Prologue

48 1 0
                                    

One day there was an arrow.

Isang arrow na matatag at sobra-sobra kung magmahal.

But then it grew tired and weak. So it gave up. Sawang-sawa na siya sa pointy-life niya.

Pointy-life. Pero mas tingin niya mas bagay sa kanya ang, pointless-life.

Hinayaan nalang niyang dalhin siya ng hangin sa kung saan-saan at kung kani-kanino. Go with the flow, ika nga. Hinayaan niya ang tadhana sa kung saan siya makakarating. Marami na siyang nakilala. Marami na siyang narating. Marami siyang nasaktan, marami din siyang minahal. Pero ngayon lang siya nagkakaganito. Tila may kulang sa kanyang buhay, at magpasang-hanggang ngayon, hindi parin niya alam kung ano at bakit niya ito kailangan.

Isang araw, naramdaman nalang niya na mabigat ang pakiramdam niya. Tila ba lahat ng problema sa mundo ay pinapasan niya. Pero yun ang inakala niya....

Then, may nakita siyang isang puso. Isang pusong nakatusok sa kanya. Tila may nagpabigat sa kanyang napakagaan at walang ganang na katawan. Nilagyan ni puso ng laman at kahulugan si arrow.

"Saan ka galing? At kaninong puso ka?" Nag-alala ito dahil baka may naghahanap sa kanya.Ngunit, ngumiti lang ito sa kanya.

Hindi niya inakala kalaunan na si arrow mismo ang makahanap sa totoong damdamin ng puso.

Saan nga ba pumupunta ang mga pusong sawi?

Ewan.

Pero ito ang sigurado...

Napatunayan nilang dalawa na there are three things in this world that hurt the most: trying to hide what you really feel, loving someone who loves another, and taking risk to fall in love again.

Where do Broken Hearts go?
© 2015 Column6Row3

Where do broken hearts go? |KATHNIEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon