Part 4

46 2 0
                                    

Rain's POV

«Continuation of Flashback«

Pero tama siya...

Yun yung huling cover ko. Jaywalking.. Hirap na hirap kasi akong gawin yung solo ng lead. Inaabot ako ng ilang buwan bago ko magawa yung lead.

"So.. ikaw ba yung magiging bagong drummer?" pabirong tanong ni Yael sa akin.

"Kung tatanggapin niyo ako." seryosong sagot ko.

I am really determined na makapasok sa isang banda.

Kasi dati.. Walang gustong tumanggap sa akin dahil sabi nila hindi daw ako magaling. Kaya naman nag-aral ako tumugtog ng halos lahat ng instrumento para mapatunayan ko na pwede ako maging miyembro ng isang banda. Kaya lang hanggang ngayon wala pa rin. And hopefully, tanggapin nila ako.

"Yun ay kung papasa ka sa audition." hamon ni Lyon sa akin. Akala ko ba fanboy ko siya? Eh bakit parang ayaw niya sa akin?

Ngumiti naman ako sa kanila.

"Kakayanin yan." sagot ko.

"Then, lets start this!" sigaw ni Yael.

Napansin ko lang.. Tahimik sila Grey at Tune.. Ganyan ba talaga sila?

Inalalayan ako ni Tune papunta sa Drumset nila.

"May drumsticks ka??" tanong ni Tune sa akin.

Kinapa ko yung high socks ko at inilabas yung powder blue ko na drumsticks. Ipinakita ko yun kay Tune.

Aapak na sana ako sa pedal nung magsalita si Tune.

"Wait lang."

Umalis siya at may kinuha.

Nilagay niya yung kinuha niyang blanket sa legs ko.

"Hindi magandang nakapalda ka kapag magdadrums." sabi niya bago umupo sa tabi ni Grey.

Tumango na lang ako.

He cares for me... Sweet!!

Pero kahit sino namang lalaki na makakakita ng babaeng nakapalda at magdadrums siguro ay ganun din ang gagawin.

Nakataas na ang kamay ko para magstart nung itaas din ni Jin yung kamay niya.

Kaya napahinto ako sa gagawin ko.

Tumayo si Jin at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng damit niya.

"Mas maganda siguro kung sabay sabay kayo ni Grey at Tune." nakangiting sabi ni Jin sa akin.

"Good idea!!!" nakangising sabi naman ni Yael.

Tumayo naman agad sila Grey at Tune.

Tumayo sila sa gilid ko.

"Hi.." bati ni Grey sa akin. Tumango naman ako bilang response.

"Ano bang gusto niyong tugtugin?" tanong ko sa kanila.

"Alam mo kasi.. Gustong gusto ko yung version mo ng Thats what you get." sagot ni Grey habang nagkakamot sa cheeks niya.

"Okay!! Thats what you get. Pero pasensya na kung hindi magiging maayos pagkanta ko." Nakangiting sabi ko at tumango naman sila bilang sagot.

Pumunta na sila sa mga lugar nila.

Itinaas ko ang kamay ko at pinalo ang mga drumsticks.

At nagsimula na kami tumugtog at kumakanta.

~Thats what you get!! When you let your heart win... wooahh..
Now I cant trust myself with.
Antything but me
Thats what you get!~

Ang saya pala habang tumutugtog kasama sila.

Halatang nag-eenjoy sila Tune at Grey sa pagtugtog namin.

Sa totoo lang magaling si Tune maglead. Malinis.. Pero rock!! Hindi ko alam kung bakit nagri-rhythm siya.

Natapos na kami. Medyo nakakapagod pero masaya.

Tumayo kami at nagbow.

Lumapit agad sa akin si Grey at nagulat ako dahil inakap niya ako.

"Ang galing mo talaga Rain!!" sigaw niya.

Nanlalaki lang ang mata ko dahil nagulat ako sa ginawa niya.

"Oy tama na yan!! Nagseselos ako eh!" sigaw ni Yael.

Bumitaw naman si Grey sa pag-akap sa akin.

Dinilaan ni Grey si Yael.

Natawa naman kami sa inasta ni Grey. Ang cute niya... Parang bata.

"So..." pero naging serious ang lahat nang magsalita si Jin.

"Kailangan na nating bumoto kung karapat dapat ba na maging drummer ng banda natin si Rain." Sabi ni Jin.

Oo nga pala...

Bigla tuloy akong kinabahan. Hay naku... Ano nang mangyayari?? Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hindi pa ako nakapasok...

Hindi! Think positive Rain!! Makakapasok ka dahil ginawa mo ang best mo!

Nakahawak ako ng mahigpit sa drumsticks ko na halos mabali na ito.

Kinakabahan talaga ako...

Pumunta sila sa gitna at gumawa ng isang circle tsaka nag-usap usap.

Ano kaya??? Waah!! Eotteoke!!!

Nagkalas kalas na sila sa "group meeting" daw nila at lahat sila naka sad face.

OmO

Dont tell me... I... didnt... pass???

"So Rain," panimula ni Jin na mas lalong nakakapagpakaba sa akin.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa tensyon.

"Sorry..." malungkot na sabi ni Jin.

Natulala ako sa sinabi niya at halos maiyak na rin.

Hindi ako natanggap... Ano ng gagawin ko??? Tell me...

"Sorry kasi kailangan mo kaming makasama!!" sigaw ni Jin.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi sa akin ni Jin at dun na sila ngumiti sa akin.

"Welcome home Rain!! Welcome to OverLoad!!!" sabay sabay na sigaw nila.

Ito na yung pangarap ko... Ang makasama sa isang banda.

At may big bonus pa na si Tune!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Tumakbo ako papalapit sa kanila at isa isa silang niyakap. At huli dun si Tune.

"Salamat..." bulong ko sa kaniya.

Bumitaw na ako sa akap at humarap sa kanila.

Nakatulala yung dalawa sa gilid which is sila Tune at Grey.

"At dahil may bago tayong kapatid!! Lets take a groufie!!!" sigaw ni Yael.

Hinila ako ni Yael sa gitna at nagsilapitan naman sila.

"Welcome Rain!!" sigaw ni Yael at ngumiti.

Ngumiti rin ang lahat.

Pagkatapos nun ay nagpunta kami sa isang cafe para sa welcome party nila sa akin.

Sila Jin ang may-ari ng cafe na yun.

Pagkatapos ako matanggap sa banda ay naging sikat ako dahil sa mga haters at bashers.

Naging mahirap para sa akin yun dahil ichicheer ang mga kabanda mo pero ikaw, lalaitin ka.

Yung mga sinasabi nila na malandi raw ako, ang panget ko at ang hindi ko matanggap ay yung sinabihan nilang hindi ako karapatdapat na maging member ng banda dahil hindi ako marunong magdrums. Nasisira ko lang daw ang bawat kanta ng banda.

Pero nandiyan yung mga comembers ko na tinulungan ako. Lalo na sila Grey at Tune. Lagi ko silang kasama lalo na si Grey. Binabantayan nila ako...

Sila ang reason kung bakit nagstay ako at hindi na inintindi ang ibang tao.

The BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon