CHAPTER 7

144 4 4
                                    

Haruko POV:

Pagkatapos ng party na naganap sa mansyon namin ay naisipan na din naming umuwi kagabi. At ngayon,  nandito ako sa aking kwarto at nakahilata pa. Wala pa akong balak bumangon dahil sa Hindi ko malamang dahilan, juskoo nababaliw na yata ako.

Gusto ko din rin si Haruko....

Paulit-ulit na binabanggit sa aking isipan nababaliw na talaga ako. Anong ginawa mo Eiji nakakainis kana.
Nasa kalagitnaan ako ng kabaliwan ko ng marinig ko ng may nag door bell.

"Hi, Haruko"

"Ashley at Mia, anong ginagawa ni yo dito"

"Masama bang dalawin ang maganda naming kaibigan"

"Tse tumigil kayong dalawa huh, pasok kayo"

"Nga pala Haruko, anong masasabi mo sa mga kaganapan kagabi" tanong ni Ashley habang nakahiga sa sofa na feeling bahay niya pa talaga.
Habang si Mia na natatawa naman na nasa gilid niya.

"Tumigil nga kayong dalawa, baka mga nantitrip lang yung mga yun"

"Hmmm, hindi naman siguro"

"Hayss, ewan ko sainyo Mia, ano bang meron at napadalaw kayong dalawa huh? "

"Kasi Haruko, feeling kasi namin ni Mia, na yung Maki ba yun parang may gusto siya kay Coach Elisse huh. Pansin ko lang naman"

"Wala naman sigurong masama Doon Ashley"

"At tsaka Alam mo ba Haruko girl, nag-insist pa si Maki na siya ang maghahatid kay Coach kagabi"

"Talaga, bakit Hindi ko alam ang ganap kagabi"

"Hahahaha, paano mo malalaman ehh, lutang ka kagabi, after sabihin ni Eiji na gusto ka niya, nanahimik ka bigla"

"At hindi lang yun bee, after nating kumain. Nagdiretso kana sa sasakyan mo"

"Ginawa ko yun? "

"Oo bee, pero mukang naiinitindihan ka naman nila. Ikaw ba namang halos maubos ang isang bote ng alak ehh, sa sobrang lutang mo girl 😆😆😆"

Pagkatapos sabihin ni Ashley at Mia ang mga kaganapan kagabi, pakiramdam ko wala na akong mukang maihaharap sa team, Kila Eiji at Kila Kuya Takenori.

"Wala naman akong ginawa na kakaiba?"

"Wala naman, don't worry kasama mo kaya kami ni Mia sa table, syempre nilulusutan nalang namin yung mga katanungan nila"

"Pero grabe, si Eiji kagabi"

"Bakit? Anong ginawa ni Eiji? "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In The Name of Love Where stories live. Discover now