Yadong #01

8.7K 301 394
                                    

Okay, ang lahat ng storya ay magkaka-dikit lamang. Kaso iba ang timeline nito sa Jongdae Jongdae. Eto yung


"Ano ba yung ginagawa nila? Bakit pinapasok ni Sehun si Luhan?" -Zhang Yixing


-


Yadong #01 - EXO


Naka-kunot ang noo ko, kaka-lipat ko lang dito sa bagong school. Di ko alam kung bakit ako nilipat nila mama. Di ko alam o nakalimutan ko lang yung dahilan. Hehe. Madali kasi akong makalimot ng mga bagay bagay. Hehe.


Habang nag-lalakad ako may naka-salubong ko ang isang lalakeng naka-suot ng eye liner at isang lalakeng medyo matangkad at mayrong malaking tenga. Lumapit ako para mag-tanong kung asan yung Room #69.


"Excuse me, pwede bang mag-tanong?" Nakangiti kong tanong sa kanila. Natawa naman yung medyo matangkad, "Nag-tatanong ka na nga eh" ani nung matangkad.


Siniko naman siya nung may eye liner, "Shut-up,Yeol. Ah sige, ano ba ang itatanong mo?" Nakangiting sabi nung may eye liner. "Ahm, itatanong ko lang sana kung nasan yung Room #69 eh" ani ko at nag-kamot ng batok. Humagalpak naman sa kakatawa yung medyo matangkad. Inirapan lang siya nung may eyeliner.


Binalingan niya ako at ngumiti, "Ahmm. Actually, etong nasa gilid mo ang Room #69" aniya at tumawa, napakamot naman ako sa batok ko at ngumiti. "Ah.. Ganun ba?" Ani ko.


"Wow. Ang cute mo may dimples ka!" Ani ni Baekhyun at kinurot yung mga pisngi ko. Aray. Masakit. /pouts/ "Tch. May dimples din ako" ani nung malaki.


"Ahmm sige mauna na ako. Salamat nga pala" ani ko at nag-bow sa kanila bago pumasok sa classroom.


"Bakit kayo naka-sunod?" Tanong ko sa kanila, natawa naman yung higante. Anong nakakatawa sa pag-tatanong? "Ahm. Dito din kasi yung classroom namin eh" ani nung may eyeliner. Tumango naman ako at pumasok. Pumunta na ako dun sa may pinaka likod. Umupo naman sa tabi ko yung lalaking may eyeliner.


"Hindi pa tayo nag-papakilala. Ako nga pala si Byun Baekhyun" aniya at inabot sakin yung kamay niya. Ngumiti naman ako sa kanya, "Zhang Yixing o Lay na lang" ani ko at tinanggap yung kamay niya.


Biglang kinuha nung lalakeng malaki yung kamay ko na nakahawak kay Baekhyun, "Park Chanyeol, pare" aniya habang nakangiti sakin, ngumiti din ako sa kanya. "Ahm. Zhang Yixing" ani ko at ngumiti.



-


Lunch na at naliligaw ako. Hinahanap ko kung saan yung cafeteria. Gutom na ako. Naririnig ko ng tumutunog yung tiyan ko. Bakit kasi di na lang ako sumabay kay Kanyeol at Biikhyun eh.


May nakita akong dalawang studyante, yung isang mukhang babae at isang mukhang ewan. Di ko ma-explain mukha niya eh. Di siya nakangiti. Di din siya galit. Naalala ko, mga kaklase ko sila. Kaso di ko naalala yung pangalan nila.


"Noona--" di ko na natapos yung sasabihin ko ng tignan ako ng masama nung babae, "Noona?! Naka damit ako ng pang lalake, noona? Naka gupit pang lalake ako, noona?" Naiiritang sabi niya.


Napakamot naman ako sa batok ko, "Hehe. Sorry po hyung. Gusto ko lang po mag-tanong" ani ko. Biglang napaltan yung naka-busangot niyang mukha ng naka-ngiting mukha. "Sige ano ba yon?" Tanong niya.


"Ahmm. Asan po yung cafeteria?" Tanong ko sa kanilang dalawa, tinuro naman nila yung sa gilid namin. Ah. Malapit lang pala yung cafeteria. "Ah.. Salamat...?"


"Lu Han. Luhan ang itawag mo sakin" ani ni Luhan hyung ngumiti ako at tumango, "Siya naman si Oh Sehun, Sehun na lang" aniya dun sa lalakeng umiinom ng bubble tea. "Diba ikaw si Zhang Yixing?" Nakangiting tanong niya.


Nanlaki yung mata ko, "Pano mo nalaman yung pangalan ko?" Natawa naman siya, "Diba classmate tayo? Nagpa-kilala ka kaya sa unahan" natatawa niyang sambit. Napa-tango naman ako at napa-'ah'


"Bye Luhan Noona, Bye Suhen!" ani ko at nag-lakad na papunta ng cafeteria. Narinig ko na lang na nag-mumura si Luhan noona, ako ba yung minumura niya?


-



Sa may cafeteria, naka-upo ako sa may isang table. Wala naman akong mga masyadong kaibigan kasi kaka-transfer ko lang kasi. Nagulat ako ng may biglang umupo sa tabi ko. Ang puti niya.


"Hi" nakangiti niya sabi, nginitian ko din siya. "Kim Junmyeon nga pala, Suho na lang. Ikaw diba si Zhang Yixing?" Nakangiti niyang tanong. Tumango ako. Classmate ko din ata to.


"Nag-hahanap ka ba ng dorm? Kung nag-hahanap ka ng dorm eto oh. May dorm ako, nag-hahanap lang ako ng mga kasama. Sana sumama ka" aniya at nginitian ako. Ngumiti din ako, "Sige salamat" ani ko, ngumiti siya ulit at umalis na.


Kailangan ko ba ng dorm? Nakalimutan ko kasi eh. Agrhhh. May sinabi ba si mama?


-


Nasa cr ako iihi, buti na lang di ko na talaga kailangan hanapin kasi malapit lang sa classroom namin. May nakita akong dalawang lalaki na nag-tatalo, isang medyo chubby at isang mukhang camel-dinosaur.


"Jongdae kasi pumayag ka ng ligawan kita" ani nung medyo chubby, inirapan lang siya nung lalakeng tinawag niyang Jongdae "Minseok hyung, alam mo namang ligaw not is my style" natawa naman ako kaya napatingin sila sakin.


"Anong nakakatawa?" Taas kilay na tanong nung Jongnight, tumawa ulit ako. "Mali kasi yung grammar mo, ang dapat Ligaw is not my style yun" ani ko inirapan niya lang ako.


"Teka diba classmate ka namin?" Tanong nung Vinseok, nag-kibit balikat lang ako di ko alam eh. "Ahmm. Oo nga pala, pwede bang samahan niyo ako sa classroom?" Nakangiti kong sabi.


-


Naka-tanggap ako ng text message galing kay mama,


From: Mama

Anak, humanap ka na ng dorm ha? Wag ka ng umuwi.


Pinapalayas na ba ako ni mama? napa-kunot naman ang noo ko habang binabasa ang mga text message ni Mama.


"Yixing!" Tawag sakin ni Biikhyun, tumingin ako sa kanya, "Bakit?" Tanong ko.


Kasama niya sa Kanyeol. "Ano? Diba inimbitahan ka ni Suho na mag-dorm?" Si Suho yung lalaking tumabi sakin sa cafeteria? Tumango naman ako. "Kung ganun! Tara na!" Aniya at hingit ako patungo sa dorm-- ha?


-


Kay Yixing at Suho, ha? Mamaya at bukas ko ng iuupdate yung iba. Yehet. May plot na kasi tong kay Yixing at Junmyeon eh. Actually pati yung kay Baek at Yeol. Tapos iniisipan ko pa yung iba. Huehuehue ;;-;;

Suho, Suho, Ano yung yadong? | sulay ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon