CHAPTER 3

128 3 2
                                    

Eiji POV:

Nasa kalagitnaan kami nang aming practice game. Ng makita ko na pumasok si Haruko sa locker na may dalang damit at sapatos.
Maglalaro kaya siya, iyun nalamang ang nasa isipan ko.

Maya-maya lang narinig ko na bumukas ang pinto ng locker at napatigil ako sa paglalaro ng makita ko si Haruko. Kita ko rin ang gulat sa muka niya ng makitang huminto kami sa paglalaro dahilan para mapatingin din sa kanya ang mga Coaches at ang mga nasa loob ng gym.

"Hoyy, Yow! Anyare sayo? Si Haruko lang yan. Nakalimotan mo na ishoot yung bola" natatawang sabi ni Fukatsu.

"Anyare sainyo?" Natatawang sabi ni Haruko.

"Huh? Wala. Balik na team" sabi ko nalamang. At ipinagpatuloy ang pagdididribol ng bola patungo sa court namin.

Grabe. Ano bang nangyare sakin. Bakit parang nabigla at natulala ako ng makita ko siyang ganun. Sobrang ganda niya ng lumabas siya mula sa locker. Samantalang dati ilang ulit ko na siyang nakitang ganun pero para sakin wala lang. Ano ba itong nangyayari sa akin.

Nagpatuloy na lang kami sa pag-papractice. At nakikita ko na nag-eensayo din si Haruko habang nag-didribol ng bola. Grabe kakaiba talaga siya. Ang astig niya hehe.

"Haruko! Nakita mo ba yung titig ni Eiji sayo kanina. Grabe girl, nakakatunaw" kinikilig na sabi ni Ashley

"Hahahaha, loka ka talaga. Ganyan talaga yan." Ngiting sagot ni Haruko.

Natapos na din magpractice ang team namin. At nakita kona nagtungo si Haruko sa loob ng court. Pumuwesto siya sa 3 point-line area. Mag-three point shot kaya ito? Takang tanong ko sa isip ko. At hindi ako nagkamali, ishinoot niya pasok na pasok na ang bola. Sobrang galing niya talaga.

Lumapit si Ashley at Miya sa kaniya, ang mga team mates niya. Nakita kong nilabas nila Coach yung speaker at nagpapatugtug ng music na tulad sa mga nagmomodel.
Siguro mag-papractice to?

"Ohh ano Haruko, ready kana?" Tanong ni Coach Elisse sa kanya

Tumango na lamang si Haruko. At nagsimulang maglakad, sobrang ganda niya. Sa bawat beat ng tugtug sumasabay ang buong katawan niya sa paggalaw. Hindi ko namamalayan na sobrang titig na titig na pala ako sa kanya at napansin pa talaga ni Fukatsu

"Yow, matunaw naman si Haruko" natatawang sabi ni Fukatsu

"Tumigil ka Yow, pinapapanood ko lang siya"

"Iba yang mga tinginan mo sa kanya. Gusto mo ba siya?" Tanong ni Fukatsu sakin

Halos hindi ako makagalaw at magkapareact sa tanong niya. Gusto ko nga ba siya. Hindi mag bestfriend lang kami.

"Hahaha, loko bestfriend ko yan no" natatawang sagot ko

"Okay sabi mo eh, pero ito tandaan mo Yow. Wag kang torpe at wag kang babagal bagal, sa ganda ni Haruko impossibleng walang magkagusto jaan. Payong kaibigan kung gusto mo siya, umamin kana. Bago ka maunahan" seryosong sabi ni Fukatsu.

"Ayokong masira ang friendship naming dalawa" malungkot kong sabi

"Yow, sinasabi ko lang ito sayo. Para hindi ka magsisisi sa huli kung bakit hindi ka umamin sa kanya. Walang masama kung magpapakatotoo ka sa kanya. Pero dapat tanggapin mo kung anong magiging sagot sa oras na umamin ka" sabi ni Fukatsu.

Hindi nalang ako sumagot, dahil alam kung tama ang sinabi niya. Pero ayoko naman masira ang friendship naming dalawa. Simula bata, magkasama na kami. At ayokong itapon lang yun dahil sa nagkagusto ako sa kanya. Hayys bahala na. Tiningnan ko nalang siya, hindi ko maiwasang hindi tumitig sa kanya.

"Eiji" tawag ni Haruko sa akin. Na nagbalik sa akin sa huwetiyo.

"Ano yun Haruko?"

"Paguusapan natin kung ano ang gagawin nating Production Number?" Sabi ni Haruko

In The Name of Love Where stories live. Discover now