Chapter 16: Complications.
NORMAL POV
Para sa dalawang binata. Dinaan nila ang labanan sa basketball.
Pareho nilang ayaw isuko si Andy. Hindi man malinaw sa kanila ang dahilan pero hindi nila basta basta lang ipamimigay si Andy.
Pansin na pansin ng lahat ng tao ang iringan nilang dalawa. Binabantayan ang isa't isa at kung nakamamatay lang ang tingin nila sa isa't isa e malamang pareho na silang plakda.
Minsan pa nga ai talagang sadyang nagbabalyahan ang dalawa. Nakakaapekto na sa laro ang ginagawa nila.
Lamang ngayon ang team nila Xenon. Na lalo namang nakapagpainit ng ulo ni Jigger.
"Tss. Feeling galing tong mokong na to! Hindi pwede to!" Sa isip isip ni Jigger.
"E sisiw naman pala tong mayabang na to e. Anu ba nagustuhan ni Andy dito. Tss. Hamak naman na mas lamang pa ako dito e.
Hindi na din maintindihan ni Jigger kung bakit ganito niya ipaglaban si Andy. Siya sa sarili niya ay naguguluhan. Alam niyang may Sharina na siya pero parang hindi kaya ng damdamin niya na may ibang mamahalin si Andy at hindi na siya.
Si Xenon naman ay gagawin ang lahat matalo lang si Jigger. Alam kasi niya ang sakit na pinagdaanan at pinagdadaanan parin ni Andy dahil sa kaniya. Ang pakiramdam niya ay meron siyang obligasyon na alagaan si Andy. Obligasyon na protektahan siya. Mahalin siya.
Last 3 minutes.
Magsushoot ng 3 points si Xenon nang iblock ito ni Jigger.
Napalakas ang block ni Jigger kaya bumagsak si Xenon.
Tumayo naman agad si Xenon at tinulak si Jigger.
"G@go ka pala e! Pinepersonal mo na ako knina ka pa!" Singhal ni Xenon.
"Eh loko loko ka pala talaga e! Hindi ko naman kasalanang mahina ka at bumagsak ka agad sa kaunting pwersa ko lang!" Matapang na sagot naman ni Jigger.
Hindi na nakatiis si Xenon at sinapak si Jigger. Natigilan ang lahat.
Hindi naman nagpatumpik tumpik si Jigger at sinapak na din niya si Xenon.
Mas titindi pa sana ang gulo kung di sila pinigilan ng mga team mates nila.
Nagsusunggaban pa ang dalawa ng matigilan sila sa sumigaw.
"Tama na yan!" Si Andy.
---
Promote nyo nga ito. Haha. Sana pag may readers may votes din dba? Haha.
KEEP READING. :)
Comment.Vote.Be a Fan.
Enjoy! Ciao!
Saranghaeyo.
Unjaena Yongwoonhee.
-bebemows♥
BINABASA MO ANG
Sini ako sayo! >_<
RomanceAndriana Louisse Sarmiento was a palygirl. Pero pag si Andrew Jigger Sanrinez na ang pinaguusapan. Tiklop ito. He was her first love. First heartbreak. how will she handle his comeback? Can she move on? Can she find love again?