Warning: Hugot alert!
--*
Comparing things make us know what we need more than.
But comparing people is like treating them like a thing.
#Hugot101
--*
Iyak. Punas. Ayos damit. Suklay. Hinga malalim. Alis.
Ganito ako palagi tuwing gabi. Pag hindi ko na kaya, pupunta lang ako sa paborito kong pala-iyakan. Dito, nilalabas ko lahat ng hinanakit ko. Lahat lahat.
Pano ba maging perfect? Kinakain ba yon? Sinasabi? Pero bakit kahit sabihin ko, wala pa rin? Nakakasawang ma-compare. Nakakasawang maging talunan. Nakakasawang magpakitang tao.
"San ka galing?" bungad sa akin ng Lola ko.
"Sa terrace lang ho, La." I try to give her a fake smile pero hindi ko nagawa. Masyado akong umiyak na halos wala na akong enerhiya upang bigyan siya ng kahit peke lang man na ngiti.
"Anong oras na pero tumatambay ka pa rin! Ganyan ba ang mga kaibigan mo?!" uminit ulo ko sa sinabi ng Lola ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko sumigaw kay Lola.
"Sorry po." paguumanhin ko kay Lola. Huminga naman ito ng malalim na tila ba stress na stress sa akin.
"Sige na. Matulog ka na at maaga pa pasok mo bukas." sinunod ko naman ang sinabi ng Lola ko.
-
Pag pasok ko pa lang sa paaralan ay para na akong pinagbaksakan ng malaking metalyo sa itsura ko.
"Ang lapit lapit ng bahay pero muntik ng ma-late? Kakaiba ka talaga." bungad sa akin ng gwardya. Tinignan ko siya at ang orasan. Isang minuto na lang at malalate na ako. Lagi naman e.
Deretsyo lang ako at hindi ko na siya pinansin. Nakakapikon kase siya minsan kapag pinansin mo pa. Ikaw lang ang maiinis.
"Oh, anong itsura 'yan?" tanong ng kaibigan kong si Strawberry. Ngumiti na lang ako sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
"Huwag ka ngang ngumiti! Kadiri! 'Di bagay sa itsura mo." mahal talaga ako ng kaibigan kong 'to.
"Thank you ha? Thank you sa description mo sa akin. Ramdam ko pagmamahal mo." sarkastiko kong sabi.
"No problem Ella! Alam mo naman palang mahal kita e."
Hindi kami "Best friend," nitong si Ber. Pero malapit na sa ganon. Close friends kami kung baga.
"Chocolate, Nutella T." tawag sa akin ng adviser namin.
"Present!" sigaw ko pabalik.
"Apollo, Strawberry P."
"Wala po siya dito Ma'am!" sigaw ng katabi ko. Which is si Ber. Tumawa naman ang iba ngunit hindi ito pinansin ng guro namin.
"Okay. Strawberry Apollo is absent today."
"P-po?! Ma'am! Nagj-joke lang po ako!" nataranta naman si Ber kaya natawa ako. 'Yan kase, binibiro mo pa si Ma'am ah!
"No jokes to me." masungit na sabi ni Ma'am. Natatawa na talaga ako sa hitsura ni Ber ngayon! Hahaha!
"No! Ma'am please no! Bakit po ba ang kj niyo ever." sumimangot siya. Lalo namang kumunot ang noo ni Ma'am. Oh no! War na itu!
"Anong sabi mo?!" napa-gulp naman ang katabi ko.
