Part 3

63 4 0
                                    

Rain's POV

Bakit ka nandito?

Mas lalo akong nahihirapan... Hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo.. Kung anong gagawin ko sa sarili ko.

Bakit ba ako nasasaktan ng dahil sayo?

Natatandaan ko nung una kitang nakilala.

«flashback«

First day of first year high school.

Wala akong kakilala at higit sa lahat, naliligaw pa ako!!

Waaahhh!! Eotteoke?? Medyo babo pa naman ako sa directions.

Light Music Club???

Asan ka na???

Bakit kasi ang aga ko masyadong pumasok?!!

*Lakad* *Lingon* *Lakad* *Repeat*

Aakyat ng hagdan. Baka kasi nasa taas.

"Rain!!" sigaw ni Belle. Kilalang kilala ko ang boses niyan. Tinis pa lang sa boses eh.

Lilingon na sana ako kaso....

"AHHH!!!" sigaw ko dahil nagkamali ako sa pag-apak at mahuhulog ako sa hagdan.

Napapikit na lang ako dahil wala na akong magagawa.

Hinintay ko na gumulong, magkanda-bali bali ang katawan ko, at bumulagta sa sahig.

Pero hindi nangyari yun.

Teka... Parang nasa ere ako at....

Dinilat ko ang mga mata ko.

Nakita ko si...

Si....

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni...

"Tune..." pabulong na sabi ko.

Ang lalaking hindi man ganun kafamous ay masasabi kong isang hearthrob. Kasama siya sa bandang LoadUp. Famous ang banda nila sa buong city kahit lahat sila ay mga first years pa lang na tulad ko. Siya ang rhythmic guitarist at rapper ng banda nila. Hindi siya napapansin pero ako... Ako, siya agad ang nakita ko.

May gusto ako sayo Tune...

Sobrang gustong gusto kita. Ikaw lang kasi sa banda niyo ang nakapansin sa akin.

Nagtataka siyang tumingin sa akin dahil sa sagot ko kanina.

"I mean, ayos lang ako." pabulong at pautal utal na sagot ko sa kaniya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Pero bago pa makapagsalita si Tune ulit ay sumigaw na ang magaling kong bestfriend.

"Ano ba Rain?! Nakita ko na ang Tennis Club! Wag mo na hanapin yung Light Music Club!" sigaw ni Belle.

Tinignan ako ni Tune sa mata ulit.

"Sasali ka ng Light Music Club?" mahinahong tanong niya sa akin.

"Oo sana..." pabulong na sagot ko sabay ngiti.

"Ganun pala.." nakangiting sabi niya.

Pero nagulat ako sa sumunod na ginawa niya.

Binuhat niya ako ng bridal style.

"Te-teka!! Ibaba mo ako!" mautal utal na sabi ko sa kaniya.

Pero nginisihan niya lang ako.

"Hindi na muna. Paniguradong masakit yang paa mo." nakangising sagot niya sa akin.

Masakit??

Ginalaw ko ng kaunti yung paa ko.

The BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon