A/N: Hindi po ako fan ng 1D but I like their song. Dapat nga EXO kaso wala akong masyadong alam na kanta kase hindi din ako fan ng EXO :D
--*
Minsan ang unfair ng puso natin ano? Kanina lang ang saya mo. Tapos ngayon malungkot ka. Parang pinaglalaruan ka? Minsan nga magkakagusto ka na lang sa isang tao, 'yun pang alam mong impossibleng makuha.
Kunwari na lang, ang iniidolo mo. Super fan ka pero alam mo yung feeling na hanggang dun na lang? Na parang bituin siya ang hirap kunin? Na kahit na kita ka niya, tuwang-tuwa ka na? Na pag nalaman mong may girlfriend siya parang masasaktan ka? Na sana ako na lang. Kung nakilala niya ako.
'Yun ang problema: hindi ka niya kilala. Ang alam lang niya ay isa kang dakilang fan niya. Masakit 'yun alam mo 'yon? #fanzoned
Tuwing may concert siya lagi kang pumupunta. Kahit hindi ka na kumain sa school maka-ipon lang pang-concert niya. Minsan nga pinapagalitan ka na ng magulang mo dahil sa pinagg-gawa mo. Ang laki ng sakripisyo mo para makita siya. Pero ano? Hindi ka pa rin niya kilala. Makikita mo na lang siya sa stage nagsasalita at ikaw? Mapapaluha ka na lang. Sa katotohanan na hindi ka niya kilala? Hindi. Mapapaluha ka sa tuwa na kahit hindi ka niya kilala, makita mo lang siya, masaya ka na.
#FanGirlAttack
--*
I figured it out,
I figured it out from black and white
Seconds and hours,
Maybe they had to take some timeI know how it goes,
I know how it goes from wrong and right
Silence and sound
Did they ever hold each other tight
Like us?
Did they ever fight
Like us?
