CHAPTER 5

176 4 4
                                    

Takenori Akagi POV:

Sobrang higpit ng depensa sakin ni Ouzomi. At 10 seconds nalamng ang natitirang oras. Kailangan ko itong magishoot para sigurado ang panalo namin.
Habang naghahanap ko ng tyempo para makalusot sa depensa ay may narinig akong sigaw.
At medyo nagulat ako, andito ang kapatid ko andito si Haruko.
Sinusuportahan niya ako kaya naman, bigla akong humarap sa ring at tama ang tyempo ko nahuling itinaas ni Ouzomi ang kanyang kamay kaya naman naishoot ko ang bola at dagdag score para samin.

Rinig ko ang timer 3, 2, 1......0
Time's up at kasabay nun ang pagpito ng referee.

"Panalo tayo" sigaw ni Sakuragi

"Malakas ang team ng Shohoku" sigaw namin.

Wala man si Coach Anzai ngayon pero nagawa pa din naming manalo. Muli akong bumaling sa taas at doon ko nakita na medyo pinagkakaguluhan ng mga tao sila Haruko. Haysss sumigaw pa kasi, ayan tuloy.

Pumila na kami at bumati sa Team ang Ryonan.

"Maraming salamat sa Laro"

At maya maya pa nag-announce na kung sino ang may mga awards. At syempre 2nd kami ngayong taon.

"Akagi, interhigh na" ngiting bati sakin ni Kogure

"Oo, Interhigh na"

"Captain, pinagkakaguluhan na si Haruko doon sa taas ohh" sabi naman ni Ayako sakin

"Oo nga ehh, sumigaw pa kasi. Alam naman niyang kilala din siya dito sa Kanagawa lalo na at kasama sila Eiji, hayssss"

At nagtungo na kami sa locker room upang magpalit ng damit at makapagpahinga saglit bago pumunta kay Coach Anzai at ibalita ang aming pagkapanalo.

Nakita kong maraming nagpapa-picture dito sa kapatid ko. Mas sikat pa siya sakin. Kaya naman tinawag ko na siya

"Haruko"

"Kuya"
"Excuse us lang huh" rinig ko sabi niya sa mga fans nila

"Kuya, congrats huh. Ang galing niyo" ngiting bati ni Haruko sabay yakap ko sa kaniya.

"Buti nanood kayo ng laban namin, Haruko"

"Hehe, ayaw mo nun Kuya nakita mo ko"

Maya-maya pa may narinig akong tumikhim sa likod ko attt oo nga pala andito pa ang team ko sa likod ko.
Kaya naman pumasok muna kami sa locker kasama sila Haruko.

"Ate Ayako, kamusta kana?"

"Okay naman ako Haruko. Ehh ikaw kamusta kana?"

"Okay naman ate hehe"

Ramdam kong nakatingin sila sakin lahat ngayon. Naalala ko hindi ko naipapakilala si Haruko sa kanila.

"Ahm, nga pala siya Haruko. Kapatid ko"

"Hi, Haruko. Hisashi Mitsui nga pala"

"Ryota Miyagi"

"Yasuda nga pala"

"Hanamichi Sakuragi hehehe"

"Kaede Rukawa"

"Nice meeting you all" tugon ni Haruko na medyo malamig ang boses.

"Mga kaibigan ko. Si Eiji, Fukatsu, Kuya Mikio at Ashley" pakilala ni Haruko

Matapos ang batian, napagpasyahan namin na pumunta kay Coach Anzai. Sa paglabas namin nakasalubong namin ang Team ng Ryonan, Kainan at Shoyo. Kanya-kanyang bati naman kami sa isat isa. Maging sila Eiji ay binati nila Maki at Fujima

"Haruko, iha" rinig kong tawag nila Coach Taoka at Coach Takato.

"Ninong" ngitiing tungon naman ni Haruko at niyakap nila ang mga ito.

Kita kong medyo may gulat sa mga muka ng mga ito uhhhh.

"Kamusta kana, iha?"

"Okay naman po, Ninong"

"Congrats po pala sa Team niyo Ninong Takato"

"Salamat iha"

"And, congrats din po sa team niyo Ninong Taoka"

"Ikaw talagang bata ka"

"Hehe, namiss ko po kasi kayo. Sayang at wala si Ninong Anzai ngayon"

"Oo nga ehh, alam mo naman yun tumatanda na"

"Ninong talaga, magkaka-edad lang kaya kayong tatlo, so kain po tayo labas treat ko tutal matagal na din nung nagkasama sama tayo. Okay ba yun mga Ninong"

"Ikaw talaga kaso, kulang naman tayo wala si Anzai"

Kaya naman nakisali na ako sa usapan nila.

"Ahmm doon nalang po tayo mag dinner sa bahay, kasama kayong lahat Ryonan, Kainan, Shoyo at Shohoku. Celebration at syempre para din sa pagbisita ng kapatid ko. Minsan lang naman. Ano okay bayun?" Ngiting pa anyaya ko.

"Ano sa palagay niyo mga Ninong?" tanong ni Haruko

"Sige mukhang ayos yan" tugon ni Coach Taoka

"Sige kita-kita tayo sa bahay mamaya, 6 pm okay. Alam niyo naman kung saan ang bahay ko" sabi ko naman

"At tsaka pala mag-formal attire kayo huh" dag-dag ko

"Kuya, para saan naman at kailangan pang mag-formal?" tanong ni Haruko

"Wala naman, party kumbaga"

"Hayss, ikaw bahala" sabi naman ni Haruko

"Sige po, see you later guysss!" paalam ko sa kanila

Sabay-sabay na kaming lumabas ng gym. Naghiwa-hiwalay lang ang bawat team at kami naman kasama sila Haruko ay patungo sa hospital upang sabihin kay Coach Anzai ang magandang balita.

"Coach"

"Ohh mukang masaya kayo ahh" sabi ni Coach Anzai

"Coach, 2nd tayo sa pinakamagaling na team sa Kanagawa" sabi naman ni Mitsui habang hawak ang certificate.

"Hohohohohohoh, alam kong kaya niyo yun" ngiting sabi ni Coach Anzai.

"Nga pala Coach, may gustong bumisita sainyo" sabi ko naman.

"Sino?"

"Ninong!" bati ni Haruko

"Haruko, iha?"

"Kamusta kana?"

"Okay lang naman ako, Ninong. Kayo po, balita ko inatake na naman kayo"

"Ayos na ako iha, hohohohoho. Siya ba ang boyfriend mo Haruko" tanong ni Coach Anzai

Kaya tiningnan ko ang tinuturo ni Ninong. At...at nagulat naman ako ng makita ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Huh?, Hindi Ninong. Kaibigan ko po siya. Siya po si Eiji. Best friend -slash- Kababata ko po hehe"

"Hohoho. Bagay kayo iha"

[Ang kwentong ito ay kathang-isip ko lamang]

In The Name of Love Where stories live. Discover now