KASABIHAN
"Ang positibong pag-iisip ay ang magpapalabas ng angking talento na magagamit para makapagsilbi sa maraming tao."
KAHULUGAN
ISIP
Pag-iisip: ang bahagi ng isip na nagbibigay ng kagustuhan, damdamin, pang-unawa, paniniwala, pagka-malikhain, angking talentoat nagtataglay ng karanasan at karunungan.
KARUNUNGAN
Ang Pag-iisip
Makapangyarihan ang pag-iisip ng tao dahil kaya nitong makamit ang lahat ng naiisip kung ito ay paniniwalaan nang buong-puso. Ayon kay Napoleon Hill, "Whatever the mind of man can conceive and believe, it can achieve." Napakahalaga na positibo ang pag-iisip para makamit ang lahat ng pinapangarap natin. Nakakamit ang pinapangarap na naisip kung laging masaya ang pakiramdam, mapagmahal sa kapwa at nagpapasalamat sa Diyos.
Masaya na Pag-iisip
Nagiging maganda ang lahat ng bagay na dumarating sa buhay kung masaya ang pag-iisip. Maaari pa ring pagandahin maging ang hindi magagandang pangyayari sa buhay kung laging masaya ang pag-iisip. Kaya ang lagi kong sinasabi, "Ako ay may masayahing pag-iisip; lahat ng bagay na nangyayari ay bahagi ng buhay na maaaring magdulot ng kasiyahan sa bawat oras."
Mapagmahal na Pag-iisip
Nagiging mapagmahal ang pag-iisip kung lagi kong inaalala ang mga mahahalaga sa buhay tulad ng mapagmahal na asawa, mga masayahing anak, malulusog na magulang at mabubuting taong nasa paligid ko. Kung ang bawat tao ay may mapagmahal na isipan, magiging napakaganda ng buhay dahil ang bawat tao ay magiging biyaya sa kaniyang kapwa. Kaya ang lagi kong sinasabi, "Ako ay mapagmahal na asawa, magulang, anak at kaibigan."
Nagpapasalamat na Pag-iisip
Ang nagpapasalamat na pag-iisip ay nakakatulong para makamit ang pangarap dahil ang mga taong laging nagpapasalamat ay siyang nagtatagumpay. Binibiyayaan ng Diyos ang taong nagpapasalamat sa lahat ng pangyayari sa buhay. Halimbawa, kung malakas ang halakhak ng anak ko dahil masaya siyang naglalaro sa bahay, nagpapasalamat ako dahil nakakapagsalita ang anak ko. Ipagpapasalamat ko ang mga pagkakataong pinagsasabihan ako ng mapagmahal kong asawa dahil tanda iyon na kami ay magkasama sa bahay at may pagmamahal sa isa't isa. Ang maraming labada ay tanda naman na may damit kaming naisusuot. Ang mga hindi magandang kalye? Salamat pa rin dahil nangangahulugan ito ng trabaho para sa mga tao. Kaya ang lagi kong sinasabi, "Ako ay labis na nagpapasalamat sa Diyos para sa lahat ng tao sa paligid ko at mga bagay na nakikita ko."
Positibong Pag-iisip
Napakalakas ng pag-iisip ng tao kung ito ay gagamitin sa positibong pamamaraan. Halimbawa, ang anak ng manunulat na si Napoleon Hill ay isinilang na hindi normal ang tainga kaya naman hindi rin ito nakakarinig at nakakapagsalita. Ayon sa doktor, imposible na makarinig at makapagsalita ang sanggol dahil walang butas ang tainga nito. Sa kabila nito, naging desidido si Napoleon na makarinig ang anak niya. Sanggol pa lang ay araw-araw ng iniisip ni Napoleon na makakarinig at makakapagsalita rin ang anak na tulad ng isang normal na tao. Isang himala ang nangyari sa kanilang buhay. Habang lumalaki ang kaniyang anak ay unti-unti itong nakakarinig. Dumating ang panahon na nakapagtapos ng pag-aaral ang anak ni Napoleon sa eskwelahan ng mga normal na tao na may normal na pandinig at pananalita dahil tinulungan siya ng isang kumpanya sa pamamagitan ng isang hearing aid.
BINABASA MO ANG
Paano Maging Milyonaryo?
Non-FictionAng walong madadaling hakbang para maging masaya, mapagmahal at nagpapasalamat na milyonaryo.