Haruko POV:
Sabay sabay na nga kaming pumasok sa loob ng Arena. Habang papasok na kami, maraming mga bulungan ang naririnig namin.
"Diba si Sawakita yan"
"OMG! Bakit sila andito sa Kanagawa"
"Ang gwapo pala talaga ni Eiji"
"Grabe nakakatakot yung tangkad niya, siguro Centro siya"
Buti nalang talaga at naka hoodie jacket ako at si Ashley kundi baka napansin din kami. Baka mapagkamalan kaming girlfriends ng mga ito.
Ng makarating na kami sa loob, naghanap muna kami ng pwedeng upuan. Pero wala ng bakante, maraming mga nanonood ng laban na ito uhhh.
Napadako ang mga mata ko sa scoring board at doon ko nakita na wala ng 5 minuto at patapos na ang laban. Meron 90 points ang Ryonan at 97 points naman para sa Shohoku."Mukang mananalo ang Shohoku uh" sabi ni Ashley
"Wala pa ding kasiguradan yan" sabi naman ni Fukatsu
"Oo tama ka Yow, mahaba pa ang oras kaya pang habulin yan" sabi naman ni Eiji
Tahimik lang kaming nanonood ni Kuya Mikio at napansin kong wala yata ang centro ng Ryonan, nakita ko siyang nakaupo sa bench nila.
"Bakit nasa bangko ang centro ng Ryonan?" Takang tanong ko na lamang
"Huh? Paano mo naman nalaman na yun ang centro nila?" Tanong naman ni Eiji
"Yow, malabo ba yang mata mo. Syempre siya yung pinakamatangkad sa team nila nu hahahahaha" sabat naman ni Fukatsu
Kaya naman natawa ako ganun si Kuya Mikio at Aahley dahil sa naging sagutan ng dalawa. Nakakatawa talaga itong si Eiji hahahahaha.
"Teka Haruko, bakit mo naman kilala yung Centro ng Ryonan?" Tanong ni Ashley sakin
"Ahhh ka-batch kase siya ni Kuya noong middle school namin, at nakukuwento niya sakin" sagot ko na lamang
Hindi ko napansin na malapit na palang matapos ang laban nila Kuya, parang ang bilis kasi ng oras. Maya maya pa bigla pumito ang referee kaya naman napatingin kami sa court.
"Substitution, Ryonan Team" anunsiyo ng referee.
At doon ko nakita na ipinasok ng coach ang Centro nila.
"Huh! Halos 2 minuto na lamang ang oras bakit naman nag-substitution pa" takang sabi ni Ashley
"Sigurado akong malaki ang tiwala ng coach ng Ryonan sa centro nila. Iniisip niya na sapat pa ang 2 minuto para mahabol at makalamang sa kalaban" paliwanag ni Eiji
"Mas matangkad ang centro ng Ryonan uhh, kumpara kay Akagi" sabi naman ni Fukatsu
Nakit ko sa pagbalik ng Centro nila ay may kakaiba akong naramdaman. Talagang malaki ang tiwala ni Coach Taoka kay Kuya Ouzomi ahhh. Nakita ko din na puno siya ng konsentrasyon. Pansin kong nahihirapan si Kuyaa Takenori sa pagdepensa ka Kuya Ouzomi.
At maya-maya lang sa pagbaling ko sa scoring board ay doon ko nakita na 1 puntos na lang ang lamang ng Shohoku. At 30 seconds nalang ang natitirang oras. At ang nakakaba pa ay hawak ng Ryonan ang bola, kaya naman medyo napa tuwid ako ng tayo.Hawak ng No. 7 ang bola at kita kong ipinasa niya ito sa kakampi niya. Mahigpit ang ginagawang depensa ng Shohoku. Maya maya lamang ay nagshoot ang No. 6 ng Ryonan pero mukang wala yata sa tamang posisyon iyon uhhh...
Kaya narinig kong sumigaw ang mga player."Rebound"
Kita kong naguunahan sila at pare-parehong nakahangad ang mga kamay sa ere. Medyo nagulat na lamang ako ng makuha ng may pulang buhok ang bola at alam kong Team ng Shohoku iyon. Narinig ko na lamang sumigaw ang mga manonood
"Ganyan nga Sakuragi"
"Hari ng Rebound"
Huh? Hari ng rebound mukang may humalili na kay Kuya. Ipinasa nung No. 10 ang bola sa Pointguard nila. 20 seconds na lang, at dapat ay hindi maagaw ng kalaban ang bola sobrang higpit ng depensa ng Ryonan. Maya maya lang kita kong ipinasa ng No. 7 ang bola kay......
Kay kuya.
Kaya naman medyo kinabahan ko. Gusto ko siyang icheer pero nakakahiya naman kase.
Kita namin na nahihirapan talaga si Kuya sa ginagawang depensa ng Ryonan."Haruko, dapat icheer mo si Akagi"
"Huh! Ayoko nakakahiya"
"Sige na Haruko! Ipakita mo na sinusuportahan mo siya tulad ng suporta binibigay niya Sayo."
"Sige na I-cheer mo na si Akagi."
Tama ba itong gagawin ko. 10 seconds nalang kaya naman..... kita kong hawak padin ni Kuya ang bola at humahanap ng pagkakataon upang makalusot kay Kuya Ouzomi. Rinig ko ang sigawan na
"Ganyan nga Captain, higpitan mo pa ang depensa"
Kaya naman tinanggal ko ang hoodie ko at umayos ng tayo. Alam kong nakatingin sakin ang mga kasama ko. Kaya naman.... itotodo ko na ito
"Kuya Takenori, Alam kong kaya mo yan. Sige ishoot mo yannnnnnnn" sigaw ko
At pakiramdam kong nakatingin ang lahat ng tao sa puwesto namin ngayon. Kita ko ding napatingin si Kuya sa gawi ko at halatang medyo nagulat siya, ganun din ang mga players na nasa Court.
"Omg, diba taga Sannoh sila"
"Hala, andito si Eiji"
"Diba sila ang No. 1 team sa Japan"
"At si Eiji naman ang No. 1 player sa buong Japan"
"OMG, gurl si Haruko Akagi di baa yannn?"
"Hala, oo siya nga"
"Diba siya ang kasalakuyang MVP ng womens Basketball Team"
"OMG, Andito siya"
Sobra akong nahihiya sa ginawa ko kaya naman napatakbo ako sa likod ni Kuya Mikio para hindi nila makita. Pakiramdam ko any minute may pupunta dito sa puwesto namin para magusisa.
Maya-maya lang narinig ko ang pito ng referee hudyat na tapos na ang laro.
Teka sinong nanalo? Hindi ko na nakita kung anong sunod na nangyari dahil nagtago agad ako.
Sorry po sa mabagal na update busy po sa module but I try to update everyday. Thank you sa mga nagbabasa ❤️❤️❤️❤️
[Ang kwentong ito ay kathang-isip ko lamang]
