A/N: May parte po dyan at character na kapareha---actually sila nga---sa TTLS ni Pilosopotasya. Hehe sensya na! Wala na akong maisip na character so na isip ko na pwede naman siguro ako manghiram? Huwag po kayo magalit sa akin! :( haha. Anyway, parte ito ng aking imahinasyon. At hindi ko po ginagaya ang TTLS, well yung iba ginaya ko pero super onti lang kase short story lang 'to. Sana maunawa niyo.
--*
Hurt is the twin of love. Without it, you don't know how to love, and how to fight. It makes us weaker at first, but at the same time, stronger.
#Mystery/FantasyOfQanze
--*
Nagdurugo ang aking puso ng makita ang post niya. Masakit. Tangna ang sakit lang! Pano ba 'to titigil? Tae kala ko ba masaya magmahal! Bakit sa sitwasyon ko ang sakit?! Puno ng pait at pagdurusa! May ginawa ba akong mali?! Pagkakaalam ko wala naman. Pero bakit ganon? Bakit?
Agad agad akong nag logout. Ayoko ng makita pang muli ang litratong iyon.
Seeing you in this picture with someone else makes my heart shattered at the same time it makes me realized that I need to move on. But how can I move on when I'm still in love with you?
Napatitig ako sa bintana. Umuulan. Para bang sinasabayan ako sa pag-iyak. Bigla namang nagpatutog ang kapit-bahay ng The Man Who Can't Move On. At dahil don, lalo akong nakaramdam ng lungkot at sakit. Tae naman oh! Nananadya ba ang tadhana? Summer na summer umuulan!
Isang taon na ng makalipas ang lahat.
Isang taon na sakit ang aking naramdaman.
Isang taon na hindi kami muling nagkita.
Sandra.
Mariin akong napapikit. Naalala ko na naman siya. Bakit ba ang hilig niyang tumambay sa isip ko? Nakatira na nga siya sa puso ko pero tumatambay pa din siya sa aking isipan? Talaga bang hindi siya nakukuntento?
Tumayo ako at naglakad patungo sa kitchen ko. Kinuha ko ang isang pitcher at uminom gamit ang baso. Ng makuntento na ay ibinalik ko rin ito sa fridge at ibabalik ko na din sana ang baso ng magulat ako sa aking nakita.
Isang babaeng mahaba ang buhok. Nakatayo sa harap ko. Umiiyak. Humihingi ng tulong. Parang kilala ko siya,
Sandra.
Tama siya nga. Hindi muna ako nagsalita dahil sobrang nagulat ako. Pilit kong ina-absorb sa utak ko ang babaeng nasa harapan ko.
At talaga ngang napakagaling makipaglaro ng tadhana.
Lumapit na ako para sana hawakan siya ngunit bigla itong lumusot sa katawan niya. Nagtaka ako.
M-multo na ba siya?
"Qanze, bakit? Bakit mo ko iniwan?" umiiyak na tugon ni Sandra sa aking harapan. Hindi ko ma-gets kung bakit hindi ko siya mahawakan, kung bakit parang hindi niya ako nakikita, at kung bakit siya nandito, umiiyak at tinatanong ako kung 'bakit,'
"Sabi mo, walang iwanan. Sabi mo, forever tayo. Sabi mo, mahal na mahal mo ko at ako yung mundo mo. Pero bakit mo ko iniwan? Pinaasa mo lang ba ako? Kung mahal mo ko, bakit mo ako hinayaang masaktan ng ganito?" iyak siya ng iyak sa harap ko. Hindi ko din alam kung bakit hindi ako makapagsalita at ang tanging nagawa ko lang ay umiyak lang din kasabay niya.
