Love? Ano nga ba ang love? Well for me, there's no perfect definition in love. Magugulat ka na lang isang araw, umiibig ka na pala. Nararamdaman lang natin 'yan. It's either we fell in love with the right person, or for the wrong person. Ang love, walang pinipiling tao, edad, kasarian o kung ano pa man. Love, parte na 'yan ng ating pagkatao. There's no such thing that we called "heartless," kase kung meron man, edi sana patay na siya. Love, and'yan yung saya, lungkot, galit, selos, kung ano pang nararamdamn at syempre sakit.
#DwielaLabtym
--*
"Patay late na ko!" napabangon ako sa kama ng 'di oras at patakbong pumunta sa banyo. Kahit kailan talaga hindi ako magigising pag walang alarm clock!
*
Ng matapos na ako ay pumunta ako sa desk ko kung saan nakalagay ang alarm clock ko at hinawakan.
"Pasensiya ka na ah? Dahil sa akin nasisira ka. Pano kase 'tong kamay ko lagi kang nadadaganan. Bakit ba kase ang taba ko?!" pagdra-drama ko.
"Shiela! Bumaba ka na rito at kumain!" sigaw ni Nay Inang kaya agad kong binitawan ang alam clock at tumakbo papuntang walking closet ko. Agad kong kinuha ang uniform kong large ang size.
I'm Shiela, fat but pretty. I'm not poor because I'm rich. I meant what I said because all of them are the truths. So don't get offended.
"Shiela! Halika na't mala-late ka nanaman!" sigaw ule ni Nay Inang.
"Oho! Pababa na ho!" sigaw ko din pabalik habang inaayos ang palda ko na 40 ang waist line.
Pagbaba ko, nakita ko na si Kuya Manong ready kunin ang bag ko. Ibinagay ko din naman ito agad sa kanya at pumunta sa kusina.
"Goodmorning Nay Inang!" sabi ko papalapit sa kanya at niyakap siya. Ngumiti naman si Nay.
"Morning. Osiya, umalis ka na. Late ka na!" nag pout ako kahit alam kong 'di bagay.
"Kain muna ako. Gutom na ko e."
"Matutu kang mag diet!" napanganga ako sa sinabi ni Nay. How dare she!
"Nay alam mo namang hindi ko kaya 'yun. I love foods!" nirolled ni Nay ang mata niya na parang teenager.
"Huy! Maawa ka sa pagkain!" pinitik ni Nay ang noo ko kaya agad na kumunot ang noo ko.
"Young madame, nakahanda na ho ang kotse paalis. Kailangan niyo na ho umalis. Late na kayo," sabi ni Kuya Manong kaya pumunta ako sa dining table at kumuha ng hotdog.
"Hoy Shiela!" sigaw ni Nay. Ngumiti ako at patakbong umalis.
"Isa lang!" sigaw ko pabalik at pumasok sa kotse.
"You really can't resist food do you?" hindi ko sinagot ang asungot na driver na 'to at sinalpak ang headset at nagpatugtog na lang.
*