Part 7

45 1 0
                                    

Hindi ko yun ikinukwento sa iba. Kahit kay Belle o kay Grey.

Pero pagkatapos nun ay napaisip ako. Baka ayaw niya na ako makasama sa banda kaya niya ako iniiwasan.

Pero ang pinakamasakit ata ay yung araw bago ako umalis sa banda.

Nung araw na yun... Nakausap ko siya. Sa rooftop..

Gusto ko na kasi malaman kung ano ba yung totoo? Dahil kada maiiwan kaming dalawa o lasing siya, hinahalikan niya ako. Gusto kong malaman kung mahal niya ako.

Yun kasi ang pinapangarap ko.

Gagawin ko na to... Dito sa rooftop. Tatanungin ko na siya.

"Tune.." banggit ko sa pangalan niya habang itinutulak siya palayo sa akin.

"Bakit?" tanong niya sa akin at pinupunasan ang lip stain sa labi niyang kanina lang ay nakadampi sa mga labi ko.

"Anong real score sa atin?" tanong ko sa kaniya.

Napatawa naman siya sa tanong ko pero sa ibang direction nakatingin.

"Anong real score pinagsasabi mo Rain? At anong atin?" natatawang tanong niya bilang sagot sa tanong ko at susubukan na naman sana akong halikan.

Lumayo na ako at inalis ang mga malalambot niyang kamay na nakahawak sa pisngi ko.

"Yung sa atin? Ano ba ang meron tayo ngayon?" tanong ko sa kaniya.

Napakamot naman siya ng ulo at humarap na sa ibang direksyon.

"Anong pinagsasabi mong tayo? Ano ka ba naman Rain?! Walang tayo!! Walang tungkol sa atin!" natatawang sagot ni Tune.

Natulala ako.. Hindi malaman kung anong sasabihin. Gusto kong tumakbo at umiyak pero ngayon pa lang, gusto ng kumawala ng mga luha sa mata ko.

Pero kailangan kong magpakatatag.

"Pero ano tong ginagawa natin? Para saan yung pag-kikiss natin? Para saan yung mga nangyari?" naguguluhang tanong ko.

"Para sa akin at para sayo ito. Para sa ikasasaya ko at para sa ikasasaya mo." sagot niya sa akin pero hindi pa rin humaharap sa akin.

"Gusto ko lang naman ng pwede kong halikan anumang oras ang gustuhin ko. Namimiss ko na kasi eh. Gusto ko lang ng kalaro." dagdag niya pa.

Kalaro?? Kahalikan anumang oras??

Yun ba ang tingin niya sa akin?

"Siyempre para sayo!! Alam ko naman kung gaano mo ako kagusto eh! Kaya patas lang tayo! Hahaha!!" sigaw niya at tumawa na parang kontrabida.

Puro luha na ang mga mata ko.

Ganun lang pala yun. Akala ko...

Akala ko lang pala yun.

Tumakbo na ako pababa at dumiretso sa cr ng babae.

Naghilamos ako at pinakalma ang sarili ko.

Gusto ko siyang saktan!! Gusto kong sampalin siya!!

Pero hindi ko kaya... dahil mahal na mahal ko siya.

Pero para makalimutan ko itong ginawa niya sa akin.

Aalis na ako sa banda.. Para kahit papaano makalimutan ko yung ginawa niya. Dahil alam ko.. Hindi naman siya yung kanina na kaharap ko.

Nang mahimasmasan na ako ay lumabas na ako at dumiretso sa club room namin.

Sinilip ko muna kung kompleto na yung mga kamember ko. Nandun naman sila at pati si manager Henry at adviser namin na si Mr.Lee ay nasa loob.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

The BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon