Cristina's POV
"Cristinaaaaaa. Halika na. Tayo na ang susunod. Matutupad na rin yung isa mga wish natin sa bucketlist 101," ngumiti siya at hinawakan niya ang aking mga kamay.
"Oo nga, Rico. Matagal ko ng pinangarap ang pag sky diving. Excited na akong gawin ito kasama ka." At hinigpitan ko ng hawak ang kamay niya. Sinuotan na kami ng mga assistants ng mga life gears. Nakatingin pa rin ako sa kanya.
"Tapos na po, ma'am sir. Tatalon na po kayo on my cue. Ok po?" Tanong ni kuya assistant. Tumango kami pareho habang ngumingiti.
Nagsalita na si kuya at tumalon na kami. Napasigaw kami pareho dahil ramdam ko ang lakas ng impact nung bumabagsak kami pababa.
Nakapikit ako habang ngumingiti at nilalasap ang hanging hinihinga namin pareho ni Rico.
Naramdaman ko na lang na gumagalaw ang mga kamay ni Rico at para itong kumakalas sa paghawak ko.
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko na siyang malayo sa akin. Lumutang siya sa ere at minasdan ko ang kanyang mga matang nangungusap.
Patuloy parin akong bumagsak at patuloy na isinisigaw ang kanyang pangalan. Ang layo ko na at halos hindi ko na matanaw si Rico.
Nag-umpisang tumulo ang aking luha. Pilit kong lumipad upang balikan si Rico pero wala akong nagawa. Waring ang gravity na mismo ang ayaw na kami'y pagsamahin.
Bukambibig ko ang pangalan niya at halos hindi ko na maisip ang layo na aking hinuhulugan. Hanggang sa nagulat ako na natanaw ko na ang dagat pasipiko at ako'y babagsak doon.
Sa isang kisap mata, tumalsik ako sa malamig na tubig at tila ako'y hinihila pababa. Sinikap kong makaahon ngunit nawawalan na ako ng hininga at ako'y napapagod na. Hinayaan ko na lang na tangayin ako ng tubig pababa.Tinangka ko'ng tawagin si Rico ngunit sumagi sa isip ko na wala na pala siya. Wala ng makapagliligtas sa akin sa kapahamakan. Pumikit na lang ako dahil nararamdaman ko'ng malapit na talaga akong matuluyan.
Ngunit umasa parin ako na merong makapagliligtas sa akin. Hanggang sa unti-unti akong lumutang pataas hanggang ako'y nakaahon. Natagpuan ko ang aking sarili sa gitna ng kawalan.
*bogsssh*
Naramdamn ko na lang ang matigas na bagay sa aking likuran. Napaaray ako at napabangon sa tumatagos na sikat ng araw. Nahulog pala ako sa aking kinahihigaan.
Napatayo ako at napahawak ako sa aking likuran. Tumayo ako at binuksan ang bintana. Nakapikit pa ako ng bahagya hanggang sa naaaninag ko ang paligid sa labas. At nakikita ko ang luntiang paligid na punong-puno ng mga halaman. Natauhan rin ako na nasa isang bahay-kubo ako natulog. Teka...
Paaano ako napunta rito? Dali-dali akong nag-ayos ng aking mukha at nagbihis ng kanais-nais. Sa pagbukas ko palang ng pintuan ay bumulaga na sa akin ang amoy ng pagkain. Tumunog ang aking tiyan at sininghot ko muna nang lubusan ang amoy at tuluyang pumunta sa kinaroroonan. Nadatnan ko ang isang taong naka.... topless.
O_______O
Napakalapad ng kanyang likuran at tila purmadong purmado ang kanyang katawan. Napako ang aking mata sa naglalakihang biceps at triceps niya na. Parang tinatawag ako at sinasabing "Love me like you do"
Nagrerewind na naman yung 50 shades of grey na pelikula at naalala ko yung play room ng lalaki. Ang landi lang.
"Ehem."
Natauhan ako ng nagsalita ang muscles este si... Angelo. Nagulat nga ako dahil hindi naman halata na ganun pala kabatak ang kaniyang pigura. Pinunasan ko ang aking bibig dahil literal na tumulo ang aking laway. Hindi naman ako naglalaway noong hubo't hubad si Rico ah. Ewan kung anong nangyayari sa akin.
"So, tapos mo na akong pagpantasyahan?" At ngumiti siya ng nakakaloko at tila alam kung anong nasa utak ko. Dahil isa akong palaban na babae, hindi ko pinalagpas ang sinabi niya.
"Sus. Mas macho pa si Rico sa'yo no. Tigilan mo ako at makakatikim ka sa akin," at kumuha ako ng tubig at ininom.
"Sus maniwala ako sayo. Eh, para ka ngang aso diyan sa kalalaway sa aking beautiful bodeeeeeyyyyy." At nagsexy dance siya sa harapan ko. Inirapan ko siya at pumunta na sa hapag kainan dahil nagugutom na talaga ako.
"Wag ka nga. Masama ang ginagawa mo lalo't nasa harap ka ng hapag kainan. Kumuha ka ng t-shirt. Dahil..." napablush ako. Ehhh sa hindi ako makapagconcentrate dahil parang nagsasayawan ang pandesal niya.
"Dahil?" At lumapit siya sa akin. Halos ilang centimeters na lang ang natitira. Umiwas ako ng tingin at saktong nakita ko ang t-shirt niya na nakasampay sa upuan. Hinablot ko yon at tinulak siya palayo sabay tapon ng shirt.
"Aminin mo na kasi na naaattract ka sa akin. Matatanggap parin kita. Sanay naman ako eh na pinagpantasyahan." Sinuot na nga niya ang shirt at umupo na sa tabi ko.
"NEVER!!!" Sabay tusok nang pagkalakas lakas sa hotdog. Naku!!! Nanggigil ako sa kayabangan niya.
"Uyyy ingatan mo hotdog ko." At napaduwal ako sa sinabi niya. Uminom kaagad ako ng tubig dahil parang naloka ang aking utak.
Napalakas ang tawa ni Angelo na naging dahilan ng pagkapikon ko. "I mean dahan-dahan naman. Hindi ka mauubusan ng hotdog oh. Ako nga pala nagluto niyan. Made especially for youuuuu." Ngumiti siya.
Umarte ako na parang hindi nagugustuhan ang niluto niya. "Kaya pala hindi masarap." Pero in fairness masarap siya. Ayaw ko lang talagang aminin. Himala at hindi niya nasunog.
"Ahhh hindi pala masarap. Eh halos maubos mo na nga yan eh. Nahiya tuloy akong kumain sa niluto ko." Doon ko lang nalaman na nakaubos na ako ng limang hotdog at dalawang itlog. One fourth nalang ang natira sa kanin.
"Huwag ka nga. Kailangan ko to upang magkaenergy ako dahil alam kong iiyak na naman ako nito mamaya. Kumain ka na, sirrrr." I said it with my sarcastic tone.
"Haayyy sige na nga. Oh kumusta ang tulog mo?" At nag umpisa na siyang kumain.
"Ayos naman. Pero..." napatigil ako sa pagkain. At naging teary-eyed ako.
"Ohhhhh wag munaaaa" kumuha siya ng isang rolyo ng tissue sa bag niya. "Sige ikwento mo"
Sinimulan kong ikwento ang aking panaginip. Sabay nito ay ang pagkaubos ng isang dosenang tissue. Napuno nga yung trash bin sa kaiiyak ko. Hindi ko maintindihan dahil pati sa panaginip hindi ako tinatantanan ng lecheng pakiramdam nato.
"Tumahan ka na. Please? Oras na nga para ipaalala sayo na dapat kanang mag let go. Pati sa panaginip mo hinahaunt ka na ng hinanakit mo. Ilang tissue pa ba ang kailangang mong sayangin para maubos yang luha mo? He's not worth your tears. Tangina naman tigilan mo na Cristina. Hindi ka na niya mahal. And at this point, alam kong nakamove on na siya at masaya at ikaw tong natira at umiiyak at pilit na isinisigaw ang pangalang wala ng pakialam. Alam kong masayahin kang tao at meron ka pang kayang ibang gawin kesa sa magpakalunod sa sarili mong luha. Dahil sa kanya, tila nakulong ka Cristina. At walang ibang makapagpalaya sayo kundi yang sarili mo. At magagawa mo lang iyon kapag tuluyan mo na siyang makalimutan. Alam kong mahirap pero alam ko ring makakaya mo. Bigyan mo ng kahit kaunting halaga yang sarili mo." Nagagalit na siya pero alam kong nag-aalala lang siya sa akin.
Napatahan ako sa pag-iyak. Na-hit niya lahat ng punto na halos ako, hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Hindi naman ako bingi, pero nabingi ako sa sarili kong panghoy. Hindi ko na halos pinapakinggan ang mga sinasabi ng mga tao. Naging pipi ako ng ilang taon dahil kinimkim ko ang lahat ng pasakit. Tingin ko halos mamatay na ako sa kaiiyak mabalik lang yung nakaraan.
"Halika Cristina. May ipapakita ako sayo." Wala na akong nagawa dahil hinang-hina na ako sa nagawa kong katangahan.
Sana lang makalimutan ko na siya. Sana lang... dahil pagod na pagod na pagod na ako.

BINABASA MO ANG
Where do broken hearts go? |KATHNIEL
FanficMas madaling mag move-on kung magfocus ka muna sa mga taong nagmamahal sa'yo. Hindi yung magfofocus ka sa taong mahal mo pero di ka naman mahal.