Strike Three

22 1 0
                                    

Cristina's POV

"You should have seen your face!"

Kinuha ko kaagad ang tubig na binili ko kanina at dali-daling ininum ito. Napahiya naman ako rito! Hinayaan kong huminahon ako, para naman mabawas bawasan yung pagkapula ko.

"Uy, kinikilig siya." At halos mabuga ko ang tubig na iniinom ko. Nilakihan ko lang ang mata ko sa kanya. Naku! Kung ano pinagsasabi! Baka mamaya, masunggaban ko ito.

Wait-san yun galing? O___O

"For your information, hindi lahat ng kinikilig, namumula. Sadyang mestiza lang talaga!" Ano bang pinaglalaban ko rito? Eh basta. Ayokong mainis dito. Siya na nga lang tong sumasama sa akin eh.

"Nahiya naman ako sa pagkamestiza mo." Aba, nilalait pa ako nito!

"Che-" bago pa matapos ang sasabihin ko, may nagpahiya na naman sa akin.

*brrrrr*

O____O

Napalaki ang aking mata! Lord! Bat sunod-sunod ang kamalasan ko ngayon? Ugh

Nginitian ko na lang si Angelo. Alam kong peke. Tignan niyo naman. The best way to handle awkward situations. Pffft. Tumawa lang si Angelo. As usual, tatawanan ako pag napahiya. Ugh

"Hahaha-okay." At tumahan na siya. "Kumain na nga tayo. Libre kita. McDo o Jollibee?" Pinag-isipan ko ng mabuti. Minsan lang ang may manglibre sa akin. At hindi ko pa masyado kilala tong si Angelo ha!

Pumasok na kami sa Jollibee. Umupo na ako at nag-order si Angelo. Dumating narin siya dala yung mga pagkain.

Kay Angelo, Garlic Pepper Beef, 3 Mango Peach pie, Pineapple juice, and extra large fries.

Akin. 2 pieces burger steak, 2 jolly hotdog, coke, sundae and extra large fries.

Sa lagay namin, hindi kami PG! Okay? Hahaha. Isa pa, libre niya to kaya nilubos ko na. Mag gagabi na rin at wala pa akong kain simula nung lunch.

"Hindi pa kita gaanong kilala ah. Magkwento ka naman." Sinambit ko na lang out of the blue. Ang tahimik. Ang naririnig ko lang ay yung pag nguya namin ng pagkain.

"Nothing much." At tinapos niyang kinain ang kanin niya. Nothing much niya. -_-

"Please. Baka rapist ka o something. O yung tipong kumikidnap at nagbebenta ng laman-loob sa junk shop." Dada lang ako ng dada. Walang paki sa sinasabi.

Natauhan naman ako sa sinabi ko-- teka. Junk shop? At laman-loob? -_-

"What the fck! Hahahaha" at tumawa ng malakas si Angelo. May iba ng nakatingin sa amin. Baliw to!

"Ha? A-ah a-ano! Walang akong sinabi!" Pagdedepensa ko. Leche!

"Sa napakataas mong sinabi, nagpapalusot ka parin na walang sinabi?" Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis talaga to!

"Haha-" pinunasan niya yung kaunting luha na tumulo sa kanyang mata. Overjoyed siguro ang lolo mo!

"Ako si Micheal Angelo Morales."

"Saan ka nakatira?"

"Sa Manila. Nagbabakasyon ako rito."

"Sinong kasama mo?"

"Ako lang."

"Weh." At nagsip ako sa inumin ko.

"Oo nga, nakarating na ako sa iba't-ibang lugar. Palawan, Cebu, Davao, Batangas, Surigao, Bohol, GenSan, Cagayan de Oro-" edi siya na! Nagsalita na ako baka ienumerate pa niya ang lahat ng lugar sa Pilipinas.

Where do broken hearts go? |KATHNIEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon