Chapter 22: 1 Heart=1 Love.

14 0 2
                                    

Chapter 22: 1 Heart=1 Love.

Andy's POV

It's been 3 days.

Wala pa ding balita kay Xenon. Hindi niya ako tinetext or tinatawagan. Nagaalala na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

I tried calling him several times pero wala. Sarado palagi ang phone niya. Lagi din ko nagpupunta ng gym in case makita ko siyang nagbabasketball pero wala. Mygad! Im going out of my effin mind! Nasaan na kaya ang mokong na yun?

Buong araw na naman akong bangag. Tss. I wish he was here. Kung nandito siya hindi ako magkakaganito. As far as I know wala naman ako masamang ginawa e. Ano ba naman ito. Ang sakit sa ulo!

"Andy? Yuhooo? Earth to Andy? Tao po? Haha. Tulala na naman ang iba dyan uh" kantyaw ni Queenie.

"Wag mo na nga pagtripan tong kaybigan natin. Alam mo namang miss na miss na niyan yung Xenon niya e." Sabi ni Steph.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nalilito na ako eh. Wala naman ako natatandaang mali. Baka naman may sakit siya. O kaya nakidnap siya. Omaygad napaparanoid na ako!" Maiiyak na ako dito. Tss. T.T

"Bakit hindi mo puntahan sa bahay nila?" Suggestion ni Dorothy.

Aba akalain mo mga naman may naisuggest na maganda tong si Lola Dorothy uh!

"Omy lola! Iloveyou! Bakit mga ba hindi ko naisip yun agad. Osige na babye na. Punta na ako sa kanila." Kinuha ko na ang mga gamit ko at umalis.

After maybe an hour nakarating na din ako kila Xenon. Simple lang ang bahay nila. Medyo nagaalangan pa nga ako kung kakatakot ako o hindi e. Natatakot kasi ako sa kung anong paliwanag ang maririnig ko galing kay Xenon.

After 30 minutes ng pagninilay kung kakatok ako o hindi nagdesisyon na din akong kumatok na. Kaso nagulat ako ng may nagbukas ng pinto. Isang medyo may edad ng babae pero maganda padin. I bet she's Xenon's mom.

"Ahm. Hi po. Kaibigan po ako ni Xenon. Nandyan po ba siya?"

"Oo nandyan siya. Nasa kwarto niya. 3 araw ng hindi lumalabas yun e. Kinakabahan na nga ako e. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan ulit. Akala ko pa naman okay na siya kasi daw masaya na siya doon sa Andy. Kilala mo ba iyon hija?"

Aww. Natouch naman ako. Ibig sabihin masaya siya sa akin. Kakahiya. Baka akalain ni mama niya e sinasaktan ko siya.

"Ahm. Ako po si Andy ma'am." Nginitian ko siya.

"Ay ikaw pala yon. Tama nga si Xenon. Your pretty. Despite the fats. Haha. Just kidding hija. And drop yhe formalities okay? Call me Tita Shane."

"Thank you po sa compliment. Sige po tita shane" Aww. Ambait ng madir ni Xenon.

"Osiya hija mauna na ako. May lakad pa ako e. Puntahan mo na lang si Xenon sa kwarto niya okay? Eto ang susi oh. Kung may problema kayo. Ayusin niyo. Believe me. Mahal ka ng anak ko." Then she smiled.

"Sige po tita. Ingat po kayo." Mahal daw ako ni Xenon. Ayiii. Kiligmats!

Pumasok na ako sa bahay nila. Hindi naman ako nahirapan hanapin yung kwarto ni Xenon since maliit lang din ang kanilang bahay at iyon lang din ang may kulang blue na pinto. Favorite color niya.

Kumatok ako. Walang sumagot. Ginamit ko na yung susi then unti unti akong pumasok.

Nakita ko naman agad si Xenon. Nakahiga at natutulog. Naawa ako sa itsura niya. Ang laki ng eyebags niya at mukhang pumayat. Napansin ko din ang mga lata ng beer na nakakalat sa kwarto niya. Amp! Ano kayang problema ng mokong na ito?

"Xenon." Tawag ko sa kanya. Tulog pa din. Tulog mantika pala eto. Haha.

"Ui bebe. Gising na." Wala pa din. Umupo na ako sa kama niya tapos hinimas himas yung braso niya. "Bebe. Nandito na ako. Gising kna."

Gumalaw siya. Tapos dumilat. Nung nakita ko yung mga mata niya. Nakita ko kung gaano siya kalungkot.

Tinalikuran niya lang ako. Nakatagilid siya ng higa.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na sabe niya. Aist! Ano ba yan. Ako ba may kasalanan? Ano kaya ginawa ko. Tsss. Kalma Andy. Wag ka agad magamok. Pabayaan mo sya magpaliwanag.

"Dinadalaw kita. 3 araw kang hindi nagparamdam tapos ganyan lang ang sasabihin mo sa akin?" Medyo naiiyak na ako kasi parang wala lang ako sa kanya.

"Wala akong sakit para dalawin. Tska baka magalit pa sayo si Jigger pag nalaman niyang pumunta ka dito. Umalis ka na." Tss. Ano daw?

"Huh? Bakit naman magagalit di Jigger?" Nagtataka na talaga ako.

"Diba kayo na." Watda?! Haha. Bigla na lang ako natawa. "Bakit tumatawa ka? Tss. Ganun ka ba kasaya sa kanya para lokohin mo ako."

"Ano ba sinasabe mo dyan Xenon. Hindi naman kame ni Jigger no. Imposible yon." Pagpapaliwanag ko.

"Eh bakit ka niya hinalikan? Para saan yon? Kitang kita ng dalawang mata ko Andy. Wag ka na magsinungaling." Suminghot siya. Umiiyak siya. Mygad." Ang sakit sakit Andy. Akala ko napalitan ko na siya. Akala ko okay na tayo. Okay ka na. Yun pala wala lang lahat sayo. Siya pa din pala talaga"

Hmmm. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman ko sa kaniya kaya naisipan ko na lang kumanta.

Can't sleep tonight

'Cause you're on my mind

I guess I'm in love once again

Humarap siya sa akin. Nginitian ko siya.

Gaze a star

'Cause that's what you are

You light up my life once again

Si Xenon ang nagbigay ng kulay ulit sa mundo kong dumilim ng iwan ako ni Jigger. I can't thank him enough for coming into my life.

I'll take this chance for another romance in my life

'Cause you're all that I need

I know hindi pwedeng hindi ako masaktan uli. Wala namang perpektong relasyon diba. Pero para kay Xenon. It's worth the risk.

I can't help myself

From falling in love

With somebody like you

Cause your feelings are true

Can't help myself

From falling in love

For I can't help myself

From falling for you

I admit. I'm inlove with him.♥

Tahimik lang kaming dalawa. Nagpapakiramdaman. Walang gustong sumira ng moment. Then. Bigla siyang nagsalita.

"Andy. Mahal mo pa ba si Jigger?" tanung niya sa akin.

.

"As far as I know. Isa lang ang puso ko. At ikaw lang ang laman nito. So I guess. Hindi ko na siya mahal. What do you think?"

---

Yiiiii! Kileggggs. *^▁^*

Dedicated tong chapter na to para sa nagiisang GF ko. Si Ms. Shane Cajulis. Love you GF! Ayan na nabanggit kna ah. Nanay mode nga lang. Haha. Bawi ako next time. Muwah ;*

Comment.Vote.Be a Fan.

Enjoy! Ciao!

Saranghaeyo.

Unjaena Yongwoonhee.

-bebemows♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sini ako sayo! >_<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon