Paano pag ang asaran ay nauwe sa pagmamahalan? Kinatyawan ng isa, kinatyawan na ng lahat.
#KiyapoLababo
--*
"Hoy pandak!" rinig kong tawag sa akin ni Mr. Kapre.
"Hoy kapre! Kung maka-pandak ka kala mo naman gwapo! Hindi naman." totoo naman sinabi ko. Napaka talaga netong taong 'to. Kung makatawag ng pandak! Tss.
"Aysus. Kung alam ko lang may lihim na pagtingin ka sa akin e. Aminin~" pangaasar pa rin niya. Lahat na nakatingin na sa amin. Pano kase, magkatabi na nga kami nagsisigawan pa. Inis kase 'tong lalakeng 'to!
"Feeler mo!"
"Feeler? 'Di ba 'yun yung feeler na pambalat?" pangbibiro niya na ang corny.
"Corny."
"Ganon naman pagnagmamahal 'di ba? Nagiging corny." taas-baba'ng kilay na sabi niya. Inirapan ko siya.
"Umayos ka nga,"
"Matagal na akong maayos simula ng makilala kita. Inayos mo ang isang tulad ko." he grin and everyone around us shout. Napatakip ako ng tenga. Ang lakas!
"Kyaaa~! Kiya ikaw ah!"
"Nice one 'pre! Imba ka na talaga!"
"Nako iba talaga ang hashtag kiyapo love team!"
"Ayiee! Pio gravity ka na!"
Rinig kong katyaw nila sa amin. Isa na din doon ang anakis ko. Tsk tsk tsk. Kiyapo Labtym? 'Nong klaseng love team naman 'yon? Parang lugar lang e.
Dati na siyang playboy. Simula elementary pa lang, kaklase ko na si Pio. And since that day that I met him, instant playboy na agad siya sa aming paaralan. Biruin mo? Elementary playboy agad? Sinong maniniwala no'n? 'Yan din ang unang pumasok sa aking isipan ng makilala ko siya. Hindi kami masyadong nagpapansinan, hanggang sa second year highschool kami. Nagulat na lang ako, third year highschool ako ng makita ko ang aking sariling nakikipagsabatan sa kanya. Asar na asar ako, kase ako ang biktima niya noon. Biktima sa gagawing girlfriend material. Buti na lang at ng time na 'yon nabugok ko ulo niya (not literally) at nagising sa katotohanan na hindi ako katulad ng ibang babaeng nabibihag niya. He stop but stayed by my side kase nga seatmates kami. Naging magkaibigan kami at ng katyawan kami ng kaibigan ko, nagsimula na siyang maging sweet. Nakakainis kase ayoko ng ganito---falling into your building that you made could cause your own death. It's true right? Pinaghirapan mong buuin 'yon, at habang binubuo mo 'yon pwede kang mamatay. Ayoko ng nasasaktan ako, although hindi natin ito maiiwasan pero pinipilit ko.
Nagdasal na ako na sana dumating na ang teacher namin. Ayaw pa rin kase nilang tumigil. Parang sila ang sinabihan ng ganon kung makatili at sigaw, daig pa ko. At nagpasalamat ako ng dumating na ang guro namin! Sa wakas!
Akala ko nakaligtas ako sa panga-asar, pero mali ako. Kase hindi pa rin tumitigil si Pio kakapakilig sa akin. Oo na, inaamin kong kinikilig ako sa mga sinasabi niya. Gusto ko din siya pero hindi pwede. Hindi pa kase ako handa sa mga relasyon.
"Psst, Kiya. May sasabihin ako." saad niya. Tahimik ng mga sandaling iyon, pati ang guro naming nagsusulat ay napatigil. Nga pala, alam ng mga teachers sa amin na number one labtym daw kami. Last year pa simula noong ipagsama kami bilang labtym. Unang nagpauso no'n ay ang aking anakis na si Tris. Sumunod ay ang best friend ko, si Bunchy. Ewan ko ba kung bakit nila kami napagtripan. I mean, anong meron sa amin? 'Di ba? Isa pa, mahal pa ni Pio ex niya.
