Strike One

45 1 0
                                    

Cristina's POV

"Excuse me ma'am, pero 1 maleta lang po ang pwedeng dalhin."

1 maleta lang? Seryoso?

Sinamaan ko ng tingin si manang. Eh paano magkakasya ang 5 bagahe ko sa isang maleta? Halos bahay ko na nga ang dinala ko eh.

Pumwesto ako sa waiting shed at dun nagcontemplate kung ano ba talaga ang dadalhin ko. Hinalungkat ko ang aking maleta.

Red-striped bra.

Itatapon ko o hindi? Ito yung niregalo niya sa akin nung 1st anniversary namin. Akalin niyo, jinojoke niya lang ako nun na reregaluhan niya ako ng bra. Pero anak ng ina niya! Tinotohanan niya at binigyan ako ng red-striped bra.

Honestly speaking, hindi ko pa to nasusuot. Ayokong madumihan. Ayokong mastretched. Ayokong malabhan. Kung aamoyin, parang bagong bili lang. Tumatawa ako rito habang may tumutulo na mga luha.

2 years ng nakalipas pero hindi parin ako nakakamove on sa lintek na ex ko. Sino bang hindi? 10 fcking years kami nagsama. And ngayon, inechapwera niya lang kaagad ang 10 yrs na yun? Tangina naman.

Barbie doll. Bratz

Pilit kong tinatanggal ang ulo ng manika. Letche! Yang barbie na yan ang ibinigay niya sa akin nung mga bata pa kami. Oo, childhood friend ko siya. Nagkapareha kami ng nararamdaman hanggang naging magsyota kami. Ugh! Ang tagal ng mga panahon yun! Ganun nalang kadali kalimutan? Naman! Parang walang pinagsamahan tsk.

Itinabi ko na ang mga hindi ko kailangan. Kahit na puno na ang maleta, pinipilit kong pagkasyahin ang lahat. Masakit isipin na kahit anong pilit mo sa isang tao, hanggang di ka niya mahal, di ka talaga mahal. Yun na yun! Period.

Inupuan ko ang aking maleta para mazipper. Halos puputok na to sa dami ng pinasok ko. Pero go lang ng go! Insert Globe commercial here *O*

Ngingisi na sana ako dahil macoclose ko na ang maleta nang...

*bogsh*

Napatalon ako dahil pumutok nga ang maleta. Nagkalat ang mga damit ko. Ano ba naman yan! Malelate na ako sa byahe. Umupo ako at naghysterical na parang bata.

Di ko namamalayan na kumukuha na pala ako ng atensyon. Huminto ako sa pagiging childish dahil nagbubulungan na sila.

"Parang bata naman to."
"Sa kanya ba yang red-striped na bra? Ang landi."
"Pati tinidor dadalhin niya?!"

Kung magbubulungan kayo, siguraduhin niyong maririnig ko ha. WALA NA BANG MAS IKAKALAKAS NIYAN!? LETCHE NAMAN. Tumayo na ako at nagdabog. Kinuha ko ang mga gamit na nagkalat. Sinamaan ko nalang ng tingin ang mga tao. Ang judgmental ng mga ito! Nahiya naman ako sa isa dun. Na kulang nalang, para ng balot! May isa namang babae kung makapagtali ng buhok, pwede na siyang maging siopao sa Chowking. Kaloka!

Zinizipper ko na ang maleta ng may lumapit sa akin...

"Hi." I stared at him blankly. Excuse me, I don't talk strangers! Kahit pa kasing gwapo ng mga greek gods. Loyal parin ako kay Rico, yung EX ko.

"Miss, may extra space pa ako sa maleta ko. Pwede mo pang ilagay ang mga gamit mo rito." Inopen niya ang maleta niya. Sino ba to? Close ba tayo? -_-

I crossed my arms. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ahhhh- Micheal Angelo Morales pala. 20 years old. Nakatira sa Batay Puso 143, sa puso mo. Hindi ako judgmental. Hindi ako manyak. Kahit na minamanyak na kita ngayon. At hindi rin ako magnanakaw. Sa gwapo kong 'to!" At ngumiti ang gago! Nag pogi sign pa siya. Ano to? Gaguhan?

"Alam mo Mr. Morales. Pachicks ka eh. Mukha ka namang tandang! Umalis ka na nga!" At tumawa siya ng kaunti. Wala namang nakakatawa diba? Grrr

"Alam mo. Ang cute mo."

"Sus. Maliit na bagay. Akin na nga yang maleta mo." At inabot ko ang maleta niya. Inilagay ko lahat ng mga gamit ko.

"May gana ka pang magdala ng maleta sa lagay mo no?" At nagsmirk ako. Alam niyo kung ano ang laman ng maleta niya?

Isang t-shirt. Isang shorts. Isang washed colored pants. Isang Vans na sapatos. At at- isang...boxer na may flappy bird sa gitna.

Namula ako. Hindi ako nagpahalata. Sino bang hindi magiging pula? Diba? Isa pa, hindi halata na babyahe siya. Talaga!

"Oh, tapos na." At inabot ko ulet ang maleta niya. Lalakad na sana kami nang...

O//////O

Lumapit siya sa akin at at at...

Pinunasan niya ang pawis ko. Nagiging manhid na ako sa sarili kong pawis. Juskolord! Focus na focus kasi ako kay Rico. Peste naman!

Tapos na siyang punasan ang pawis ko. Ako naman, hindi makagalaw. Ano ba tong naging epekto niya? Ganun lang? Pinunasan ka lang ng pawis!

"Oh! Pinunasan lang kita. Hindi hinalikan!" At nag grin siya. Natauhan naman ako sa sinabi niya. Napaasim ang mukha ko. Kakakilala pa lang namin, iniinis na niya ako.

Sumunod na ako sa kanya at pumunta na dun sa manang kanina.

"Finally! After how many years ma'am, napagkasya mo na rin sa iisang bagahe ang mga gamit. Have a safe trip!" At ngumiti si manang.

Nagfake smile lang ako. Ayoko ng patulan. Wala kasi yung asawa, ang taas pa ng pangarap. Gusto niya raw sumali sa Asia's Next Top Model. Paano ko nalaman? Kanina pa kasi siya dada ng dada. I'm not paying her my full attention naman.

Pinalagay na namin sa manong ang mga bagahe namin. Bumili muna ako ng maiinom sa Zagu. May malapit na branch naman dito sa terminal. Ibinigay ko ang isa kay kay... Micheal?

Oo, tama. Micheal Angelo Morales. Tignan mo naman. Opposite kami ng pangalan.

"Nice meeting you." Inabot ko ang kamay ko para mamipagshake ng hands. "Cristina Angela Martinez nga pala." Nagnod lang siya at nagbitiw na kami ng kamay.

Sumakay na kami ng bus. Komportable kaming nakaupo sa mga upuan.

Haay.

Ano ba'ng gagawin ko sa buhay ko? At kasama ko pa ang isang Micheal Angelo Morales.

*sigh*

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala akoo..

Where do broken hearts go? |KATHNIEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon