Strike Four

25 1 0
                                    

Angelo's POV

"Miss, pasensya na. Ako na ang sasagot niyang phone mo." Binigay ko na kay ateng yung pera. Bakit ba niya ginawa yun? Bakit ba siya ganun kaharsh? To the point na hinagis talaga niya ang phone.

Sinundan ko kaagad si Cristina. Ever since nakilala ko siya sa terminal, may nakita akong special sa kanya. Alam kong hindi pa talag ako nakakamove on, pero...may kakaiba talaga sa kanya. Yung tipong hindi ko maipaliwanag.

"Cristina!!" Tinawag ko siya. Pabilis ng pabilis ang kanyang paglalakad hanggang makalabas na kami papunta sa may parking lot.

Tumakbo ako sa harapan niya upang pigilan siya. Bakit siya umiiyak? Nasasaktan ako kapag umiiyak siya.

"Cristina, bakit mo yun nagawa? Alam mo ba kung magkano yung phone na yun!? Nag eskandalo ka pa dahil lang sa isang baduy na kanta."

Ano ba tong sinasabi ko? Dapat ko bang sabihin yun? May karapatan ba ako?

Maya maya, tinulak niya ako ng malakas. Di ko yun inaasahan. Ang pagtulak niya ay malamig. Yung tila ang layo niya sa akin. Ang dami niya sigurong pinagdadaanan.

"Back off, Angelo. Ano bang karapatan mo para sabihin yan sa akin? At wow, concerned ka pa dun sa cellphone ni ateng. Tss. Why am I affected anyway?"

"Ano ba'ng pinagsasabi mo Cristina? Bakit, natamaan ka ba nung kantang yun? Ha? Ha?"

*pak*

"Oo Angelo! Yun yung themesong namin nung minamahal ko. Alam mo ba kung gaano kasakit? Hindi naman diba. Hindi naman ikaw yung iniwan."

"Angelo. Ang sakit sakit. Masaya naman kami nun ah! Minahal ko naman siya ng labis. Sa kanya lang umiikot ang mundo ko Angelo. Napakasaya ko noon. Pero hindi ko inaakala na magtatapos pa pala yun."

"Alam mo ba yung feeling na excited na excited ka dahil alam mong maiengage na kayo sa isa't isa? Two weeks before graduation yun Angelo. Nagpaganda pa ako at nagparebond. Sinuot ko yung black striped bra na ibinigay niya sa akin nung 14th monthsary namin. Nagsuot ng maraming alahas at nagmakeup para lang magmukhang maganda sa harapan niya. Papunta na ako nun sa engagement party ng nakita ko siya sa may park....na may kahalikan na iba."

"Ano yun? Surprise niya sa akin? Ang sabi engagement hindi lamay. Nang nangyari yun, parang namatay ako ng ilang segundo. Nagmakaawa ako sa kanya na ako na lang. Ako na lang ulit. Pinagpilitan ko sa kanya ang sarili ko kahit alam kong may mahal na siyang iba. Kung sa lamay pa, pinilit kong buhayin ang patay na tao."

"Gumuho ang mundo ko nun Angelo. Sampung lecheng taon kami eh! Akala ko siya na. Alam mo ba kung anong rason niya? Hindi ako ang para sayo. Tinapos niya ang 10 yrs naming relasyon sa limang salita lang!"

"Tinanong ko yung sarili ko na, may kulang ba ako? Sapat ba ako at ang ginagawa ko? Ibinigay ko ba ang lahat? Ganun nalang ba kadali na kalimutan at palitan ako? Naging forever loyal naman ako sa kanya. Kapag may kailangan siya nandun ako palgi."

"Pero alam mo ba kung anong nangyari sa akin pagkatapos nun Angelo?"

Humindi ako. After hearing her story, hindi ako makapagsalita. Di ko aakalain na ganito pala. Ang laking kawalan nung EX niya. At naghanap pa siya ng iba! Gusto ko sugurin yun at ipagduldulan sa kanyang mukha na GAGO KA! HINDI DAPAT SINASAKTAN ANG MGA BABAE. AT LALO NA ANG MGA GAYA NIYA.

"Nasira ang pagkatao ko Angelo. Halos nga hindi ako makagraduate dahil hindi ko nakumpleto yung requirements at yung attendance sa graduation practice! Naging patapon ang buhay ko. After we broke up, pinramis ko na mag momove on na ako. Pero, ang hirap gawin at panindigan."

"Isang gabi, naglasing ako sa isang bar. Lasing na lasing ako nun. Di ko na alam ang nangyayari sa paligid. Hanggang sa paggising ko, nakahiga na ako sa isang kama. Hubo't hubad. Nalaman ko na lang na ginahasa ako at kalauna'y nabuntis. Hindi ko alam ang gagawin. Gago yung pumasok sa akin, tinalikuran niya ang responsibilidad niya. Hanggang sa nalaman ng mga magulang ko. Galit na galit sila sa akin, nadisappoint dahil ang laki ng expectation. Pero winaldas ko lang yun lahat sa hindi inaasahang pagkakamali."

"At ang mahirap pa, pinaabort ko ang pinakauna ko sanang anak. Pero kailangan kong gawin yun. Kalauna'y naging normal ang lahat. Tinry kong mag move on hanggang napuslit ako sa paggamit ng shabu. Di ko na alam kung anong gagawin. Iniwan ako ng lalaking ginawa ko lang ay mahalin siya. Nahuli kami ng mga pulis at nabilanggo ako. Nanatili ako sa prisinto ng ilang buwan hanggang pinyansahan ako ng aking mga magulang."

Ang hirap ng kalagayan niya. Kung hindi lang sana siya iniwan nung ex niya, panigurado nakangiti to abot langit. Pero kung sila pa, parang hindi siguro kami magkakilala.

"I thought na what if magpakamatay na ako. What's the sensw of living kung wala naman sayo yung mahal mo? Then narealize ko lang, ano ba tong pinaggagawa ko? Bakit ba ako nagkakaganito? Dahil lang sa lalaking iniwan ako? Pathetic!"

"Pero kahit na anong saway ko sa sarili ko, hindi parin ako matauhan na wala na siya. Ganun pala kapag mahal mo ang isang tao. Kahit na anong mangyari, ipagpipilitan mo parin sa kanya ang sarili mo kahit na nagmumukha ka ng tanga. Na alam mo ng hindi ka na niya mahal."

"Ilang taon na ang nakalipas pero hindi parin ako makamove on. Tangina. Minsan naiisip ko, kamusta na kaya siya? Nakalimutan na ba niya ako? Dahil ako, hindi pa at imposibleng mangyari."

"Sabi nila, kung kayo, kayo talaga. Na hayaan ang tadhana na magpasya. Ano? Hihintayin ko ba yang putanginang tadhana na yan? Hanggang kailan? Hihintayin ko ba na may magtulak sa kanya pabalik o hayaan ang hangin na bumalik sa akin."

"Pero peste lang! Kung mahal mo talaga ang isang tao, huwag mo siyang papakawalan. Kahit na nasasaktan ka na, kahit na nagmumukha ka ng tanga. Okay lang! Dahil alam ko na masaya ako sa ginagawa kong pagpapakatanga sa kanya. Kaya ako, kakapit lang ako. Huhugutin ko siya pabalik. Hindi ako bibitiw hanggang kaya ko. Pasensya, ganun ko siya ka mahal!"

Patuloy na umagos ang luha niya. Ang sakit marinig galing sa kanya. Ang amo ng kanyang mukha pero deep inside, sumasabog na pala ang nararamdaman.

"Okay lang naman na magmahal Cris. Okay lang magmahal kahit nagmumukha ka ng tanga. Kahit sobra ka ng nasasaktan. Pero, Cris. Maawa ka naman sa sarili mo. Hindi ka diyos, tao ka! At lahat tayo ay sumasabog kapag napuno na. Kaya Cris. Okay lang na magpahinga ka. Na sabihin mong, time out muna. Nasaktan ka, kaya may karapatan kang magmove forward at mag let go. Huwag kang manatili sa nakaraan mo, uso ang move on! May naghihintay na magandang kinabukasan sa iyo. Huwag mong hayaan na baguhin ka ng isang tao. They do not define you. Imbes na magfocus ka sa taong mahal mo, magfocus ka nalang dun sa mga taong mahal ka. Yun, hindi pa nasasayang ang pagmamahal mo."

Niyakap ko na talaga siya. Ayokong ganito. Ayokong malungkot siya.

"Gaya ko.." At gusto ko lang ay maging masaya siya. Kahit na ngayon palang kami nagkakilala, ang gaan gaan na ng pakiramdam ko sa kanya.

"Angelo, salamat. Salamat. Naaappreciate ko talaga ang effort mo. Ang drama ko no?" Umiiyak parin siya pero tumatawa. Alam kong pilit yun.

"Naaah. Masasanay rin ako. At tumahan ka na. Huwag ka ng malungkot, nasasaktan ako. Bagay pa naman sayo yung ngumingiti at tumatawa." Nagkahiwalay kami ng bahagya. Hinawak ko yung kamay niya.

Ngumiti siya. Napangiti na rin ako.

"Angelo, tulungan mo ako."

"Eh sino pa bang tutulong sa iyo? Pero Cris, tulungan mo rin ang sarili mo. Huwag mong hayaan na manalo ang puso kaysa sa isip."

"Oo na po." Inabot ko sa kanya ang panyo ko. Pinunasan niya ang luha niya. Mga luhang puno ng sakit at maalimuot na pangyayari.

"Angelo. Uwi na tayo. Inaantok na ako."

"Ihahatid kita sa inyo o dadaan muna tayo sa amin para makitayung baby sister ko?" At lumawak ang ngiti niya. Now, that's more I like it.

Kinuha na namin ang mga maleta at sumakay na ng taxi. Pagdating namin sa bahay..

"Kuya Angelo? Who's she?"

"Ito nga pala si Ate Cristina mo, Angela."

"Tito!!!! May girlfriend na po si kuyaaa!!!"

Nagkatinginan kami ni Cristina. Naku!

Where do broken hearts go? |KATHNIEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon