Part 5

41 2 0
                                    

Rain's POV

Araw araw akong tumatambay sa club room namin kasama si Tune at Grey.

Tinuturuan ako ni Tune kung paano ang tamang pagli-lead. Dahil sa kaniya nagiging maganda ang cover ko sa mga kanta.

Tinutulungan naman ako ni Grey kung paano yung malinis na pagbe-bass.

Naging masaya ang pagstay ko sa banda. Umabot pa ako ng 1 taon kasama sila. Dumaan ang anniversary ng banda at ang birthday ko.

Dun ako nagulat dahil akala ko ang meron lang ako ay mga bashers at haters. Pero may mga naniniwala rin pala sa akin, mga fans ko pero mas kinikilala ko bilang mga kaibigan ko.

Gumawa sila ng isang surprise party para sa akin. After ng party ay nag-after party pa kami sa bahay ko.

Pero ang special ng gabing iyon ay yung truth or dare.

Nakabilog kami sa table. Kami kami na lang ng kabanda ko, pinsan ko at bestfriend ko ang natira. Medyo nakainom na rin kami. Allowed naman dahil nasa legal age na rin kami.

"Ako na mag-iikot ha!" Sigaw ni Yael.

Ipinaikot naman niya yung bote.

Tumapat sa akin yung nguso ng bote.

"Truth or Dare?" tanong ni Yael sa akin

"Dare." matapang na sagot ko naman kay Yael.

"Isiduce mo si Tune at sabihin mo, 'Kiss me and dont you dare fall in love with me.' Dali!!" Dare ni Yael sa akin.

At dahil medyo wala na ako sa wisyo.

Lumapit ako agad kay Tune at hinawakan ang cheeks niya.

Ang soft ng cheeks niya... Namumula mula na rin ang cheeks niya at medyo mainit. Lasing na rin to.

Napatingin ako sa lips niya na nakatikom.

Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya at saka sinabi,

"Kiss me and dont you dare fall inlove with me."

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya pero para bulungan lang siya.

Nagulat ako sa sumunod na nangyari. Parang nagising ako mula sa isang napakagandang panaginip at namulat sa isang napakagandang realidad.

Hinila ako ni Tune papalapit sa kaniya, hinawakan ang pisngi ko, tinitigan ako ng diretso sa mata ko at.....

....hinalikan ako sa labi.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Parang wala na akong naririnig...

Ganito ba ang feeling kapag nahalikan mo yung taong gusto mo? Yung para bang kayo lang dalawa ang nag-eexist ngayon.

Tumagal yun ng ilang sigundo.

Pagkatapos nun ay lumayo na siya sa akin.

Nanatili akong nakatulala sa ginawa niya. Kahit ang mga kasama ko ay hindi makapaniwala sa nangyari.

"Im sorry.." paghingi niya ng tawad sa ginawa niya.

Tahimik na lang akong pumunta sa upuan ko ulit at nanahimik.

"Ahh... ehh... Isa pa guys!" naiilang na sigaw ni Yael para maiba ang usapan.

Simula nun parang hindi na ako lasing at gising na gising talaga!

Napapansin ko na tahimik lang si Tune at maging si Grey. Napansin ko yun dahil hindi naman ganun si Grey. Maingay na tao yan eh.

Inikot uli ni Yael yung bote at kay Grey naman ito natapat.

The BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon