo na ba Haruko pasok na ang Shohoko sa Finals, pag nanalo sila makakaharap namin sila sa Interhigh" sabi ni Fukatsu.

"Balita ko magagaling ang mga player nila, gusto mo ba manoood ng laro ng Shohoku huh, Haruko?" Tanong ni Eiji sa akin.

"Paano naman ako makakanood? Malapit na din ang simula ng laro namin pagkatapos ng Interhigh ng mga lalaki. Sunod naman kami ang lalaro". Sagot ko

"Ano kaba? Sa sobrang galing mo hindi mo na kailangan mag-practice pa hehehe" sabi ni Ashley.

"At tsaka Haruko, 1 araw lang tayo doon sa Kanagawa. Dito naman gaganapin sa distrito natin ang Interhigh kaya malapit lang" paliwanag ni Fukatsu.

"Hayss, oo na manonood na tayo. Andami niyong paliwanag" malamig na sagot ko

Natawa nalang sila sa inasal ko. Sabagay sanay na nga pala sila sa akin.

"Kelan ba gaganapin?" Tanong ko.

"Hmm. Sa Friday daw 1 pm. Kalaban nila ang Ryonan High" sagot ni Eiji.

"Ibig sabihin nakapasok na ulit ang Kainan?" Tanong ni Kuya Mikio

"Ahh oo, natalo nila ang Shoyo" sagot ni Eiji.

Sabay-sabay na kaming lumabas ng canteen. Nagpunta muna kami sa Gym.

"Magandang araw po, Coach" bati ni Kuya Mikio kay Coach Nakamura

"Magandang araw din sainyo, gusto ko lang sabihin na pag husayan pa ninyo ang pag-eensayo para tayo ulit ang maging Number 1 sa Japan. Maari ba?"

"Yes, Coach" sigaw ng mga manlalaro.

"Hi Haruko at Ashley" sabay sabay na bati ng mga players.

Nginitian na lamang namin sila. At nagsimula na muling mag-ensayo.

"Haruko?"

"Yes, Coach"

"Maaari kabang sumama na sa nalalapit na paglaban natin sa Interhigh, alam kong malapit na din ang laro ninyo. Pero kelangan ka namin doon" paliwanag ni Coach.

"Sige po Coach, wala pong problema. Pasensya na din po kung hindi ko nagagampanan ng maayos ang pagiging manager ng team." Sagot ko.

"Naiintindihan ko Haruko, kaya dapat galingan niyo para kayo muli ang manalo" ngiting sabi ni Coach sakin.

Nagsimula ng mag-practice ang team.

"Coach, pwede po bang maging 2nd manager ng team si Ashley. Mas okay po sana, para kung sakaling may ma-injured may mag-aasikaso po sa kanila. Ano sa tingin niyo Coach?" Paliwanag ko

"Huh?" Takang tanong ni Ashley

"Maganda yang naisip mo Haruko. Payag ka ba Ashley na maging katuwang ni Haruko sa magaganap na laro nila sa Interhigh. Malaki ang maitutulong mo lalo na sa team. Maiintindihan naman iyung ng Coach ninyo. Ako ng bahala." Sabi ni Coach.

"Sige po Coach. Marami pong salamat sa tiwala"  ngiting sagot ni Ashley.

Tumingin ako sa aking orasan at 10 minutes nalang magsisimula na muli ang aming klase. Kaya naman nagpaalam na kami ni Ashley sa team at kay Coach Nakamura.
Magkatabi lamang ang building namin ni Ashley Section 12 ako at 11 naman siya.
Nagpaalam na kami sa isat isa at mamaya na lamang muli magkikita.
Pagpasok ko sa loob ay tahimik na aking mga kaklase at nakaupo na sila.

Buti naman tahimik na sila, yan nalamang ang nasabi ko sa aking isipan.

Mayamaya lamang dumating na aming teacher. At naalala ko PE nga pala namin ngayon. Haysss bakit ba nakalimotan ko na naman. At buti nalang may iduduscuss lang daw si Maam at walang activities. Napahinga nalang ako ng malalim at ngumiti.

"Okay, dahil malapit na ang Interhigh ay kailangan ako para tumulong sa ating players bilang Adviser ng PE club kaya naman kinausap ako ng coach ng Womens Basketball Team kung maaring tumulong din kayo." Paliwanag ng aming guro

Ano naman kayang maitutulong namin.. Mag-checheer. Hayss

"Ohh anjaan na pala si Coach Elisse. Siya ang Coach ng Womens BASKETBALL team natin dito at kasama niya si Ashley isang ding manlalaro katulad ni Haruko. Pasok po kayo Coach" paliwanag muli ng aming guro

"Gusto ko lamang sabihin sainyo na hihingi kami ng tulong mula sainyong section para sa gaganaping laro. Dahil dito gaganapin sa ating Distrito ang Interhigh. Kaya naman ang ating school ang napiling makakatulong ng mga staff doon para sa mga ibang team. Bago naman iyun magsimula ay magkakaroon kayo ng Seminar. Sana ay matulungan niyo kami. Huwag kayong magaalala dahil naka excuse naman kayo sa mga araw na iyun." Paliwanag ni Coach Elisse.

"At Haruko, kelangan ka namin sa Gym ngayon. Kaya halika kana." Dagdag ni Coach.

Tumayo na ako upang sumama sa kanila. At nagpaalam namin kami sa aming guro. Ididiscuss lamang daw muna niya ang mga unang gagawin para sa nalalapit na laro.

Pagpasok namin sa gym ay naabutan naming nagpapahinga ang team nila Eiji. Medyo nagulat din ako dahil nadoon din ang aming team.
Ano kayang ginagawa ng mga ito dito...Tanong ko na lamang sa aking sarili.

"Coach Elisse, maraming salamat at handa kayong tumulong sa amin"

"Wala iyun Coach Nakamura, maliit na bagay"

"Gusto ko lamanh sabihin sainyo na malapit ng maganap ang Interhigh, at dito iyun gaganapin sa ating distrito. At base sa nalaman ko ay kailangan ng muse para sa ating team" sabi ni Coach Nakamura.

"Kaya naman si Haruko ang napili naming ilaban para doon tutal siya naman ang ating muse dito sa ating school." Dagdag ni Coach Elisse

"Huh? Bakit ako na naman? Pang school laang ako bakit niyo ako ilalaban doon, buong Japan na yun ehh" pagtutol ko

"Ano kaba Haruko? Kayang kaya mo yan at tsaka ikaw kaya ang muse ng team" sabi naman Ashley

"Oo nga naman Haruko" sabay na sagot ng team nila Eiji at team namin.

"At isa pa kailangan din natin ng cheering squad, kaya naman nandito ang aking team para icheer kayo. Kaya naman galingan niyo" natatawang sabi ng Coach namin.

"Aba syempre naman, gagalingan namin" sabi ni Fukatsu

"Aba ay dapat talaga" natatawang sabi ng team namin.

"At Eiji kailangan niyong mag-practice ni Haruko para sa production number dahil ikaw ang magiging partner niya." Sabi ni Coach Nakamura

"Huh? Aba syempre ako pa ba? Galingan mo Haruko huh hahahahaha" natatawang sagot ni Eiji

"Hoy! Matagal na akong magaling no?" Pagyayabang kong sagot.

"Nga pala coach ano namang criteria para manalo si Haruko at Eiji" tanong ni Miya ang aming Captain at Center.

"Ahhh! Nga pala, maglalaro kayo doon. Yun bang para nagpapapractice lamang kayo ng shooting at syempre kung paano kayo magpeperform para sa Production number, kaya galingan niyong dalawa. Para kayo ang manalo" paliwanag ni Coach Elisse.

"Ako pa ba Coach! Kayang kaya."

Nagyayabang na naman itong si Eiji. Tinawanan nalang siya ng team ng mga Coach. Nagsimula na silang muling mag-practice. At ako naman at ang team namin ay naguusap para sa gagawing prodiction number at cheering.
Pinagpalit ako ni Coach ng uniform kong ginamit noong nag-muse ako. Nag-ayos din ako ng kaunti para naman medyo muka akong tao hehe. Kulay itim ang uniform na soot ko at white shoes na medyo may takong at puti ding medyas. Nakalugay ang aking kahabaan na buhok na abot hanggang pwet ko. Maya-maya lumabas na ako para magpractice sa aking paglakad.
Nagtigilan sila sa paguusap at pagpapapractice ng lumabas ako mula sa locker room.

Huh? Tanging sambit ko sa aking isipan ng makita ang reaction nila.




[Kathang isip ko lamang po ang storyang ito. ]

In The Name of Love Where stories live. Discover now