Chapter 6: The Dinner and The Rescue.

20 1 0
                                    

Chapter 6: The Dinner and The Rescue

Andy's POV

Linggo.

Ang ganda ng sikat ng araw. Medyo malulam. Pero hindi naman parang uulan. Saktong malamig lang.

Maganda sana ang araw. Kaso tuwing naiisip kong ngayon na ang "dinner" with Jigger at Sharina. Hindi ko maiwasang maging malungkot.

Iniisip ko.

Maganda kaya siya? Matalino? Sexy? Understanding? Loyal?

Ano kayang meron siya na wala ako? Ano kayang kaya niya ibigay kay Jigger na hindi ko kaya?

Wahhhhhh! Ano ba itey! Wala naman ako maisip na matino e. Tss. Bahala na.

6 PM.

Nakaayos na ako. Nakasimpleng blue off shoulder dress lang ako na medyo below the knee with matching gray 3 inch stilleto heels. Yung long hair ko naman simple curls lang.

Medyo formal ba? Haha. Sabe kasi nya e. Sunod naman ako. Tss.

Beep. Beep. Beep.

( Busina yan ng kotse. Walang pakealaman :P )

Lumabas na ako ng bahay namin. Paglabas ko. Nakasandal siya sa kotse niya. Tsssss. Poteks ang gwapo ng linteks. Naka white tuxedo siya. Bagay na bagay sa tangkad niya at kulay na parang labanos.

Lumapit ako sa kaniya.

"Ganda mo ah labs." Ngumiti pa siya. Tss. Ginamit pa niya yung terms of endearment namin date. The Nerve!

"Thanks." Matipid na sagot ko.

"Let's go?" Sabe niya. Tumango lang ako. Nakatayo na ako sa labas ng passenger seat. Nagulat ako ng yung pinto sa may likod ang binuksan nya.

"Andy, nandyan si Sharina"

I was crushed. Lagi ako doon nakaupo pag umaalis kame. Ngayon iba na. Tss.

Tahimik akong sumakay sa kotse. Tinignan ko yung babaeng nakasakay sa passenger seat. Maikli lang ang buhok nya. Close to bob cut. Brown in color. Naka tube dress siya na red. Tumingin siya sa akin. Then nagsmile. Ang ganda niya. Talo nga ako. Talong talo.

"Hi! You must be Andy? Jigger has told me so much about you. " Napatingin lang ako kay Jigger na tahimik na nagdadrive.

"Yeah." Smile. Tss. Plastic nanaman.

"I'm Sharina, Nice to meet you"

Then she offered her hand and I took it. I smiled. Fake smile. Hanggang kelan kaya useful tong smile ko na ito? Haha.

The car ride was peaceful. Nakatingin lang ako sa bintana the whole time. Minsan nakikita ko si Jigger na tinitignan ako salamin.

We arrived at a five-star hotel not far away.

Noong paupo na kame. Una niyang inalalayan umupo si Sharina. Tapos ako. Tss. Hindi na talaga ako priority.

Dumating ang waiter at kinuha ang aming order. Sinabe ko kay Jigger na siya na ang bahala kung ano ang para sa akin. Pero sa totoo lang. Wala naman ako gana kumain.

During the whole time. Tango at ngiti o mga 2-3 words lang ang response na nakukuha nila sa akin. I can't take it. Their so sweet! Ikamamatay ko ata to. Sinusubu subuan pa nila ang isa't isa. Tss. I can't do this!

"Excuse me. Cr lang ako" malamig na sabe ko. Hindi ko na tinignan ang mga reaksyon nila.

Dali dali akong tumakbo sa cr at pagdating dun. Napaluha na lang ako.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Adonis.

"Babsi. Bat napatawag ka?" Gago talaga nu. Nanukso pa.

"Labas tayo frand. Inom tayo" medyo nagkacrack na yung boses ko.

"Bakit? May problema ka ba?" Kahit isa't kalahating balahura yan. Alam ko mahal ako nyan. At alam niyang di ako magaaya ng basta basta lang ang dahilan.

"It's Jigger. He's back." That was the signal.

"Pu@#$%&*-+!!! Bumalik pa yung g@go na yon?! Nasan ka? Pupuntahan kita dali!" Shocks. Galit na galit si Adonis. Sila kasi ang saksi sa kalungkutan ko dahil ke Jiggs.

"Dito ko sa *insert name of a five-star restaurant here* kasama ko si Jigger at girlfriend niya." Mangiyak ngiyak kong sabe. Tinatry kong pigilan kasi malamang masugod ni Adonis si Jigger pag nalamang umiiyak ako.

"Okay. 15 minutes nanjan na ako. Wag ka aalis sa kinakatayuan mo." Sabe ni Adonis.

Nanatili lang ako sa CR.

After 5 minutes. May kumatok. Nagulat ako kasi si Adonis yung nasa pinto.

"Oi tae ka tarbs. Bakit ang bilis mo?" Sabe ko sa kaniya. Medyo impit ang boses ko. Halatang galing sa iyak.

"Alam ko tatanga tanga ka pag nasa paligid yang Jigger na yan kaya binilisan ko. Bilisan mo na din dahil makakapatay na ako ng tao unti na lang." Kinuha nya ang braso ko at hinatak palabas. Nung napadaan kame sa table nila Jigger. Pinatigil ko tong mokong na hatak ng hatak sa akin.

Nagulat si Jigger. Tinitignan niya si Adonis. Nagsalita na ako agad dahil mukhang mambabanat na si Adonis.

"Ah Jigger. Mauna na ako ah? Bigla kasi tumawag tong si Ad e. Alam mo naman to medyo impulsive. Haha. Enjoy kayo sa date niyo. Bye!" Hindi ko na papabayaan pang makapagsalita yung dalawang lalaki. Hinatak ko na agad si Adonis.

Nung nakalabas na kame. Parang medyo gumaan yung loob ko na hindi.

Feeling ko iniwan ko yung puso ko sa loob. Napakasakit.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Inakbayan ako ni Adonis.

"Tara na baboy. Para kang biik umiyak dyan."

We left.

This may be ranked as one of the worst days of my life. T_T

---

Dedicated to Jorizce Rivera.

Our ever poging bestfriend. Isa sa mga taong nandyan kung kelan kailangan mo siya. Kahit balahura't kalahati. Pero tunay na kaibigan. Loveyou Tarbs. :*

Comment.Vote.Be a Fan.

Enjoy! Ciao!

Saranghaeyo.

Unjaena Yongwoonhee.

-bebemows♥

Sini ako sayo! >_<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon