Strike Seven

16 1 0
                                    

Angelo's POV

"Alam ko na."

Tama! Magandang gawin to! Makachansing narin hahaha

"Na maganda ako? Oh c'mon, maliit na bagay!" Tumayo na kami at naglakad lakad. Nasamid ako ng kaunti dahil sa sinabi niya.

"Hindi. May offer ako."

"Banker, ikaw ba yan?" At natawa kami dalawa sa sinabi niya. Joker talaga to no!

"Mag seryoso ka nga." Tumahan ako sa pagtatawa. "Ito yung offer ko. Pag nagkwento ka tungkol sa EX mo, o nasabi yung pangalan niya, hahalikan kita sa pisngi." Nakagrin ako sa pagsabi nun.

"Bat naman ako papayag, aber?" Huminto kami sa paglalakad. Nakacross na ang kanyang arms at nakapameywang pa siya.

"Eh sabi mo, gusto mong makalimutan siya. So yun ang offer ko. Deal?"

Nag-isip pa si Cristina. Walang tiwala sa akin? Naku, good kisser pa naman ako. Tignan nalang natin kung hindi to magiging kamukha ng kamatis.

"Deal." At ngumiting aso ako sa kanya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Walang nagsasalita.

"Alam mo, single ako." Panimula ko. Tumingin si Cristina sa akin. Waring inoobsernahan niya ako. Mula ulo hanggang paa. Parang manyak to! Sige lang, the feeling is mutual. Haha hindi joke lang!

"Tigilan mo nga ako." Lumakad siya at sinundan ko.

"Bakit naman kita titigilan? Ayaw mo ba sa akin? Hindi pa nga kita nililigawan, nirereject mo na ako." At nag-inarte ako na parang nasasaktan.

"Bakit? May plano ka bang mangligaw? Ngayon palang, sinasabi ko sayo na tigilan mo ako."

"Bakit? Hindi ba ako pang-boyfriend material?" Kanina pa nakakrus ang kanyang mga kilay habang ako nakangiti. Ewan, natutuwa lang ako pag kasama siya!

"Hindi naman sa ganun. Pero yung gusto ko, yung tipong pang-Piolo Pascual ang dating! Naku! Nakakakilig talaga siya dun sa Starting Over Again! Kamukha niya dun ang EX ko." Halos nagwala na siya nung binaggit niya ang pangalan ni Piolo. Teka...yung deal namin!

*tsup*

"What the heck! Bat mo ko hinalikan?" At nagtransform siya sa pagiging amazona. Pinagpapalo ako sa braso!

"Aray naman! Yung biceps ko!" Sinangga ko ang pagpalo niya sa akin.

"Biceps mo mukha mo! BAKIT. MO. AKO. HINALIKAN." At nanlisik ang kanyang mga mata.

"Yung deal natin. Binanggit mo yung EX mo. Kesyo kamukha niya si Piolo. Maniwala ako!" At nagsmirk ako. Imposible ang mga sinasabi niya!

"Eh sinabi ko bang ngayon na? Ugh. Bawiin mo yun. First kiss ko yun sa pisngi. Gusto kong si Rico yung first kiss ko sa pingi! Arg"

*tsup*

Binaggit na naman niya. Pulang pula na siya na naktayo sa harapan ko.

"Nakakarami ka na ha!" Lalakad na sana siya ng magsalita muli. "Hoy, Angelo!!!! Kamukha ni Rico si Piolo no. Pareho ang ngiti nila. Yung tipong Nandito-lang-ako." Nagdedaydreaming na siya. May actions pang kasama! Wait...she said it again.

Pero bago ko pa siya mahalikan, sinalubong ako ng kamay niya. Tinakpan ang akin mukha. Kung hindi lang mabango ang kamay niya, paniguradong kalas na ang mga buto nito bukas.

"Alam mo, ang daming sinungaling sa mundo." Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakatakip sa aking mukha. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Ang naughty! >:)

"Una, pinatunayan ba ng mga ngiting sinabi mo na hindi ka niya iiwan? Hindi diba? Mag-isa ka na ngayon. Pangalawa, di ako kumbinsido na kamukha ng EX mo si Piolo no." At nakita kong nag-iba ang kanyang ekspresyon. Bakas sa kanyang mukha na nasasaktan parin siya. At tila, napasobra ako sa sinabi mo.

Where do broken hearts go? |KATHNIEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon