Part 1

157 7 0
                                    

"May gusto ako sayo." pagtatapat ko sa kaniya ng nararamdaman ko.

Pero sa sinabi kong yun dahil dito nakataya ang kaligayahan ko. Parang isang do or die situation. At kapag nasa ganito kang situation, dapat matuto kang tanggapin yung consequence. Whether it is good, bad or worst.

Nakayuko, nakapikit ang mga mata, nakahawak sa mga drumsticks ko na halos mabali na. At halos magdugo na rin ang labi dahil kagat kagat ko ito.

Ang drumsticks ko ang bagay na makakapagpakalma sa akin...

Naghintay ako na may sabihin siya pero walang kahit anong salitang lumalabas sa bibig niya.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siya... Nakatingin lang sa akin at nakalagay ang mga kamay sa bulsa niya.

Sandali siyang tumingin sa akin at saka nagsalita.

"Rain, Im sorry.. Pero kaibigan lang ang turing ko sayo." nakatingin ng diretso sa mga mata kong sagot niya sa sinabi ko.

Ngumiti ako sa sagot niya.

Sabi ko na nga ba...

Masyado lang pala akong ambisyosa.

Naniwala rin ako agad agad sa sinabi ng bestfriend mo.

Sana pala hindi ko na ito ginawa... Masakit pala... Sobra.

Gusto kong ihagis sa mukha niya itong mga drumsticks na hawak ko. Paluin siya hanggang masira ang mga drumsticks na binigay niya sa akin!

Pero sabi ko nga.. Ginawa ko ito at kailangan kong tanggapin ang consequence.

"A-ayos lang Tune!" nanginginig na tugon ko. Pinipilit na hindi ipahalata na nasaktan ako sa sinabi niya.

"Naiintindihan ko! Salamat sa oras na binigay mo at pasensya na kung naging istorbo ako sayo." nakatingin sa mga mata niyang sabi ko at ngumiti muli.

Pero agad akong yumuko.

"Mauna na ako." paalam ko at lumakad na palayo sa kaniya.

Pero huminto ako at tumakbo palapit sa kaniya.

Habang pinupunasan ko ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko.

"Salamat dito... Pero isinasauli ko na sayo ito. Hindi ko na ata kayang gamitin yan." mangiyak ngiyak na iniabot ko sa kaniya ang ibinigay niyang drumsticks sa akin.

Pero hindi niya ito kinukuha kaya inilapag ko na lang ito sa sahig.

Tumakbo na ako bago pa siya magsalita habang takip takip ang mga mata ko.

Nararamdaman ko na may mga luhang unti unting bumabagsak galing sa langit.

Buti na lang... Karamay ko lagi ang ulan sa tuwing nakakaramdam ako ng ganito. Tama lang na ang pangalan ko ay Rain. Lagi naman ako malungkot at umiiyak. Tulad ng ulan, kapag napupuno iiyak na lang at pagkatapos ng pagiyak na iyon ay magiging maaliwalas at makulay na ulit ang langit. At bagong buhay ang naghihintay para harapin ko.

Pero wala akong nararamdaman na patak ng ulan na dumadampi sa mga kamay kong nakalahad.

Tumingala ako at nakita kong may payong.

Tinignan ko ang taong may hawak ng payong.

Si...

"Hindi ka dapat nagpapaulan. Magkakasakit ka niyan eh." nakangiting paalala niya sa akin.

...Grey

Tinitigan ko lang siya.

Bakit... siya.. nandito?

Ang tanong na nasa isipan ko ngayon.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya na diretsong nakatingin sa mga mata niya kahit na medyo blurred dahil may mga taksil na luhang gusto ng makawala.

"Kasi nakita ko yung kaibigan ko na naglalakad at walang pakielam kahit umuulan na. Nag-aalala ako na baka magkasakit yung kaibigan ko." nakangiting sagot niya sa akin.

Bakit ka laging nakangiti? Nasasaktan ako ngayon..

"Hindi ako magkakasakit Grey. Remember? Ako si Rain at matalik na kaibigan ko ang ulan." pagpapaalala at kumbinsi ko sa kaniya.

Pagkatapos ko sabihin yun ay lumakad ako paatras para maulanan.

"Mas komportable ako na nandito ako ngayon sa ulan, Grey. Atleast dito, hindi makikita yung totoo kong nararamdaman." nakangiting sabi ko sa kaniya.

"At higit sa lahat, masaya ako sa ulan!" sigaw ko at ngumiti.

Tumungin ako sa itaas at ipinikit ang mga mata.

Pinapakiramdaman ang bawat patak ng ulan na tumatama sa mata ko.

Pilit na itinatago ang totoo kong nararamdaman sa pamamagitan ng pagngiti.

Titingin na sana ako ulit kay Grey pero wala na siya sa harap ko.

Ngumiti na lang ako..

Kahit siya pala kaya akong tanggihan.. Pakiramdam ko tinanggihan niya ako sa ginawa niyang pag-iwan sa akin.

Pero ayos lang... Ganyan naman talaga ang mga magbestfriend eh. Parehas ng ugali. Kaya nga sila nagkakasundo.

Lumakad na ako ulit pero nakayuko pa rin.

Patuloy na tumutulo ang mga luha sa mata ko.

Kasabay ng ulan na ito ay ang pagkawala ng kalungkutang nadarama ko.

Yan ang nasa isipan ko at sana lang... Magkatotoo ito. Makalimutan ko itong kalungkutang ito at papasok ang bukas na parang walang nangyari.

Parang walang pakielam akong lumalakad sa kalsada. Di baleng may makabangga o malagpasan.

Tatawid na ako ng kalsada ng biglang may humila sa akin at umakap sa akin.

Napatingin ako sa taong umakap sa akin.

Si Grey..

Anong.. ginagawa... niya??? Bakit siya nandito? Bakit akap akap niya ako?

Hinawakan niya ako sa balikat ko at nilayo ako sa kaniya.

"Hindi ibig sabihin na binusted ka ni Tune ay magpapakamatay ka na! Muntik ka ng masagasaan ng truck!" galit na sigaw sa akin ni Grey.

Ibang Grey ang nasa harapan ko. Galit na galit siya.

Pero sabi niya muntik na raw ako masagasaan ng truck.

"Hindi yun sapat para magpakamatay ka!" sigaw niya ulit sa akin.

Tumingin ako sa paligid ko, buti na lang at walang masyadong tao.

Pero bakit ganyan siya?

"Hindi siya sapat na dahilan para,magpakamatay ka! Marami pang dahilan para mabuhay ka! Bakit ba ang bilis bilis mo sumuko?!" pagdidiin niya sa akin.

Hindi ko siya naiintindihan.

Parang nabibingi ako...

"Ano bang sinasabi mo Grey? Hindi ko alam kung ano yung mga pinagsasabi mo." sagot ko sa tanong niya gamit ang isang tanong.

"Sadyang hindi ko nakikita ang dinadaanan ko dahil... Nandidilim na... ang...." dagdag ko pero bigla akong natumba.

"Rain!! Rain!! Rain gising!!!" paulit ulit na sigaw ni Grey pero unti unti na ring nawawala ang pandinig ko.

Bakit ako nagkakaganito? Anong ginawa ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

The BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon