Reject

19 1 0
                                        

A/N: Mini Series lang po ito. Kaya kung mabibitin ko man kayo, sorry wala na akong maisip haha. Pagpasensyahan ;)

--*

Na try niyo na bang magka-crush? Naranasan niyo na bang ma in love? Kung oo, naransan niyo na siguro ang masaktan. E ang pagreject sa 'yo ng isang tao? Naranasan niyo na?

Ano sa pakiramdam ang ma-reject ng isang tao? Masakit hindi ba?

Paano mo masasabi sa isang tao na mahal mo siya? O 'di kaya, gusto mo siya? Na crush mo siya? Paano mo sasabihin?

Ang hirap sa atin, pinapairal agad ang negative thoughts. Paano mo masasabi sa isang tao ang nararamdaman mo kung ang sarili mo kulang sa self confidence?

#NoNameLabtym01

--*

Beep!

Agad kong kinuha ang cellphone ko upang tignan kung sino ang nag chat.

AqH0e s! bHozxC like your profile picture.

[Translation: Ako si Bhoxzc]

Grr. Kala ko pa naman siya. I sighed in frustration.

Teka nga, bakit ko ba inaantay text niya?

Kase may gusto ka na sa kanya.

My inner voice told me. Inaamin ko, may gusto nga ako sa kanya. Inilapag ko ang cellphone ko sa desk ko at pumunta sa bintana. I opened my window, I need fresh air. As I closed my eyes the cold breeze touches my cheeks.

Should I stop this? Dapat bang umiwas na ako sa kanya? Buong buhay ko hindi ko pa alam kung anong pakiramdam ng ma-in love. Ngayong alam ko na, ang hirap pala. Lalo na kung hindi ka sigurado kung mahal ka din ba ng mahal mo. Nakakatanga ang pag-ibig, alam mo 'yon? Gusto kong aminin kaso natatakot ako. Pagtawanan? Hindi. Natatakot akong baka hindi rin niya ako mahal ng tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Beep!

Bigla akong nataranta at patakbong pumunta sa desk ko.

"Ah shoot!" bulong ko sa sakit. Sa sobrang pagmamadali ko nadapa ako at yung hinliliit ko sa paa, ayun namumula kase natama sa desk ko! Arg! I hate that feeling!

Umupo ako sa edge ng kama ko habang hawak ko ang paa ko. Grr!

Ng makarecover ako ay kinuha ko na ang cellphone ko upang tignan kung sino ang nag chat. At ganon na lang katuwa ang puso ko ng makita ko ang pangalan niya sa screen.

Lalakeng Pogi messaged you.

Agad kong tinignan kung ano ang sinabi niya,

LP: Psst may tanong ako. Seryoso ako.

Nag reply agad ako,

MM: Ano 'yon?
LP: Gwapo ba ako?

Natawa ako. Yung totoo? HAHAHA!

MM: HAHAHA! SERYOSO KA?!
LP: Tss. Oo naman!

"Pfft-HAHAHAHA!" hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at natawa ako. Ang yabang talaga nito kahit kailan. Pero uyy 'wag ka! Kahit na ganyan, mahal ko 'yan. ❤

MM: Oo na. Pogi ka na.
LP: Ayun oh! Hahaha inamin mo na din.
MM: Hoy napalitan lang ako!
LP: Aysus!

I sighed. Hindi ko na kaya, gusto ko ng sabihin. I type frustratedly at my cellphone.

MM: May sasabihin ako.

✔Seen 10:51pm

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sure na ba ako dito? Handa na ba ako sa kung anong sakaling magiging sagot niya?

Hindi 'yan ang tanong. Ang tanong: Handa ba akong masaktan?

LP: Ano 'yon?

Sasabihin ko na ba? Pinagpapawisan ako ng malamig.

MM: Kase...
LP: Kase?

*

"Mahal kita," nagising ako sa aking napanaginipan. Panaginip lang pala.

Short Stories ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon