Part 10

47 2 0
                                    

Tune's POV

Pagkabalik namin sa salas ay naupo kami agad sa sofa at hindi nag-usap.

I took a deep breath. Ito na... Kaming dalawa na lang ni Rain at hindi ko na naman alam ang gagawin ko.

Kumuha siya ng isang beer at binuksan yun.

"Sa tingin ko tama na yung pag-inom mo." pagpipigil ko sa kaniya.

Tumayo siya at tinitigan ako.

"Ano bang pakielam mo!?! Eh di ba hindi mo naman ako gusto! Ayaw mo sa akin!! Kaya bakit ka nangingielam?!!!" sagot niya sa akin.

Nasasaktan ako sa tuwing sasabihin niya yun. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman totoo yun. Higit pa sa gusto ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"Di ba nga dati, ginawa mo pa akong laruan mo? Ngayon na isinusurrender ko na ang sarili ko. Handa ako maging laruan mo, Tune! Pero hindi ko malaman kung bakit ayaw mo sa akin! Samantalang kanina halatang gustong gusto mo akong...." halikan. Hinalikan ko siya dahil hindi ko kayang marinig ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Ginawang laruan? Hindi ko siya ginawang laruan dahil minahal ko siya. Noong nasa subic kami ang alam ko kasi kami na. Sa tuwing maiiwan kaming dalawa dun ko ipinararamdam sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko.

Hinihintay ko lang ang tamang panahon para sabihin namin sa iba ang tungkol sa amin. Pero isang beses bago nagtapat ng totoong nararamdaman para sa akin si Rain, sinabi sa akin ni Grey na may gusto siya kay Rain at hindi niya kayang mawala si Rain sa kaniya. Kaya napagdesisyunan ko na tapusin na ang namamagitan sa amin ni Rain. Isinumpa ko ang sarili ko ng dahil sa ginawa ko. Mahal na mahal ko si Rain pero kung kailangan kong magpaubaya gagawin ko. Lalo na at alam kong hindi rin magiging masaya sa akin si Rain. Hindi siya kailanman magiging masaya kung ako ang makakasama.

Pagkatapos nung araw na yun, hindi ko na siya nakita. Nasa London na raw siya. Hindi yun alam ni Grey o ninuman. Naging maayos ang lahat. Pero sabi nila nag-iba raw ako. Totoo yun dahil sinisi ko ang sarili ko dahil umalis si Rain sa banda ng dahil sa ginawa ko. Lumayo siya sa mga taong mahal niya ng dahil sa akin.

"Halikan..." sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mata ko at hawak hawak ko ang malalambot niyang pisngi.

"Im sorry Rain... Hindi ko dapat ginawa yun." paghingi ko ng tawad sa ginawa ko kasabay nun ay inalis ko ang mga kamay ko sa pisngi niya.

"Sabihin mo na kasi sa akin na mahal mo ako Tune.. Yun ang nararamdaman ko." umiiyak na sabi ni Rain.

Tahan na mahal ko.. Hindi kayang nakikita ng ganyan ng dahil sa akin.

Pero kung ang saktan ka lang ang tanging paraan para mawala na ang nararamdaman mo para sa akin at kalimutan mo na ako ng tuluyan. Para hindi ka na mas lalong masaktan pa. Gagawin ko yun. Para sayo... dahil mahal kita.

Ngumisi ako.

"Tch.. Ganyan ka na ba ka-assuming? Wala akong nararamdaman para sayo. Kahit kailan hindi ako nakaramdam ng pagmamahal para sayo." nakangising sagot ko sa sinabi niya.

Nakita ko ang mga mata niyang umiiyak dahil sa mga sinabi ko. Gusto kong punasan ang luha sa pisngi niya at sabihing taha na, mahal na mahal kita Rain. Pero hindi pwed dahil malalaman niya ang tunay na nararamdaman ko at higit sa lahat masisira ang plano ko.

Masakit para sa akin na gawin ito. Kung walang taong masasaktan ng dahil sa akin itutuloy ko ito. Alam kong nasasaktan ko siya sa ginagawa ko pero ito na lang ang paraang alam kong hindi ganun kasakit. Kamumuhian niya ako, pupunta siya kay Grey at tutulungan niya ang sarili niyang mahalin si Grey, ang taong mas babagay sa kaniya. Dahil kahit anong gawin ko hindi ako karapat dapat para sa pagmamahal ni Rain. Lalo na' t alam kong matinding sakit lang ang maiibigay ko sa kaniya.

The BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon