Part 13

22 2 0
                                    

Rain's POV

Nagtagal na kami ni Grey ng 3 months at sa loob ng months na yun, natutunan kong mahalin si Grey.

At ngayong summer na!! Pumunta kami sa beach para magcelebrate ng birthday ko!

Papunta na kami ulit ng beach house ni Jin.

Kasama namin si Tune na tila strangers ang turingan namin.

Nakarating na kami sa beach house ni Jin at kaniya kaniya na kami ayos ng gamit.

Napansin ko lang na this past few weeks ay nagiging cold si Grey sa akin.

"Bes.. Ayos lang ba kayo ni Grey?" tanong ni Belle sa akin dahil kaming tatlo nila Hay ang magkasama sa kwarto.

"Sa pagkakaalam ko ayos naman." sagot ko sa tanong niya habang busy sa pag-aayos ng gamit.

"Sabi mo ha." sabi naman ni Hay.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanila.

Pagkababa namin ay naghanda na kami. Kaming mga babae ang naghahanda ng pagkain dahil busy si Grey sa kausap niya sa phone. Pinapanood ko nga siya habang kausap yung kausap niya sa phone. Mukhang masaya siya sa pakikipagusap. Parang yung ngiti niya nung sinagot ko siya. Wagas eh.

Pero bakit nakakaduda? Kasi isang beses hiniram ko yung phone niya pero bawal daw. Kaya nagduda ako.

Dumating yung gabi at biglang may dumating na kotse. Kaya lumabas kami para tignan kung sino yun.

"Some!!" sigaw ni Grey at lumapit dun sa babae.

Napakunot naman ang noo namin dahil hindi namin siya kilala.

"Guys!! Si Some, kaibigan ko. If you dont mind ininvite ko siya dito." pagpapakilala ni Grey kay Some. Ang ganda niya at blonde ang kulay ng buhok niya.

Mukhang hindi sila magkaibigan.

"Some sila Tune, Jin, Belle, Hay, Rain, Lyon, Yael at Web." pagpapakilala niya sa amin.

Wait!! Hindi niya sinabi na girlfriend niya ako?

"Tour mo naman ako sa beach na to Grey!" malanding sabi ni Some at nagcling sa braso ni Grey. Okay... Hindi sila mukhang friends LANG! At hindi niya ako pinakilala as girlfriend niya!

Umalis na sila at naiwan kami dito na nakatayo lang.

What the fcvk!!?

"Uy bes! Wala ba talaga kayong problem ni Grey?" nag-aalalang tanong ulit ni Belle sa akin.

"Sa pagkakatanda ko naman wala eh. Ayos naman kaming dalawa." sagot ko sa tanong niya na medyo natatakot na.

"Hindi sa pag-aano Rain. Pero parang hindi sila magkaibigan." sabi ni Hay habang nakaturo sa kung saan.

Tinignan ko yung tinuturo niya.

Si Grey.... at yung... Some.

Naghahalikan sila. At mukhang passionate kiss yun.

Hindi ko alam pero biglang may tumulong luha sa mata ko at nanlalambot na ako.

Naramdaman ko na lang ang paghawak sa akin nila Hay at Belle.

"Bes anong ginawa ko? May pagkukulang ba ako?" tanong ko kay Belle habang pilit na pinipigilan ang luha ko.

"Shh... Wala kang pagkukulang Rain! Taha na bes... Hindi kita kayang makitang umiiyak ng ganyan." pagpapatahan ni Belle sa akin.

Inalalayan nila ako para tumayo at pumasok kami sa loob.

"Bes.. Hindi yun totoo di ba? Baka inakit lang siya nung Some. Tama ako bes di ba?" tanong ko kay Belle para pakalmahin ang sarili ko.

"Hush Rain.. Birthday mo ngayon. Maybe totoo yun. So dont cry na." pagpapakalma ni Belle.

Pero bakit parang feeling ko iba ang nararamdaman ko.

Tumayo na akoako at inayos ang sarili ko. Paniniwalaan ko yung trust ko kay Grey.

Tama... Trust lang Rain!!

Pumunta na kami ulit sa kusina para ituloy yung ginagawa namin. Natapos na kami kaya inihanda na namin ito. Nakita kong dumating sila nung Some at ang sweet nila.

Ano ba tong ginagawa ni Grey? Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginagawang masama ah! Baka pinagseselos niya lang ako.. Aaminin ko, nagseselos ako. Mahal ko na siya eh.

"Bes.. Timpi konti.." bulong ni Belle sa akin.

Okay... Cool down Rain..

Kumain na kami at ni hindi man lang ako gawang tignan nung dalawa! Kainis!! Kinamumuhian niya ba ako? Kung oo.. Sana naman sabihin niya kung ano yung problema para magawan namin ng paraan hindi yung ganito. Nakakasakit siya ng damdamin eh. Kainis.

"Psst.. Di si Grey at Some yang adobong manok." bulong ni Yael sa akin na halata namang nang-aasar lang.

"Shut up Yael." I said with my grinded teeth.

"Hayaan mo bes.. Mamaya kakausapin natin yan sila." bulong ni Belle sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero napatingin ako kay Tune at nakatingin siya sa akin. Concern yung nasa mata niya ngayon. Naaawa siya sa akin?

Natapos na kami sa pagkain kaya nagpahinga muna kami at wala na naman sila Grey at Some.

Ano ba nangyayari?!

"Baka bes may inihahandang surprise lang si Grey para sayo." pagiging positive na naman ni Belle.

Pero baka nga. Pero kung naghahanda siya ng ganun ay bakit kailangan ng kiss? Yung kiss kanina? Part of plan ba yun?

So ito kami ngayon, nakaharap sa bonfire at nag-iinuman. At magkatabi na naman sila. Masayang masaya pa ah!!

"Guys! Nga pala!" sigaw ni Some kaya napatingin kami sa kaniya.

"Guys? Tch.. Close?" rinig kong bulong ni Hay.

"Uy wag kang ganyan!" saway ko kay Hay. Baka marinig siya.

"Mali yung pagpapakilala sa akin ni Grey sa inyo." nakangiting sabi ni Some at halatang gulat naman si Grey at pinipigilan siya.

"Ano ba Grey! Stop it! I will tell them the truth about us and why am I here!" sigaw naman ni Some.

Parang kinakabahan ako sa sasabihin niya.

Tumayo siya pero pilit siyang pinapaupo ni Grey.

"I heard na may girlfriend daw dito si Grey. Who is that?" tanong niya na may mataray na boses.

Bakit parang natatakot na ako?

"Sino sa inyong tatlo si Rain?" tanong ulit ni Some.

Nagtaas na ako ng kamay ko pero bigla niya akong hinila at sinabunutan.

"You b!tch!! You stole my boyfriend!! How dare you!!?" sigaw niya.

What?!

"Aww!!" sigaw ko dahil sa sakit.

"Hoy Some!! Bitawan mo si Rain!!!" sigaw ni Belle kay Some.

Aray ko!!! Gusto ko ng umiyak.

"This b!tch stole my boyfriend!!! She's a slut!!" sigaw naman ni Some kay Belle.

"Sasabunutan rin kita babaeng ka!! Bitawan mo pinsan ko!!!" sigaw ni Hay sa kaniya.

"Uy tama na yan!!" pag-aawat ni Yael kay Some.

Shet!!! Masakit na talaga!!! Sobrang sakit!!!

Hindi ko kayang magsalita at lumaban dahil sobrang sakit ng pagkakasabunot ni Some sa akin.

"Ano ba!! Bibitawan mo ba yung buhok ng pinsan ko o hindi!?" nanggigil na sigaw ni Hay.

The BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon