Pinipilit mong ngumiti kahit alam mong pilit? Kahit alam mong niloloko mo lang sarili mo? Kahit alam mong hindi naman 'yon ang nararamdaman mo? Nakakatanga magpakatanga alam mo 'yon? Nakakatanga ma-in love.
Hindi ba kayo napapagod? Nasasawa pagtakpan ang iyong sarili kahit na hindi ikaw 'yan?
Nakakasawa na maging peke.
Kayo ba? Pilit niyong tinatago ang iyong tunay na pagkatao kahit na mahirap. Nakakaya niyo 'yon?
Kung ako sa inyo, hindi ako matatakot pagtakpan ang tunay na ako. Pake ba nila kung ako 'to? Sila ba ang bumuhay sa 'yo? Mamatay ka na kung laitin ka nila? Ako 'to. Kilala ko kung ano ang tunay na ako. Kaya wala akong pake.
#XinaStory
--*
"Hey are you alright?" tanong sa akin ng aking nobyo, Ralph.
"Yeah," pagsisinungaling ko at ngumiti. Ngumiti din siya pabalik sa akin at hinalikan ako sa noo.
"I love you," gusto ko matawa, ma-iyak, ma-inis, maniwala sa sinabi niya pero alam ko naman na hindi niya talaga ako mahal.
"I love you too." I said meaningful and gave him a fake smile.
Bakit niya pa rin sinasabi sa akin ang mga katagang na 'yan? I know, in myself, that he didn't love me as I love him.
Bakit nga ba ako nagpapakatanga pa rin sa kanya? Kase umaasa ako sa mga sinasabi niya. Kasalanan ko ba 'yon? Kasalanan ba ang magpakatanga? Kasalanan ba ang mag mahal?
Hindi niya ako mahal kase alam kong si Lovey pa rin ang mahal niya. Pero heto ako, nagpapadala sa mga uto-uto niyang linya.
Bakit ko nga ba pinipilit ang sarili ko sa taong hindi ako mahal? Bakit nga ba ako nagpapakatanga para sa kanya? Bakit ko nga ba pinapakita sa kanya na 'okay lang ako' kahit na hindi naman talaga?
Ayoko na. Pagod na ako. Sawa na ako sa ka-shitan na 'to. Gusto ko ng matapos lahat ng 'to.
Hindi naman talaga ako pa-girly, englishera, sexy, mayaman, matalino. Kase ang totoo? Kabaliktaran ang lahat ng alam niyo.
Hindi ako mayaman, mahirap lang kami. Ako ang tinatagang 'bread winner' ng pamilya namin. Nakatira lamang kami sa squatters area. Pero dahil nga popular ako sa school, nag rent ako ng apartment at walang maskin isa sa kanila ang may alam na doon ako nakatira. Ang buong akala nila ay nakatira ako sa isang mansion. Nagpa-part time job lang din ako at ang mga pinasukan ko ay sinigurado kong walang koneksyon sa maskin sinong estupidyante ng paaralan namin.
Hindi ako pa-girly, sa katunayan ninanakaw ko lang ang iba kong magagandang gamit sa isang store.
Hindi ako sexy, nagparetoke ako.
Hindi din ako matalino, kumokopya lang ako sa aking mga kaklase.
Hindi din ako englishera, sa katunayan, nano-nose bleed ako sa mga pinagsasabi ko. Napapamura na nga lang ako ng malutong pag nagsasalita ako sa harap ng tao.
Lahat ng 'yon, ginawa ko para manatili lang ako sa pagiging popular. Para walang makapanlait. Para lahat sila, gusto ako.
Pero ayoko na. Nakakasawa.
Isang araw, nagulat ako ng may lumapit sa akin; isang geek at sinabihan ako,
"Huwag ka ng mag panggap. Mapapagod ka lang sa kakatago mo d'yan sa kulungan mo. Ano ngayon kung ipakita mo ang tunay na ikaw? Pake ba nila? At least nalabas mo ang tunay mong pagkatao. Masarap sa feeling promise. Alam kong gusto mo ng maging ikaw, Xenry."
Napalunok ako ng maalala ko kung anong sinabi sa akin nung nerd na 'yon.
Tinatago ko ang sekretong 'yon for how many years at sa isang nerd lang napa-amin ako?!
Isa akong bakla na nagpa-transgender. Ang galing no? Pano ako nagpa-transgender gayon man ay isa akong mahirap? Benta. Binenta ko ang sarili kong katawan sa isang mayaman. Buti na lang at pang-babae boses ko. Siguro iniisip niyo na kung gaano ako karumi? Pero wala akong pake. Ginawa ko lang naman 'yon dahil 'yun nagpapakasaya sa akin. Alam kong ang dami ko ng kasalanan, pero gusto ko din namang sumaya!
Walang nakakaalam sa sekreto ko kundi ang nerd lang na 'yon. At ngayon, kahit na ginawa ko ang nagpapakasaya sa akin, still may kulang.
Pagmamahal
Gumamit ako ng pangalan at katawan pang-babae para maghanap ng mamahalin ako pero still hindi din naman ako mahal! Sayang lang effort ko!
"Ralph, I want to be honest with you," panimula ko ng magkita kami sa school. Taenang english 'yan.
"What is it babe?" close mouth siyang nakangiti sa akin. Kailan man hindi ako nakatikim ng labi ng lalake.
"I...I..." sasabihin kong bang bakla ako?
"I...I'm breaking up with you." nagulat ata siya pati din naman ako. Sorry pero tama na ang one week na pagiging tanga.
"W-why?" wala man lang lumabas na luha galing sa mata niya pero pag si Lovey todo iyak!
"B-because I'm a g-gay." bigla akong hindi makahinga. Nasabi ko na rin sa wakas! Pero kinakabahan ako.Pero I know na tama lang din naman ang ginawa ko. Gusto ko ng kayalaan 'diba?
"S-sorry."
"Pano?" kinwento ko sa kanya ang lahat. Nakikinig lamang siya at biglang natawa kaya naman agad ko siyang tinignan ng masama.
"Huwag ka ngang maingay!" pero hindi niya ako pinansin at tawa lang siya ng tawa.
"I can't believe na nagkarelasyon ako with a gay! HAHAHA!" napangiti naman ako.
Kahit papano, hindi ko naman pala kailangan ng karelasyon. All I need is a friend who I can confront on. Hindi ko din kailangan magtago sa kulungan ko, so what kung bakla ako? Nagparetoke? I'm proud of it. At least hindi ko na kilangan mag pretend.
Pinanganak tayong maging 'tayo' at hindi laitin ng iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/36900369-288-k236618.jpg)